You are on page 1of 9

COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.

CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 8

“Mga dahilan, pangyayari at


epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo”
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Guro: Charmaine L. Cabutihan Baitang: Ika-8 – Ikatlong Markahan


Asignatura: Araling Panlipunan Araw ng Pagtuturo: Pebrero, 2024

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang…


a. natatalakay ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo sa pamamagitan ng pangkatang gawain (reporting);
b. nakapagbabahagi ng kanya-kanyang saloobin tungkol sa mga dahilan,
pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo
c. Nakabubuo ng graphic organizer tungkol sa paglawak ng
kapangyarihan ng Europe.

A. Pamantayang
Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging
transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa
daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at
ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan
B. Pamantayang
Pagganap Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa
kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo sa makabagong panahon.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo

Paksa: Mga dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo.


II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Sanggunian:
B. Sanggunian Mga Aklat at artikulo:
C. Kagamitan Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Book

Kagamitan: Laptop, Tarpapel, Printed Materials at TV.


III. PAMAMARAAN Panalangin
1. Panimulang Gawain Pagbati
Kumustahan sa klase
Pagtatala ng liban
Balik-aral
2. Motibasyon
“DORA THE EXPLORER
DANCER”
May ipapakitang energizer
na sayaw si guro upang gisingin ang
diwa ng mga mag-aaral.
“Paunang Gawain”
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Ang guro ay magpapakita ng larawan na kung saan susuriin ng mga mag-


aaral kung ano ang ipinahihiwatig nito gamit ang pamprosesong tanong.

1. Ano ang nakikita niyo sa larawan?


2. Anong emosyon ang naisip mo habang pinagmamasadan ang nasa
larawan?
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapaglakbay gamit ang barko,
saang lugar ka pupunta at ano ang gagawin mo doon?

3.
A. Aktibidad PANGKATANG GAWAIN: REPORTING

B. Analisis Sa pagsisimula ng talakayan, igugrupo ng guro ang mga mag-aaral sa apat


(4). Pagkatapos ay magkakaroon ng pangkatang Gawain. Upang mas lubos
na maunawaan maglalabas ng Mekaniks ang guro.

Gawain: Magtulungan Tayo!


Mekaniks:
 Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
 Ang bawat pangkat ay bubunot ng papel na naglalaman ng mga
tasks.
 Pumili ng tatlo hanggang limang representatib na
magpapaliwanag ng kanilang ginawa.
 Mayroon lamang ang bawat grupo ng walong (8) minuto para
gawin ang aktibidad.
Ang rubriks na pagbabasehan ng inyong iskor.

Rubriks
Nilalaman 5 puntos
Partisipasyon 5 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos
Kabuuan 15 puntos

Para sa;
Unang Pangkat: Unang Yugto ng Kolonyalismo
Ikalawang Pangkat: Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
Ikatlong Pangkat: Ang Paghahanap ng Spices
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Huling Pangkat: Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad

Unang Paksa : UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO


Noong ika-15 na siglo, ang mga Europeo ay naghanap ng panibagong ruta na
maaari nilang gamitin upang makakuha ng mga spices o panlasa para sa
kanilang mga pagkain at upang i-preserba ang mga karne. Ang mga
produktong matatagpuan sa Silangan ay malaking motibasyon para sa mga
Europeo na maghangad ng panibagong rutang pangkalakalan. Ang dating
rutang kalakalan ay nasakop na ng mga Turkong Muslim at ang mga
mangangalakal na Italyano mula sa Venice, Pisa, at Genoa lamang ang
nakagagamit nito dahil sa mataas na buwis na ipinapataw ng mga Turko. Ang
panggagalugad ay isang anggulo rin ng kanilang pamamaraan upang
mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga kapuluan at paniniwalang sila ang
magiging daan upang ito’y maging mga sibilisado. Ang Spain at Portugal ang
mga bansa na naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga mandaragat mula
sa Europe at naging daan sa iba’t ibang eksplorasyon sa Asya, Africa at Latin
America.

