You are on page 1of 16

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pagsusuri sa Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng
mga Pilipino sa
Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

1
NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagsusuri sa Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Susan P. Bial


Editor: Retchie F. Quiñones
Tagasuri: Nieves S. Asonio, Hope A. Jandomon
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Richie C. Naingue, Vanesa R. Deleña

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo mag-aaral sa ika-5 baitang. Inaasahan ko na
ikaw ay nasa mabuting kalagayan at may magandang kalusugan na kahit wala ka sa
paaralan ay marami pa rin kayong matutuhan sa pamamagitan ng modyul na ito na
tumatalakay at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa Pagsusuri sa Kaugnayan ng
Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay sa iyo sa mapatnubay at
malayang pagkatuto. Layunin din ng modyul na ito na matulungan ang bawat mag-
aaral na kagaya mo na makamit ang kasanayang pang-21 siglo (21st century) habang
isinaalang-alang ang iyong kalagayan at pangangailangan sa pinakaligtas na
pamamaraang maaaring idudulot ng COVID-19.

Paano mo ito ipinakita o


Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Basahin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at Isulat ito sa iyong
sagutang kwaderno.
1. Ang __________ay banal na digmaan ng mga Muslim.
A. Jihad C. Head hunting
B. Koran D. Pag-aanito

2. Si ____________ ang sultan na unang naglunsad ng banal na digmaan laban sa


mga Espanyol.
A. Sultan Mashaika C. Sultan Kudarat
B. Sultan Ukana D. Sultan Buansa
3. Ang ____________ay ang tradisyon ng pakikipagdigma at pamumugot ng ulo ng
mga katutubong Igorot.
A. jihad C. sakat
B. pangangaway D. Moro War

4. Ipinakita ng mga Muslim ang kanilang pagtanggi sa kolonyalismong Espanyol sa


anim na digmaang tinawag na ___________________________.
A. Digmaang Moro C. Digmaang Muslim
B. Digmaang Espanyol D. Digmaang Axis

5. Sa ikatlong pagkakataon, tinangkang sakupin ng mga Espanyolang mga Igorot


bilang bahagi ng patakarang pang-ekonomiya ni Gobernador – Heneral Basco
na_________________.
A. Monopolyo ng Abaka C. Monopolyo ng Tabako
B. Monopolyo ng Bulak D. Monopolyo ng Niyog

1 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Balikan
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang nakikita mo? Piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno o papel.

Igorot Muslim Espanyol


Digmaang Moro ginto

1. 4.

(Rathore 2020) (YCF2014 n.d.)

2. 5.

(Picq 2017) (Wikipedia 1902)

3.

(WhatGo n.d)

2 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Tuklasin
Gawing gabay sa pag-aaral ang sumusunod na balangkas.

• Deposito ng ginto
• Pagsuway sa mga
Mga Igorot sa • Monopolyo
patakaran
saTabako
Cordillera • Pangangayaw
• Pagpapalaganap ng
Kristiyanismo • Rebelyon

MgaKatutubong Pangkat Tinangkangsakupin Tumugon sa pananakop


na Hindi Nasakop ng dahilsa sapamamagitan ng
mga Espanyol
• Digmaang Moro
• Pagpapalaganap ng
Kristiyanismo • Jihad
Mga Muslim sa • Paglagda
• Pagpapalawak at
Mindanao sakasunduan
pagpapalakas ng
kolonya • Pagpapanatili ng
kapangyarihan
ng mga
sultanato

Naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo ang mga Espanyol sa


Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at mga patakaran tulad ng reduccion,
encomienda, polo y servicio, at tributo upang maipasailalim sa kanilang
kapangyarihan ang Pilipinas. Gayunpaman, hindi lahat ng mga katutubong pangkat
sa bansa ay napasuko at nasakop ng mga Espanyol. Dahil sa katangiang heograpikal
ng Pilipinas, naging mahirap para sa kanila na masakop ang lahat ng pangkat na
nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo. Idagdag pa rito
ang ibayong katapangan na ipinamalas ng ilang katutubong pangkat tulad ng mga
Igorot sa Cordillera at mga Muslim sa Mindanao.

3 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Suriin
Mga katutubong pangkat na hindi napasailalim sa mga Espanyol.

