You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 8
Halina’t Tuklasin Daigdig Natin!

Ikalawang Markahan
Modyul 6

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang pagbabagong naganap sa Europa sa
Gitnang Panahon.
Ekonomiya (Manoryalismo)
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Ikaw ay inaasahang makapagsusuri sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa


Gitnang Panahon.

Ang modyul na ito ay may sumusunod na mga layuning dapat mong matutuhan:

1. Natutukoy ang mga konsepto tungkol sa manoryalismo.


2. Nasusuri ang mga katangian, paglalarawan at konsepto ng manoryalismo.

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa


ang iyong kaalaman ukol sa pagbabagong naganap sa Europa
sa Gitnang Panahon. Tiyak akong ikaw ay handa na at
nasasabik nang sagutan ang Unang Pagsubok.

UNANG PAGSUBOK
Larawan mula sa: https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-clipart-
multiple-choice-test-multiple-choice-questions/

Panuto. Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat numero. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan sa ekonomiya sa Europe noong
Gitnang Panahon?
A. Masigla ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe.
B. Ang batayan ng kabuhayan ng mga tao sa Europe ay agrikultura.
C. Naging pandaigdigan o globalized ang kalakalan sa Europe noong
Gitnang Panahon.
D. Ang mga Europeo ay bumuo ng Common Market upang lalong sumigla
ang kalakalan.

Para sa Tanong 2-3. Tingnan mabuti ang ilustrasyon.

Pigura 1. Paghahati ng mga tao sa lipunang Piyudal

2
2. Alin sa mga sumusunod na uri ng tao na ipinapakita sa itaas ang nasa
pinakamababang posisyon sa lipunan?
A. Kings (hari) C. Nobles (maharlika)
B. Knights (kabalyero) D. Peasants (mahihirap)

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katotohanan sa ilustrasyon sa itaas?


A. Nahahati ang mga tao sa iba’t ibang uri sa lipunan.
B. Pinaglilingkuran rin ng mga knights ang mga nobles at lords.
C. Nahati ang mga tao sa lipunan sa Europe dahil kagustuhan ng tao.
D. Ang hari ang nasa pinakamataas na uri sa lipunang piyudal sa Europe.

4. Sino ang mga taong bumubuo sa pinakamalaking porsyento ng tao sa lipunan


sa manoryalismo noong Gitnang Panahon sa Europe?
A. Jesters B. Knights C. Peasants D. Troubadours

5. Alin ang tumutukoy sa malalawak na lupain na pag-aari ng mga lords noong


Gitnang Panahon sa Europe?
A. Encomienda B. Latifundia C. Manor D. Noble Estate

6. Alin sa mga sumusunod ang paglalarawan sa ekonomiya ng Europe noong


Gitnang Panahon na nagbigay daan sa manoryalismo?
A. Paghina ng kalakalan at pagbaba ng paggamit ng salapi.
B. Pagliit at pagkaunti ng mga bayan at lungsod.
C. Pagliit ng populasyon at lakas paggawa.
D. Lahat ay tama

7. Sa panahon ng kaguluhan sa Europe noong Gitnang Panahon, ninais ng mga


karaniwang tao na magkaroon ng proteksyon at seguridad. Alin sa mga
sumusunod ang isinuko ng mga tao sa mga local lord para rito?
A. Kayamanan C. Kalayaan at Paglilingkod
B. Kapangyarihan D. Pananampalataya at Relihiyon

8. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa katayuan ng isang tao bilang serf
o tagapanglingkod sa manor?
A. Freemen B. Feudal Court C. Peasants D. Serfdom

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI inaasahan sa mga serf sa Europe noong
Gitnang Panahon?
A. Magbabayad ng upa sa lord sa paggamit ng lupa.
B. Maglilingkod sa lord o magtatrabaho sa lupain ng lord.
C. Malayang makipagkalakalan sa labas ng manor at makapag-aral.
D. Magpapaalam sa lord kung sila ay aalis ng manor, mag-aasawa, o
gagamit ng lupain, kakahuyan at pastulan ng lord.

