You are on page 1of 12

7

ARALING PANLIPUNAN
Self-Learning Home Task
QUARTER 4 – Weeks 1 & 2

DEPARTMENT OF EDUCATION • PILAR NATIONAL HIGH SCHOOL


SELF-LEARNING HOME TASK
Subject: Araling Panlipunan
Grade Level: 7
Quarter: 4
Week: 1 & 2

MELCS: nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng


kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya
Competency Code: AP7KIS-IV-a-1.1

Pangkalahatang Panuto
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng SLHT na ito:
1. Gamitin ang SLHT nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng SLHT. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Siguraduhing huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan, baitang at
seksyon, asignatura, at petsa sa iyong sagutang papel.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sapag-wawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang SHLT na ito sa iyong guro o taga-pagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay nahirapan sa pagsagot sa mga gawain sa SLHT na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapag daloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatandasaiyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
PAGBABASA/TALAKAYAN

Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng


Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya sa Unang Yugto ng
imperyalismong Kanluranin.

Sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, nagkaroon ng


tuwirang kompetisyon sa pagitan ng nag-aagawang Spain,
Portugal, Great Britain, Netherlands, at France para sa mga lupain
sa Asya. Tinatawag na kolonyalismo ang anyo ng imperyalismong
naganap sa Asya sa panahong ito.

Maibubuod sa tatlo ang layunin ng mga kanluranin sa


pananakop sa Asya. 3Gs: God, kung saan layunin palaganapin ang
Kristiyanismo, Gold, Pagpapaunlad ng ekonomiya, na kung saan
mapapakinabangan ang mga likas na yaman sa mga lupain na
nasakop at Glory, Pagpapalawak ng kapangyarihan.
Upang maisakatuparan ang layunin ng mga kanluranin, nagtayo
ng kolonya ang mga kanluranin sa Asya. Nagkaniya-kaniya ang
mga kanluranin sa pagsakop sa mga bansang Asyano. Ang rehiyon
ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon na lubusang
naapektuhan ng pananakop.

Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang
Silangang Asya sa mga bansang kanluranin dahil sa mga
sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga
kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya.
Bagama’t maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong
naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan
ng mga bansa dito.

Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin:


1. CHINA AT FORMOSA
• Sumakop – Portugal
• Mga lugar na sinakop: Daungan ng Macao sa China at Formosa
(Taiwan)
• Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo, pagkuha ng likas
na yaman, Palawakin ang relihiyong kristiyanismo at
pakikipagkalakalan.
• Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga himpilang
pangkalakalan.
• Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong naapektuhan ang
bansa sa silangang asya dahil sa metatag na pamahalaan at hindi
nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.

Timog-Silangang Asya
Sagana ang Timog-Silangang Asya sa likas na yaman. Ito ang
nagging mitsa sa paglaganap ng kolonyalismong kanluranin sa
rehiyon. Sa katunayan, sa unang yugto ng kolonyalismo sa Asya,
Kalakalan ang sinasabing nakaakit sa mga kanluranin na
magtungo sa Timog-Silangang Asya. Isa sa mga lugar na ito ay ang
Spice Islands.
Matatagpuan ang Spice Islands (Moluccas) sa kasalukuyan sa
Silangang Indonesia sa pagitan ng Sulawesi at New Guinea. Dahilsa
mga pampalasang makukuha sa lugar, maraming Europeo ang
naghangad na makontrol ang Moluccas. Nagtungo rito ang mga
Portuguese,Dutch,British,at iba pang kanluranin.
Maliban sa aspektong pangkalakalan, naging salik din ang
relihiyon upang magtungo ang mga kanluranin sa Timog-Silangang
Asya. Halimbawa nito ang pagtalaga ng Spain ng mga misyonerong
Espanyol upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa rehiyon.

Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin

1. PILIPINAS
➢ Sumakop – Espanya
➢ Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas
at ilang bahagi ng Mindanao.
➢ Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at may mahusay na
daungan tulad ng Maynila.
➢ Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni
Miguel Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop ang
bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga local
na pinuno, paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero
sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.
➢ Epekto Ng Pananakop:
• Pangkabuhayan: 1. Tributo- pagbabayad ng buwis ng mga
katutubo sa mga Espanyol; 2. Polo’y Servicio - sapilitang
paggawa/sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad
16 hanggang 60. 3. Monopolyo – kinokontrol ng mga Espanyol
ang kalakalan.
• Pampolitika: 1. Sentralisadong Pamahalaan – itinalaga ng hari
ng Espanyol angGobernador-Heneral na pinakamataas na
pinuno sa Pilipinas at nawala sa kamay ng mga katutubo ang
karapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan
silang maglinkod sa pamahalaan subalit sa pinakamababang
posisyon. 2. Ang Simbahang Katoliko – naging makapangyarihan
ang mga Espanyol na pari at kura paroko.
• Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – niyakap ng
mga katutubo ang Kristiyanismo. 2. Wika at mga Pagdiriwang –
natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at pagdaraos ng
mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan,
Santacruzan,Araw ng mga patay at Pasko, kadalasan may
kaugnayan ang pagdiriwang sa kristiyanismo.