Ang Panahon ng Eksplorasyon ay nagpasimula sa kolonyalismo at


imperyalismo ng mga Kanluranin. Ang kolonyalismo ay ang pagsakop ng
isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa samantalang ang
imperyalismo ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng
isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Sa kabuuan, ang
panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay
maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.

Ikalawang Paksa : Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

Motibo
Tatlong bagay ang itinuturing na motibo ng kolonyalismong dulot ng
eksplorasyon:
1. Paghahanap ng Kayamanan
2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
3. Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan

Salik ng Paggalugad at Pananakop

1. Pagtuklas (Paglalakbay ni Marco Polo)


Si Marco Polo ay isang mangangalakal na taga-Venice na nakarating sa China
sa panahon ng Dinastiyang Yuan na nasa pamumuno ni Kublai Khan. Ang
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

kanyang aklat na The Travels of Marco Polo ay pumukaw sa interes ng mga


Europeo sapagkat inilarawan nito ang yaman at kaunlarang taglay ng China.

2. Pagsuporta ng Monarkiya sa mga Manlalakbay


Nakatulong din ang suportang inilaan ng monarkiya sa mga ekspedisyon ng
mga Europeong manlalakbay. Tulad na lamang ni Prinsipe Henry ng Portugal
na nakilala bilang Henry the Navigator dahil sa ipinamalas na interes at
suporta
sa mga paglalayag.

3. Pag-unlad ng Teknolohiya
Lubhang napakahirap ng paglalayag na ang gabay lamang ay ang araw,
buwan at mga tala kaya sinikap ng mga manlalayag na sumubok at tumuklas
ng mga
kagamitang makatutulong sa maayos na paglalayag. Kaya isa sa mga
pangunahing salik sa kolonyalismo ay ang pag-unlad ng teknolohiya lalo na
sa paggawa ng sasakyang pandagat at instrumentong pangnabigasyon.

Caravel-isang sasakyang pandagat na may kakayahang maglulan ng


maraming tao at may dalang mga kanyon para pangsanggalang sa anumang
masasagupa ng isang manlalakbay. Ito ay may tatlo hanggang apat na poste na
pinagkakabitan ng layag

Astrolabe- isang instrumentong ginagamit


upang masukat ang layo ng lokasyon batay
sa mga bituin.

Compass- ito ay instrumentong gabay sa


pagtukoy ng tamang direksiyon sa
paglalayag.

Dalawang bansa sa Europe ang nagsimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga


COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

bagong lupain-ang Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang


Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng
mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag-anyaya sa mga
dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga
tao. Sukdulan ang kaniyang pangarap na makatuklas ng mga bagong lupain
para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.

Ikatlong Paksa: Ang Paghahanap ng Spices


Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na
matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may
malaking Demand para sa Europe ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg.

Ang kalakalan ng spices s Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at


mga taga Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay
bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng
mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga- Venice.

Ang kalakalan ng pampalasa sa Asya ay kontrolado ng mga Turkong Muslim


at mga taga-Venice. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito, hinangad
ng
mga Europeo na makahanap ng iba pang rutang pangkalakalan.

Karagdagang impormasyon ng guro:


Ilang Popular na Spices o Pampalasa
Pangalan/Deskripsiyon
Paminta/Pepper- mula ito sa Ito ay karaniwang ginagamit bilang
namumulaklak na baging ng pampalasa ng mga pagkain.
Piperaceae. Ito ay nililinang para sa
bunga nito na tinatawag na
peppercorn na karaniwang pinatuyo
upang gamiting pampalasa. Ito ay
nagmula sa Kerala, India.
Cinnamon -ito ay makukuha sa Ito ay karaniwang ginagamit bilang
ilalim ng balat ng kahoy ng pampalasa ng mga pagkain.
Cinnamomum. Ito ay nagmula sa
mga bansang India, Sri Lanka,
Bangladesh at Myanmar.
Nutmeg- mula ito sa buto ng puno Ito ay karaniwang ginagamit bilang
ng pampalasa ng mga pagkain. Ang
Myristica fragrans. Ito ay nagmula langis nito ay maaaring gamot sa
sa isla ng Banda ng Moluccas, sakit sa ngipin at iba pa.
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Indonesia.