10. Alin sa mga sumusunod ang katunayan na mahirap ang kapalaran ng mga
serf sa manoryalismo?
A. Nakakapili sila ng gusto nilang hanapbuhay.
B. Maaaring silang gumamit ng mga pag-aari ng lord kapalit ng bayad.
C. Nagagawa nila at naibibigay sa kanila ang kanilang pangangailangang
pangkabuhayan, at panrelihiyon.
D. Hindi nila mababago ang katayuan nila -- ang ipinanganak na serf,
maging ang kanilang magiging anak, ay habambuhay sa gayong
katayuan.
3
Mahalagang pagbabago sa pulitika ng Europe noong Gitnang Panahon ang
pagtatatag ng Holy Roman Empire at sistemang Piyudalismo. Sulyapan natin sandali
ang iyong natutunan sa paksang ito. Sagutin ang maikling pagsasanay sa ibaba.
Panuto: Tukuyin ang nawawalang letra sa loob ng kahon. Isulat ito upang mabuo
ang mga salita.

A K G 1. Panahon sa pulitika sa Europe


pagkatapos ng pagbagsak ng
Kanlurang Imperyong Romano noong
476 CE

F A N S 2. Mga tribong German na sumakop sa


rehiyon sa tinatawag noon na Gaul.

H R E A N 3. Hari na kinoronahan ng Papa noong


Disyembre 25, 800 CE.

V R N 4. Kasunduan noong 841 CE na


naghahati sa Holy Roman Empire.

I U D L S O 5. Sistemang pampulitika na umiral sa


Europe pagkamatay ni Charlemagne.

MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN

Sa modyul na ito tatalakayin ang pang-ekonomiyang aspeto ng Gitnang Panahon.


Anu-ano ang pagbabagong naganap sa Gitnang Panahon sa Europe sa pamumuhay
ng mga tao? Paano natin mailalarawan ang ekonomiya sa Europe sa Gitnang
Panahon?

Saan kaya naninirahan ang mga tao sa Kanlurang Europe sa panahon ng piyudal?
Paano na ang kanilang mga pangangailangan? Kung sa panahon ng kaguluhan ay
apektado ang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao (damit, pagkain, gamot
atbp), saan sila kumukuha ng mga ito?

4
Aralin
Ang Manoryalismo
1
Ang pang-ekonomiyang aspeto ng piyudalismo ay tinatawag na manorialism o
manoryalismo. Hango ito sa salitang manor. Ang manor ay isang malaking lupaing
sinasaka. Pag-aari ito ng lords at ilan lamang na mga freemen ang nagmamay-ari ng
maliliit na lupa.

Ang manoryalismo ang sistemang pangkabuhayan sa ilalim ng piyudalismo. Ito ay


ang sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay ng mga magbubukid
at ng kanilang ugnayan sa isa’t isa at sa lord ng manor. Ito rin ang sentro ng lipunan
at ekonomiya ng mga taong naninirahan dito.

Ang pangunahing elemento o bumubuo ng sistemang ito ay ang manor – isang


malawak na lupain (estate) na tumutugon sa mga pangangailangan at nasa ilalim
ng isang lord. Ang lord ay nagtatamasa ng karapatan sa lupa at kapangyarihan sa
mga tao sa pamamagitan ng serfdom.

Ang manor ay malawak na lupain na kung saan naroon na ang lahat na maaaring
pagkunan ng pangangailangan ng mga tao. Nasa sentro nito ang kastilyo o manor
house na tirahan ng mga lords o baron na nagmamay-ari ng lupain. Ang simbahan,
barn o imbakan ng pagkain, water mill (gilingan ng harina), well o balon ng tubig,
workshop (pandayan) at tirahan ng mga karaniwang tao ay istratihikong nakalatag
ang kanilang lokasyon sa manor. Mapapansin din na pinakamalawak na sakop ng
manor ay para sa pagsasaka, pagpapastol at kagubatan. Ipinapakita lamang nito na
agrikultura ang pangunahing hanapbuhay dito.

Ang manor ang panahanan ng maraming tao sa kanlurang Europe noong Gitnang
Panahon. Isang pamayanang nakapaloob sa lupain pag-aari o kontrolado ng lord at
sinasaka ng mga peasant – ito ang naging sentro ng lipunang midyibal. Lumitaw ang
sistermang manoryal o manoryalismo mula sa kalagayang ekonomiko at
panglipunan ng unang bahagi ng Gitnang Panahon. Sa panahong nabanggit,
humina ang kalakalan, lumiit ang lawak at bilang ng mga bayan, at naging bihira
ang paggamit ng salapi bilang daluyan ng palitan (medium of exchange). Maraming
mga Europeo ang lumipat sa mga malalaking lupain kung saan umasa ng kanilang
pangangailangan mula sa kanilang paggawa (labor).

