You are on page 1of 5

ACTIVITY FOR WEEK NO.

Ana Marie L. Navarro

BSE-SS-3A

SSE-118

Mr. Mark Rowell T. Laurencio

Teaching Models, Instructional Strategies and Graphic Organizer

ARALING PANLIPUNAN

I. LAYUNIN

Sa Pagtatapos ng Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nasusuri ang unang yugto ng imperrlyalismo at kolonyalismo sa Europe

b. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

c. Nagtataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo

II. NILALAMAN

Paksa: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe

Sanggunian: Mula sa librong " Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig"

Pahina: Matatagpuan sa Pahina 326

Kagamitan: Power point, Whiteboard/ Marker

Values Integration: Values of Honesty

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal

2. Pagbati

3. Pagtala ng Liban

4. Balik-aral

5. Pagganyak
B. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad/ Talakayan

GURO:

Bago tayo dumako sa ating aralin. Ano sa palagay ninyo ang depinasyon ng Imperyalismo?

Mahusay ! Maraming salamat sa iyong pag-tugon.Ngayon dumako na tayo sa ating aralin.


Ito ay ang Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Noong ikaw 15-siglo naganap ang unang yugto
ng Imperyalismong Kaluranin. Ito ay ang pamgjihimasok ,pag impluwensya o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa laban sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di tuwirang
pananakop.Ito rin ang panahon ng ekplorasyon kung saan maraming pagsubok silang kinakaharap sa
kanilang paglalakbay.

Sa Kabuuan ang panahon ng eksplirasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan sa
pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.

MAG-AARAL:

Ang imperyalismo ay paraan ng pamamahala kung saan ang mga makapangyarihang bansa ang
naghahangad na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop. Ang bansang
kanilang sakop ay tinatawag nilang imperyo.

GURO:

Sumang ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal nang matuklasan ang compass at
astrolabe.

Sainyong palagay ano ang naging ambag ng compass at astrolabe sa paglalakabay ng mga
mangangalakal?

Salamat sa pagsagot. Ang compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang. naglalakbay
samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang taas ng bituin.

Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain kagaya ng
Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the
Navigator na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon.

MAG-AARAL :
Ang compass ang pwde nating basehan sa paghahanap ng direksyon. Ang Astrolabe naman ay maaaring
gamiting panukat.

GURO:

Dako naman tayo ngayon sa paghahanap ng Spices. Ngunit bago ko ito simulan ano muna ang spices?

Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-
lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta,
cinnamon at nutmeg.

Ang kalakalan ng soices sa Europe ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venince, Italy. Ang mga
mangangalakal na Tsino at Indian ay bumibili ng spices sabmga mangangalakal na Arabe na siyang
nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice.

Dagil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal sa


direktang magkakaroon ng kalakalan sa Asya ng mga Spices na kailangan nila.

MAG-AARAL:

Ito ay ginagamit nila uoang gawing panlasa lalo na sa kanilang mga kinakain.

GURO:

Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?

Gusto ng mga Europeo ang pagkuha ng spices (katulad din ng pagtangkang pagsakop sa spice island
Indonesia) dahil ito ay makatutulong hindi lang sa pag-unlad ng kanilang pagkaiin kundi na kakatulong
ito sa pag-unlad ng kalakalan at ekonomiya ng kanilang bansa.

MAG-AARAL:

Dahil maaari rin itong makatulong sa kanilang pamumuhay.Dahil dito nagagawa din nila itong
pagkakakitaan kung saan ipinagbebenta nila ito.

GURO:

Ayun lamang muna sa araw na ito. Salamat sa inyong pakikinig at sana may natutunan kayo sa araw na
ito.
C. Pangwakas na Gawain

1.Paglalapat

Gumawa ng isang poster sa kung ano ang naging sanhi at bunga ng Paglawak ng
kapangyarihan ng Europe. Gawin ito sa isang buong bond paper. Gawin itong makulay.
2. Paglalahat/Paglalagom

Ano ang naitulong ng paglawak ng kapangyarihan ng Europe sa mundo? Ano ang naging epekto
nito na nakikita pa rin natin ngayon sa kasalukuyan?

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumusunod at sagutan ito sa inyong sagutang papel.

1. Ano-anu ang mga dahilan ng kolonyalismo at Imperyalismo?

2. Ano ang maaaring epekto nito sa Timog-Silangang Asya?

3. Anong mga patakaran ang ipinatupad sa Pilipinas ng mga Espanyol?

4. Bakit nagpatupad ng mga patakaran ang mga Espanyol sa Pilipinas?

5. Sa iyong palagay, ano ang pagkakaiba ng Kolonyalismo at Imperyalismo?

3. Instructional Strategies

ROLE PLAY : Hahatiin ang mga mag-aaral sa dalawang grupo. Bawat miyembro ng grupo ay kailangang
makiisa. Lilikha ang mga mag-aaral ng kanilang script at dito ipapakita ang kanilang natutunan sa naging
talakayan tungkol sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe.

V. Kasunduan:

A. Sumulat ng isang maikling repleksyon na naglalaman ng 10-15 pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Gawing gabay ang sumusunod na tanong:

• Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa bansa?

• Bilang mag-aaral paano mo maisasabuhay ang mga natutunan mo sa ating aralin sa araw na ito.
B. Takdang Aralin:

Graphic Organizer: Gamit ang Venn Diagram suriin o alamin ang pagkakaiba ng Kolonyalismo at
Imperyalismo, at ano ang kanilang pagkakaparehas.Gawin ito sa sagutang Papel.

You might also like