Ikaapat na Paksa: Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad


Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes
sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices
at ginto.

1420-1528
- Sa pagitan ng mga taong 1420-1528, ay nakapaglayag ang mga
mandaragat na Portuges hanggang bahagi ng Africa upang hanapin
ang rutang katubigan patungo Asya.

Agosto 1488
- Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog
na bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good
Hope.
1497
- Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang
naglakbay na pinamunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang
sa India. Ang nasabing ekspedisyon ay umiikot sa Cape of Good Hope
, tumigil sa ilang trade post ng Africa upang makipagkalakalan at
nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India.

C. Abstraksyon Muli Ano-ano nga ba ang mga bagay ang itinuturing na motibo ng
kolonyalismong dulot ng eksplorasyon?

Ano-ano naman ang mga bagay ang itinuturing na salik ng kolonyalismong


dulot ng eksplorasyon?

Anong mga bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng


mga bagong lupain?

Bakit nga ba ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng spices at ginto?

Sino ang manlalakbay na nakarating sa Cape of Good Hope?

Ano-anong spices ang may malaking Demand para sa mga Europeo?

Sino ang may kontrolado sa kalakalan ng spices sa Europe at Asya?

Gaano kahalaga sa kasalukuyan ang nadiskubreng mga spices o pangpalasa


ng mga Eropeo sa mga bansa sa Asya?
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Sa inyong sariling opinyon, makatwiran ba ang manakop ng ibang lupain


upang mapaunlad nag sariling bansa? Bakit?

Panuto: Ibigay ang impormasyon na hiningi sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa
activity sheet.

“The Navigator”

Spices na Katagang tawag sa


malaki ang Timog na bahagi ng Africa.
demand.

Sa anong
paraan
Mga bansang nagpalawak ng
D. Aplikasyon Libro ng
nagbigay lakas kapangyarihan
paglalakbay ni
sa mga ang Europe?
Marco Polo.
Europeo.

Itinuring na motibo at
salik sa Eksplorasyon

E. Ebalwasyon Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang
letrang tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.
1. Sinong hari at reyna ng Spain ang sumuporta sa ekspedisyon nina
Columbus at Magellan?
A. Henry at Anne C. Carlos at Elizabeth
B. William at Mary D. Ferdinand at Isabella
2. Ito ang nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa.
A. Merkantilismo C. Pakikipagkalakayan
B. Eksplorasyon * D. Renaissance
3. Lugar na kaakit-akit para sa mga Europeo dahil sa paglalarawan dito bilang
mayayamang lugar.
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

A. Africa C. Asya*
B. Australia D. America
4. Isa siya sa mga naglarawan na ang Asya ay mayroong mayayamang bansa,
lumikha pa siya ng aklat hinggil dito.
A. Marco Polo C. Christopher Columbus
B. Ferdinand V. D. Prinsipe Henry
5. Ito ay ang paghihimasok , pag-impluwensya o pagkontrol ng malakas na
bansa laban sa mahinang bansa.
A. Merkantilismo C. Imperyalismo*
B. Eksplorasyon D. Wala sa nabanggit.
6. Ito ang tatlong spices na malaki ang demand para sa mga manglalakbay na
Europeo, maliban sa isa.
A. Paminta C. Cinnamon
B. Nutmeg D. Bay Leaves*
7. Alin sa sumusunod na kagamitan ang hindi ginamit ng mga manlalayag na
Europeo sa Panahon ng Eksplorasyon?
A. astrolabe C. compass
B. caravel D. hourglass*
8. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa
kanilang paglalayag sa Panahon ng Eksplorasyon?
A. armada C. galleon ship
B. caravel* D. steam ship
9-10. Ito ang mga mangangalakal na bumibili ng spices sa mga
mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga
mangangalakal na taga- Venice.
- Tsino at Indian

May naganap na tanungan sa klase.


F. Repleksyon

Basahin at aralin ang susunod na aralin.


G. Takdang aralin

Inihanda ni: Bb. Charmaine L.

You might also like