Dahilan sa kakulangan ng kalakalan, kinakailangan na ang isang manor ay


nagsasarili. Karaniwan sa bawat manor ay may kani-kaniyang simbahan at
manggagawang may kasanayan (skilled worker). Ang mga artesano (craftsmen) ang
gumagawa ng muwebles (furniture), sapatos, kasangkapan at hinabing tela. Ang mga
manggagawa ang lumilikha o nagpoprodyus ng sariling pagkain at pananamit at
nagtatayo ng bahay. Nag-aalaga sila ng pananim at mga hayop (baka, tupa at baboy).
Sila rin ang gumagawa ng mga tulay at daanan. Ang ilan lamang sa hindi
napoprodyus ng manor ang asin, bakal at alkitran (tar) at kailangan itong iangkat.
5
Iba iba ang kalagayan ng manor dahil sa salik ng klima at lupa. Nakaaapekto ito sa
mga naninirahan dito dahil nakapende sa mga ito kung magiging masagana o
magiging mahirap ang kanilang kabuhayan. May mga manor na malalawak at
kinapapalooban ng maraming pamayanan at malalaking lupain. May ilang manor
naman ay malilit lamang ang lupain at pamayanan. Dahil dito magkakaiba rin ang
populasyon o dami ng bilang ng mga naninirahan sa bawat manor.

Nagsimula ito sa huling panahon ng imperyong Romano kung saan ang mga
magsasaka ay umaasa sa mga may-ari ng malalawak na lupain ng kanilang
proteksyon at seguridad. Nagpatuloy ang ganitong gawain hanggang sa Gitnang
Panahon lalo na noong panahon ng pananalakay sa Kanlurang Europe ng mga
Northmen (Vikings), Magyars at Muslim (9 at 10 siglo). Ipinagpalit ng mga magsasaka
ang kanilang kalayaan para sa proteksyon at sa ibang pagkakataon ay lubha silang
mahina upang labanan ang pananakop ng mga lokal na pinuno. Nagbabago rin ang
mga kaayusan at ipinapatupad sa iba’t ibang lugar sa ilalim ng sistemang ito.

Ano kaya ang ipinapahiwatig ng


larawan sa kanan?

Sino kaya ang pinakamagaan at


maginhawa ang buhay sa ilalim ng
manoryalismo?

Sino naman ang pinakamahirap


ang naging pamumuhay?

Ikaw, kaya mo kayang mabuhay sa


isang manor?
Larawan mula sa https://fee.org/articles/lords-and-serfs-in-medieval-europe/

Ang sentro ng isang manor ay ang pamayanan na matatagpuan karaniwan malapit


sa ilog o sangandaan (crossroads). Ang mga peasants (magsasaka o magbubukid) ay
naninirahan sa mga magkakadikit na maliliit na bahay. Ang mga maliit na bahay na
maaaring ikumpara natin sa isang kubo sa ating bansa ay nabubungan ng atip na
kugon o pawid (thatched roof) at napapaderan ng dayami at putik. Kakaunti ang
pag-aari nila – ang sahig ng kanilang bahay ay lupa at walang tsimenea (chimney) –
bihira rin ang may bintanang may salamin at kakaunti ang muwebles. Katabi ng
mga kubo ay maliliit na bakuran kung saan ang kanilang pamilya ay nagtatanim ng
gulay at nagtatayo ng kuwadra upang alagaan ang ilang hayop na maaari nilang
alagaan. Ang bawat kubo ay may apoy sa gitna ng kabahayan; ang usok nito ay
lumalabas sa mga butas sa atip na bubungan at sa panahon ng taglamig o yelo
napupuno ng usok mula sa apoy ang loob ng bahay. Kapag umuulan naman ay
tumutulo ang tubig sa bubungan at ang sahig ay nagiging putik.