2. INDONESIA
➢ Sumakop – Portugal, Netherlands at England
➢ Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng
Portugal, Amboina at Tidore sa Moluccas: inagaw ng
Netherlands mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng
England subalit ibinalik din sa Netherlands. Batavia (Jakarta),
nasakop din ng Netherlands.
➢ Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga
sentro ng kalakalan at maayos na daungan.

➢ Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay nagtayo ng


mga himpilan ng kalakalan at nagsimulang palaganapin ang
relihiyong kristiyanismo ng narrating nila ang Ternate sa
Moluccas noong 1511. Pinaalis ng mga Dutch ang Portuges
noong 1655 at sinakop ang ang mga isla ng Amboina at Tidore
sa Moluccas gamit ang mas malakas na puwersang pandigma
at gumamit din sila ng Divide and Rule Policy((Paraan ng
pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop
ang mga local na pinuno)
➢ Epekto ng Pananakop:

• Pangkabuhayan: 1. Maraming mga produkto ang


kinokolekta gayunpaman, ang pag-unlad ng kalakalan ay
pumanig sa mga kanluranin. 2. Sapilitang pagkontrol
(momopoly) inuna ng mga Asyano ang pagtatanim kaysa
kumain.Ipinagbawal ang pagtatanim ng mga halamang
pampalasa sa mga pribadong mamamayan upang
maiwasan ang pagbagsak ng presyo sa pamilihan.
• Pampolitika: 1. Mapait na alitan sa mga taal na
mamamayan. 2. Ginamit ang mga lokal na mamuno sa
nasasakupan at mangulekta ng buwis.
• Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa
pagnanais na mapalaganap ang relihiyon ng mga
kanluranin ito ay nagdulot tension sa mga kolonya.
Humantong ito sa alitan, labanan at patayan.

3. MALAYSIA
➢ Sumakop – Portugal, Netherlands at England
➢ Mga lugar na sinakop: Malaysia
➢ Dahilan/Pakinabang: Sentro ng kalakalan at palaganapin
ang Kristiyanismo.
➢ Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa kalakalan at
pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo
➢ Epekto ng Pananakop:
• Pangkabuhayan: 1. Maraming katutubo ang naghirap
dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop.
• Pangkultura: 1Sinubukan ng mga Portuguese na
palaganapin ang kristiyanismo sa mga daungan na
kanilang nasakop subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa
malakas na impluwensya ng Islam sa rehiyon.

Epekto ng Pananakop ng mga Portuguese


Karaniwan na sinasakop ay Daungan sa baybaying dagat upang
makontrol ang ruta ng kalakalan.
Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• Malacca sa Malay (Malaysia)
• Ternate sa Moluccas (Indonesia)
• Cochin Macao sa China
Mga Epekto ng Pananakop:
• Kultura at Relihiyon
1. Alitan ng mga Hindu at Muslim.
2. Pag-aasawa ng mga Portuguese at local na popoulasyon.
3. Ikinalat ang katolisismo
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Ganap na monopoly ang kalakalan sa pampalasa.
2. Pagkumpiska sa mga produkto kung walang permiso.
3. “Displacement”(Arabo,Tsino,Malay)
• Politika
1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan na Hindu o
Muslim.
2. Maramihang pagpatay sa local na populasyon.
3. Paghingi ng permiso sa kalakalan.

Epekto ng Pananakop ng mga Espanyol


Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• Pilipinas

Mga Epekto ng Pananakop:


• Kultura at Relihiyon
1. Ikinalat ang katolisismo
2. Akulturasyon
3. Nailayo sa taas na tirahan
4. Sapilitang paggawa
5. Sistema ng edukasyon mula sa pamantayan ng Espanya.
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Nagwakas ang masiglang ugnayang pangkalakalan ng mga
Asyano (kalakalang Maynila-Acapulco)
2. Kalikasan- Pagsasamantala sa mga puno o likas na yaman.
• Politika
1. Reduccion(Pueblo)
2. Sentralisadong Pamahalaan(Gobernador Heneral)
3. Gobernadorcillo o puno ng isang bayan, Cabeza de barangay.
Epekto ng Pananakop ng mga Dutch
Mga Nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
• East Indies Moluccas (Indonesia)

Mga Epekto ng Pananakop:


• Kultura at Relihiyon
1. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya
(walang gawaing misyonero).
• Ekonomiya o Kalakalan
1. Mahigpit na binantayan ng mga Dutch ang pagtatanim ng
pampalasa.
2. Mahalagang susi ng pagtatagumpay ang pagtutuon ng pansin
sa negosyo.
• Politika
1. Ginamit ang mga local na mamuno sa nasasakupan at
mangulekta ng buwis.

PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.
Pagsasanay 2
Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart.

Nasakop na Mananakop na Dahilan ng Epekto ng


Bansa Bansa Pananakop Pananakop
1. China
2. Pilipinas
3. Indonesia
4. Malaysia

PAGTATAYA
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Bansang naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang


asya, particular sa China.
A. Espanya C. Pransya
B. Portugal D. Great Britain

2. Dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng


pananakop ng mga kanluranin.
A. Silangan at Timog-Silangang Asya
B. Timog-Silangang at Kanlurang Asya
C. Timog at Kanlurang Asya
D. Silangan at Timog Asya
3. Dalawang bansa sa kanluranin na naguna sa pananakop ng mga
lupain.
A. Espanya at Pransya C. Espanya at Portugal
B. Portugal at Pransya D. Portugal at Inglatera

4. Relihiyong pinalaganap ng mga kanluraning mananakop.


A. Islam C. Buddismo
B. Kristiyanismo D. Hinduismo

5. Pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas


A. Mayaman sa Pampalasa C. Sentro ng Kalakalan
B. Mayaman sa Ginto D. Relihiyong Kristiyanismo

6. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa


pananakop ng Dutch.
A. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng
kolonya (walang gawaing misyonero).
B. Nagpadala ng maraming misyonero sa mga kolonya.
C. Ipinilit na yakapin ng mga kolonya ang kanilang relihiyon.
D. Pangunahing dahilan nila ay palaganapin ang relihiyon.

7. Bansang kanluranin na karaniwan na sinasakop ay ang


Daungan sa baybaying dagat upang makontrol ang ruta ng
kalakalan.
A. Dutch C. Portugal
B. Great Britain D. Spain
8. Ang Portugal at _________ ang dalawang bansa na nanguna sa
unang yugto ng kolonyalismo.
A. Dutch C. Portugal
B. Great Britain D. Spain

9. Isa sa mga bunga ng pananakop ng kanluranin sa Pilipinas.


A. Maraming mga Pilipino ang naging Muslim
B. Pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo.
C. Maraming mga Pilipino ang nanatiling pagano.
D. Pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Budismo.
10. Ang paglaganap ng _____________ang isa sa naging epekto ng
kolonyalismo.
A. Islam C. Kristiyanismo
B. Budismo D. Hinduismo
Gawain 2
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pinahahayag ng pangungusap
at M kung di wasto ang konsepto na isinasaad.
_______1. Ang Pagiging mayaman sa ginto ng Pilipinas ang
pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop.
_______2. Ang Silangan at Timog-Silangang Asya ang dalawang
rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga
kanluranin.
_______3. Ang Portugal at Pransya ang dalawang bansa sa
kanluranin na nanguna sa pananakop ng mga lupain.
_______4. Ang Relihiyong Islam ang isa sa mga ginamit na paraan
ng pananakop ng mga kanluranin.
_______5. Ang Portugal ang bansang kanluranin na naghangad na
magkaroon ng kolonya sa Silangang asya, particular sa China.
_______6. Hindi pinakialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng
kolonya (walang gawaing misyonero).
_______7. Ang mga Taal o katutubo ang lubos na nakinabang sa
lupain at sakahan.
_______8. Ang paglaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo.
_______9. Ang tawag sa Cabeza de barangay ay Gobernadorcillo.
_______10. Ganap na monopoly ang kalakalan sa pampalasa.

Gawain 3
Panuto: Ipaliwanag ang mga naging bunga o epekto ng pananakop
ng kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

SANHI BUNGA
Pananakop ng mga Kultura at Relihiyon: ______________________
kanluranin Ekonomiya o Kalakalan: ___________________
Politika: __________________________________
PAGYAMANIN
Anong masasabi mo?

Kung ikaw ay nabuhay noon, ano kaya ang maaari mong ginawa sa
pagdating ng mga mananakop? Sa Kasalukuyang panahon, kung
sakali na may mananakop na dumating sa bansa, ano ang iyong
gagawin? At kung sa hinaharap ay may darating na mananakop,
paano mo ito haharapin?

Sagot:
Noon:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Kasalukuyan:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Hinaharap:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Binabati kita!
Ngayon, maging handa sa susunod na pag-aaral.

To God Be All the Glory!!!

You might also like