Nangingibabaw ang tirahan ng panginoon at simbahan sa manor. Maaaring kastilyo


o manor house ang tirahan ng panginoon o lord depende sa lawak ng manor.
Nakatayo ito sa mataas na lugar o burol na maaaring ipagtanggol sa panahon ng
pagsalakay. Ang pamayanan naman ay itinayo malapit sa napapaderang tirahan ng
lord upang maging taguan sa panahon ng pananalakay ng mga kalaban. Dumating
6
ang ikalabing apat (14) na siglo, ang mga manor house ay naging moog na kastilyong
yari sa bato.

Malapit din ang lokasyon ng simbahan sa lord’s house. Hindi lamang pook
sambahan ito, nagsisilbi rin itong pook kung saan idinadaos ang mga pagpupulong,
paglilitis ng korte, at pagtitipon (social gathering).

MGA GAWAIN
Larawan mula sa: https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1.1: LARAWAN METER.


Layunin: Masuri ang mga katangian, paglalarawan at konsepto sa manoryalismo.
Panuto: Markahan ng X ang kahon ng pahayag batay sa inyong interpretasyon sa
larawang nasa ibaba.

Larawan mula sa: https://paintingvalley.com/medieval-manor-drawing#medieval-manor-drawing-5.jpg

Oo Hindi Hindi Sigurado

1. Sentro ng feudal manor ang manor house


2. Malawak ang nasasakupan ng taniman (field)
3. Malaki ang populasyon sa isang manor
4. May Simbahan sa loob ng feudal manor.
5. Magkakadikit at maliliit ang mga bahay ng serf

7
TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7G6d3d3m2G6_freeph
otos-vector-images-thinking-brain-machine-brain-clipart//

• Ang sistemang manoryalismo ay sistemang pangkabuhayan sa ilalim ng


piyudalismo
• Ang manor ay malawak na lupain kung saan naroon na ang lahat ng
pangangailangan ng mga nakatira rito.
• Ang sentro ng manor ay ang kastilyo o manor house kung saan nakatira ang
lords o baron na nagmamay-ari ng buong lupain.
• Agrikultura ang batayang kabuhayan sa manoryalismo.
• Maliit lamang ang populasyon sa mga manor.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-


transparent-background-png-clipart-npevr

Gawain: Natutunan ko, isusulat ko!


Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang sagot sa mga
patlang.

Masasabing naging mahirap ang


ekonomiya ng mga tao sa Europe
noong Gitnang Panahon sa ilalim ng
manoryalismo sapagkat
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Larawan mula sa:


https://www.vector
stock.com

8
Aralin
Epekto ng Manoryalismo
2
Ang manoryalismo ay sistemang pangkabuhayan na umiral sa Europe noong
Gitnang Panahon kaakibat ng umiiral na piyudalismo. Mula ikasiyam hanggang
ikalabing apat na siglo, nanirahan ang mga tao sa manor at namayani ang sistemang
manoryalismo sa kabuhayan at lipunan sa Europe.

Paano nakaapekto ang manoryalismo sa kabuhayan at lipunan? Tatalakayin sa


bahaging ito ng modyul ang mga epekto ng sistemang manoryalismo sa kabuhayan,
at lipunan ng mga tao noong Gitnang Panahon sa Europe.

Ikaw ay inaasahang makapagsusuri sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa


Gitnang Panahon.

Ang modyul na ito ay may sumusunod na mga layuning dapat mong matutuhan:

1. Nasusuri ang sistemang manoryalismo sa kabuhayan, at lipunan noong


Gitnang Panahon sa Europe.
2. Nasusuri ang epekto ng manoryalismo sa mga tao sa Europe noong Gitnang
Panahon.
3. Naipapahayag ang sariling pananaw sa mga isyung kaugnay sa paksa.

Natatandaan mo pa ba ang mga konsepto sa nakaraang aralin. Balikan mo ang


iyong natutunan sa pagsagot sa susunod na gawain.

Gawain. Matching Type.


Panuto: Pagtambalin ang mga konsepto sa Hanay A sa mga paglalarawan sa
Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Agrikultura A. Tirahan ng lord at sentro ng pamayanan sa manor
2. Kastilyo B. Kapalit ito ng kalayaan at paglilingkod ng tao sa
3. Manor mga may-ari ng lupa sa panahon ng kaguluhan
4. Manoryalismo C. Malawak na lupain na pag-aari ng lord
5. Proteksyon at Seguridad D. Batayan ng kabuhayan sa manoryalismo
E. Sistemang pangkabuhayan sa Europe noong
Gitnang Panahon.

9
Ang sistemang manorial ang isang pinakamahalagang bahagi ng panlipunan at
ekonomikong estruktura ng Gitnang Panahon. Mula sa sistemang ito nalikha ang
paraan ng pagtatanim na nakilala sa panahon natin bilang horticulture. Ang
sistemang manorial ay ang ekonomiko, pulitikal at panlipunang sistema kung saan
ang mga peasants (magbubukid) ay umaasa sa lupa at sa kanilang panginoon upang
mabuhay.

Kabuhayan
Ang manoryalismo ay isang kaayusang agraryo (ekonomiyang nakabatay sa
agrikultura) noong Gitnang Panahon sa Europe kung saan nabubuhay ang mga tao
– sa pamayanan ng manor – bilang peasants o serf (magsasaka o magbubukid) na
nakatali sa lupa. Ang pamayanang manoryal ay paraan upang maitatag ang isang
lipunang agraryo na may kakauting pamilihan at salapi. Sa pamayanang ito, ang
mga lords (na nakikipagdigma sa kapwa nila lords) at kaparian (clergyman o taong
simbahan) na parehong hindi nakakapag-ambag sa gawaing ekonomiko ay umaasa
ng kanilang pangangailangan ekonomiko sa mga serf.
Malalim na pagkakahati sa lipunan at agrikultural sa pangkalahatan ang katangian
ng ekonomiya noong Gitnang Panahon. Bagamat nagkaroon ng pagsulong at
pagbabago sa ekonomiya noong Gitnang Panahon, nanatiling ang batayan ng
ekonomiya ang agrikultura.

Sa pangkalahatan, ang buong buhay ng mga serf o peasant (paggawa, pag-aasawa,


pagpapamilya, kamatayan) ay nasa sa loob ng lupain ng panginoon (lord’s estate).
Bihira lamang ang ugnayan ng mga tao sa labas ng kanilang pamayanang
pinagsilangan. Sinasabing ang serfdom (katayuan ng tao bilang serf sa
manoryalismo) ay isang mapaniil na patakaran na nagtataglay lamang ng maliit na
kalayaan at pang-aalipin. Ang mga alipin (serf) ay walang kalayaan kailangan
magpaalam sa mga lords kung sila’y maglalakbay, mangangaso, mag-aasawa at
maghahanapbuhay.

Lipunan

Sinasalamin ng lipunang Medieval ang mga tao sa manor. Nahahati ang tao sa
lipunan: kaparian (clergy), maharlika (nobility) at karaniwang tao (peasantry,
pinakamalaking porsyento ng populasyon sa manor). Sa buong panahon ng Gitnang
Panahon, ang kaparian at maharlika ang nasa itaas na antas ng tao sa lipunan. Sa
loob ng manor ay may kani-kaniyang tungkulin ang mga tao anuman ang antas na
kaniyang kinabibilangan. Ang mga pari ang tumutugon sa pangangailangan
espirituwal ng mga tao, ang lord ang nagbibigay ng proteksyon at katarungan sa
pamayanan. Ang mga kaparian at maharlika ay kapwa umaasa sa suporta at
paggawa ng mga magsasaka (peasants).

10
Maliit na bahagi ng mga tao na naninirahan sa manor ay tinatawag na malalayang
tao o freemen. Sila ay higit na nakakaluwag kaysa sa magsasaka. Nagsisilbi sila
bilang opisyal ng manor, o tagapagbigay ng serbisyo gaya ng pagpapanday
(blacksmith), tagahabi ng tela (millers), at karpintero. Ilan sa kanila ang maaaring
magmay-ari ng maliit na lupain, ang ilan naman ay umuupa sa lord ng manor. Hindi
sila tulad ng karaniwang magbubukid (peasant) sa kanilang obligasyon sa lord.
Halimbawa, sila ay hindi pinagtatanim sa bukid ng lord. May kalayaan din sila na
umalis sa manor. Bagamat nakahihigit sa pribilehiyo ang mga freemen sa peasant
ay kakaunti lamang ang pinagkaiba ng kondisyon ng kanilang pamumuhay.
Karamihan sa nakatira sa manor ay magbubukid o peasant na nakilala bilang serf
(mula sa salitang “servus” sa wikang Latin na nangangahulugang “alipin”).
Nagmumula sa maliit ng lupang sakahan ang kanilang pangangailangan. Hindi
katulad ng freemen, nakatali ang serf sa lupa. Hindi siya maaaring umalis ng manor
nang walang pahintulot ng lord. Kapalit ng proteksyon, ang serf naglilingkod at
nagbabayad sa kaniyang lord. Ang mga paglilingkod na ito ay paggawa sa lupain ng
lord. Nagbubungkal sila, nagtatanim, naglilinis sa bukid, at nag-aalaga ng mga baka
ng lord. Maaari silang ipatawag ng lord upang kumpunihin ang mga bakod,
manguha ng kahoy at linisin ang mga kakahuyan, o maghukay sa moat o kanal na
nakapaligid sa kastilyo. Karaniwan na dalawa hanggang tatlong araw kada linggo
naglilingkod ang serf sa lord at tinatawag ito na week work.

Nagbabayad din ang serf sa lord sa pamamagitan ng kaniyang inani o nagawa para
sa paggamit ng lupa at resources ng lord. Ibinibigay ng serf ang bahagi ng kaniyang
inani, nahuling mga isda, keso (cheese) para sa pagpapastol ng baka sa damuhan
(pastureland) ng lord, at bahagi ng nakuhang kahoy na panggatong. Ang mga mill at
bakery na pag-aari ng lord lamang ang maaaring gamitin ng serf. Bahagi ng butil
(grain) at harina ng serf ay kukunin ng lord bilang kabayaran.

Ang tanging mundo na alam ng mga peasant ay ang manor. Mula pagkapanganak
hanggang kamatayan ang manor na ang kanilang tahanan, lugar ng hanapbuhay,
sinasambahan at himlayaan. Dito na sila mananatili kagaya ng kanilang mga ninuno
at magulang.

Mahirap ang buhay sa manor. Gumagawa ang peasant sa lupain mula pagsikat
hanggang paglubog ng araw. Sa kabila ng kaniyang paggawa, maraming peasant
ang hindi makaraos nang maayos sa buhay. Ang buhay niya ay puno na kahirapan
at pagdurusa. Ang kakaunting salapi na kinita niya ay napupunta sa pambayad sa
renta ng lord o sa tithes o kontribusyon sa simbahan. Laganap ang kagutuman at
ang patuloy na labanan sa pagitan ng mga feudal lords ay nakasisira sa pananim at
mga hayop. Ang mabigat na trabaho, maruming kapaligiran o pamayanan,
mahinang kalusugan, at kawalan ng pag-aalagang medikal ang dahilan kung bakit
ang maraming peasant ay maikli lamang ang buhay (life span).

11
Gawain 1.2: DECISION METER.
Layunin: Nasusuri ang epekto ng manoryalismo sa mga tao sa Europe noong
Gitnang Panahon.
Panuto: Suriin at pagpasyahan ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay Tama
o Mali.

Pahayag 1 Pahayag 2

Sa pananaw ng mga Serf, hindi mabuti


Sa pangkalahatan, hindi mabuti
ang manoryalismo sapagkat hindi sila
ang manoryalismo sapagkat
maaaring umalis sa manor, sapilitang
walang kalayaan sa kabuhayan gumagawa para sa mga lord, at walang
at hindi pantay ang katayuan ng kalayaan. Kung ipinanganak sila na serf,
mga tao sa lipunan naisin man nila ng ibang hanapbuhay,
sila ay walang kalayaan at karapatan
umangat ang katayuan.
TAMA
MALI

TAMA
MALI

12
• Ang sistemang manoryalismo ay nagbigay daan sa kawalang pag-asa sa
maayos na buhay ng mga karaniwang tao at pagiging palaasa sa lord
• Mahirap ang kalagayan ng serf sa ilalim ng manoryalismo
• Ang serfdom ay nahahalintulad sa pang-aalipin na naganap sa sistemang
manorialismo

Natutunan ko, I-SWOT Ko!


Panuto: Isulat sa kahon ang mga impormasyon hinahanap batay sa inyong
natutunan. Ang Strength ay tumutukoy sa kalakasan, at kabutihan ng
manoryalismo, ang Weakness naman ang kahinaan, at di-kabutihan ng
manoryalismo. Ang Opportunity ay binibigay na pagkakataon kung magpapatuloy
ang manoryalismo at ang Threat ay ang banta o masamang ibubunga kung
ipagpapatuloy ito.

S W O T
Strength Weakness Opportunity Threat

Kabuhayan

Lipunan

13
Panuto. Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paglalarawan sa ekonomiya ng Europe
noong Gitnang Panahon?
A. Agrikultura ang batayan ng ekonomiya sa Europe noong Gitnang Panahon
B. Nahahati ang mga tao sa mga may-ari ng lupa at naglilingkod o gumagawa
sa lupa
C. Mabilis na nakakaaangat ang mga tao mula sa uri na kinabibilangan niya
sa lipunan sa manoryalismo
D. Nakaangat ang mga tao sa kahirapan at ang mga mangangalakal ay naging
middle class dahil sa maunlad ang kalakalan

Para sa Tanong 2-3. Tignan mabuti ang ilustrasyon.

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa hinahanap na (?) bahagi na


nagbibigay ng proteksyon sa mga peasants sa ilustrasyon sa itaas?
A. Administrator C. Soldiers (sundalo)
B. Knights (kabalyero) D. Workers (manggagawa)

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pamagat ng ilustrasyon sa


itaas?
A. Piramide ng mga tao sa Europe noong Gitnang Panahon
B. Mga Taong nasa ilalim ng Europe noong Gitnang Panahon
C. Populasyon ng mga tao sa Europe noong Gitnang Panahon
D. Pagkakahati ng Lipunan sa Europe noong Gitnang Panahon

4. Alin sa mga sumusunod ang ibinibigay na karapatan sa mga serf sa Europe


noong Gitnang Panahon?
A. Karapatan makapagmay-ari ng lupa
B. Karapatan magnegosyo sa bayan at lungsod
C. Karapatang tumira sa manor kapalit ng paglilingkod
D. Karapatan sa kalayaan at pumili ng magiging kapalaran sa manor
14
5. Alin sa mga sumusunod na paglalarawan ang nagpapakita ng labis na
paghihirap at di-pantay na pagkakataon sa lipunan sa ilalim ng
manoryalismo?
A. Kapalit ng lupa ay suporta ng mga barons sa hari
B. Mula bata ay sinanay ang mga knights sa pakikipagdigmaan
C. Ang landlords ay kumukuha ng kanilang kayamanan at salapi sa mga
naglilingkod sa kanila sa manor
D. Ang mga serf ay nakatali sa lupa at gumagawa sa bukirin mula buong
araw at walang sariling pag-aari

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paglalarawan sa ekonomiya ng Europe


noong Gitnang Panahon na nagbigay daan sa manoryalismo?
A. Pagliit ng populasyon at lakas paggawa
B. Pagliit at pagkaunti ng mga bayan at lungsod
C. Paghina ng kalakalan at pagbaba ng paggamit ng salapi
D. Pag-usbong ng mga bayan at lungsod dahil sa pagsigla ng kalakalan

7. Aling sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng mga lord o may-ari


ng lupa sa mga karaniwang tao sa panahon ng kaguluhan sa Europe noong
Gitnang Panahon?
A. sinamantala ng mga karaniwang tao ang kaguluhan upang pagnakawan
ang mga lords
B. humina ang kapangyarihan ng mga lords sa pagdagsa ng tao tumakas
mula sa mga kaguluhan
C. isinuko ng mga karaniwang tao sa lord ang kanilang kalayaan kapalit ng
proteksyon at seguridad
D. nawalan ng halaga ang lupa dahil hindi ito magamit dahil natakot ang mga
magsasaka dahil sa kaguluhan

8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa serfdom?


A. ito ang katayuan ng isang tao bilang serf
B. ito ay karapatan ng isang serf na magmay-ari ng lupa
C. ito ang tungkulin ng serf na magbayad ng buwis sa lupa
D. ito ang kapalaran ng isang serf na makapag-asawa ng maharlika

9. Sila ang mga inaasahang maglilingkod at pinagmumulan ng kayamanan ng


lord o may-ari ng lupa?
A. clergy B. knights C. freemen D. serf

10. Ang mga serf ay mga taong labis na naghirap sa manor noong Gitnang
Panahon sa Europe. Hindi nila mababago ang katayuan nila -- ang
ipinanganak na serf, maging ang kanilang magiging anak, ay habambuhay sa
gayong katayuan. Anong konklusyon ang mabubuo ditto?
A. Naging maganda ang kabuhayan ng mga serf noong Gitnang Panahon
B. Hindi mabuti sa mga serf ang sistemang manoryalismo
C. Hindi mahalaga ang katayuan ng mga serf sa ekonomiya
D. Ang kapalaran ng serf noong Gitnang Panahon ay patungo sa kariwasaan
sa buhay.
15
Mga Aklat:
Fisher, David A. (1999). “World History for Christian Schools”. USA: Bob Jone
University Press, Greenville SC. pages 195-199.

Mateo, Grace Estela C. et al (2012), “Kasaysayan ng Daigdig”. Vibal Publishing


House Inc.

Perry, Marvin (1997). “Western Civilization: A Brief History” Houghton Mifflin


Company, New York, page 158

Sass, Erik and Steve Wiegand (2009), “Mental Floss History of the World”,
HarperCollins Publishing, NY USA

Vivar, T,L. et.Al., (2000) Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong
Taon). SD Publications, Inc.,

___________ “Global History and Geography” (2009), Barron Regents, NY

___________ “Kasaysayan ng Daigdig” (Learner’s Manual) 2015. Department of


Education, Philippines

Online Sources:

Newman, Simon (2012). Economy of the Middle Ages. The Finer Times..
https://www.thefinertimes.com/economy-in-the-middle-ages

______ Life of Serf. Blendspace.


https://www.tes.com/lessons/SBgf4wyZOFyK3Q/life-of-a-serf

Mga Larawan:

Foundation for Economic Education. Lords and Serfs in Mediev Europe


[Photograph]. Retrieved from: https://fee.org/articles/lords-and-serfs-in-
medieval-europe/

Painting Valley/ Medieval Manor Drawing [Photograph]. Retrieved from:


https://paintingvalley.com/medieval-manor-drawing#medieval-manor-
drawing-5.jpg

Weebly.com. The Middle Ages [Photograph]. Retrieved from:


https://khalidf9b2.weebly.com/

16
Management and Development Team
Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim,
CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Shiela C. Bernardo – Head Teacher III


Writer: Rodelio P. Liwag Jr. – Master Teacher I

17
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg: _______ Modyul Blg.:___________ Linggo Blg.: _______

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pagbabagong naganap


sa Europa sa Gitnang Panahon: Ekonomiya
Layunin: Naipapahayag ang sariling pananaw sa mga isyung kaugnay sa paksa.

Paksa: Epekto ng Manoryalismo


Gawain: Pagsusuri ng Tula. Basahin at unawain ang akda. Dugtungan ang mga
pahayag sa ibaba ng inyong mga saloobin, repleksyon o opinyon batay sa inyong
pag-unawa.
“The Serf”
Poem by Steven SRS
Mula sa https://www.poemhunter.com/poem/the-serf/

I am a serf, I am a serf,
Weakest in the Land of Not. Redeemable only because
I am a slave to all, I'm all that there is.
From the lowest serpent But for only as long,
To the loftiest dream. As I'm all that there is.

I am a serf. I am a serf,
I and my kind stand like men, I and my kind are producers.
But oft this is only an illusion. All things made,
Because we stand not together, Great and small,
We stand not at all. Come from my ranks.

I am a serf.
I live blind, deaf, and dumb;
In ignorance and fear of the truth.
Not because I can't,
But because I won't have it any other way.

Mahirap ang maging isang serf sapagkat _________________________________________


_________________________________________________________________________________
Nalulungkot ako para sa mga serf sapagkat ______________________________________
__________________________________________________________________________________
Ang marapat na ipagkaloob sa mga serf ay _______________________________________
__________________________________________________________________________________

18
Unang Pagsubok Balik – tanaw (Aralin Gawain 1.1
1)
1. B 1. Oo
2. D 1. Dark Ages 2. Oo
3. A 2. Franks 3. Hindi
4. C 3. Charlemagne 4. Oo
5. C 4. Verdun
6. D 5. Piyudalismo
7. C Gawain 1.2
8. D
1. Tama
9. C Balik-tanaw (Aralin 2)
2. Tama
10.D
1. D
2. A
3. C
4. E
5. B

Pangwakas na
Pagsusulit

1. D
2. B
3. D
4. C
5. D
6. D
7. C
8. A
9. D
10. B

19

You might also like