Hindi naging ganoon kadali para sa mga Espanyol ang pagsakop sa Pilipinas.
Bukod sa paggamit ng dahas,kinakailangang gumamit ng mga taktika upang masupil
ang mga katutubo at tanggapin ang kolonyalismo. Bagama’t nasakop ang kapatagang
bahagi ng Luzon at Visayas, hindi naman nasakop ang kabundukan sa hilagang
bahagi ng Luzon. Hindi rin nasakop ang mga sultanato sa Mindanao dahil sa lakas at
tapang na ipinamalas ng mga mandirigmang Muslim laban sa mga Espanyol.
Nang hindi masupil ng mga Espanyol ang mga Igorot at Muslim ay higit na
naging marahas ang kanilang pamamaraan. Gamit ang iba’t ibang armas ay
nagpadala ng mga ekspedisyong militar ang mga kolonyal sa Cordillera at sa
Mindanao upang tiyaking matatalo ang mga katutubong puwersa na kilala sa kanilang
angking lakas at kapangyarihan.
Ipinatupad nila dito ang divide and rule policy na naglalayong pagwatak-
watakin ang mga katutubo upang hindi sila magkaisa laban sa mga Espanyol. Bilang
bahagi ng kanilang taktika, naghirang din ang mga Espanyol ng mga katutubong
mersenaryo upang labanan ang mga kapwa katutubo.

Ang mga Igorot sa Cordillera


Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin
TULONG-KAALAMAN
ng mgs Espanyol ang Cordillera. Naninirahan dito ang
Igorot-mula sa salitang Tagalog mga Igorot, nanahahati sa iba’tibang pang-
na golot na nananganghulugang
bulubundukin. Sa pagdagdag ng etnolingguwistiko: Ibaloi, Isneg (o Apayao),
Unlaping “I,” ito ay Kanskanaey, Kalinga, Bontoc at Ifugao. Nakabatay
nangangahulugang “taga- Ang kanilang hanapbuhay sa pagsasaka, gayundin ng
bulubundukin.”
tela, pagnganganga, at pangangayaw o paglahok sa
mgadigmaan laban sa ibang pangkat etniko. Mayroon
din silang paniniwalang panrelihiyon kung saan
tinitingnan ang kalikasan bilang tahanan ng mga espirito.
Pananakop sa mga Igorot dahil sa Ginto
Bahagi ng tangkang pananakop ng mga Espanyol sa mga Igorot ay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang paniniwalang animismo ng mga Igorot ay
itinuturing ng mga Espanyol na isang uri ng pagsamba sa mga demonyo. Ayon sa
mga mananakop, upang maligtas ang kaluluwa ng mga Igorot, kailangan nilang
yakapin ang Kristiyanismo.
Dagdag pa rito, hangad din ng mga Espanyol na gawing “sibilisado” ang mga
Igorot tulad ng kanilang ginawa sa mga katutubo sa kapatagan.
Sa katunayan, ang hangad ng mga Espanyol ay ang deposito ng ginto sa
Cordillera. Natuklasan nila mula kay Miguel Lopez de Legaspi ang mina ng ginto sa
Cordillera na ayon sa balita ay dinadala ng mga Igorot sa Ilocos. Tulad ng naging

4 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
karanasan ng kanilang mga kolonya sa South America, nais din ng mga Espanyol na
makinabang sa deposito ng ginto sa Cordillera.
Agad nagpadala ng misyon sa Legaspi sa Ilocos sa pamumuno ng kaniyang
apo na si Juan de Salcedo upang siyasatin ang mga gintong ibinebenta rito ng mga
Igorot.
Ipinagpatuloy ng mga sumunod na gobernador heneral ang pagpapadala ng
mga misyon sa Cordillera upang hanapin ang ginto rito. Lalong naging maigting ang
paghahanap ng ginto sa pagsiklab ng Thirty Years War
sa Europe dahil sa matinding pangangailangan ng Spain
ng pantustos sa digmaan.
Noong 1624, tuluyang inihinto ang paghahanap ng
minang ginto sa Cordillera. Kasunod nito, napag-
alamang mababang kalidad lamang ang gintong
nanggagaling dito.
Sa utos ni Legazpi, nagsagawa ng ekspedisyon si
(Auctions n.d.)
Juan de Salcedo upang alamin ang kalidad at dami Ng ginto
sa kabundukan sa hilagang bahagi ng Luzon.

Pananakop sa mga Igorot dahil sa Kristiyanismo

Matapos ang hindi matagumpay na paghahanap ng ginto sa Cordillera, ipinadala


naman dito ang mga Dominikano at Augustiniano upang gawing Kristiyano ang mga Igorot.

Ninais ng mga Espanyol na mabura ang sinaunang relihiyon ng mga Igorot at baguhin
ang kanilang pamumuhay ayon sa pamantayan ng mga Espanyol. Bukod dito, hinikayat din
ng mga prayle ang mga Igorot na bunaba ng kabundukan at manirahan sa mga itinatag na
pueblo sa kapatagan bilang mga mamamayang may sibilisasyon.
Nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa Cordillera upang maghanap ng ginto at
gawing Kristiyano ang mga Igorot. Ipinag-utos ni Gobernador-Heneral de Tello de Guzman
ang pagpapadala ng misyong relihiyoso sa Cordillera sa pamumuno nina Kapitan Mateo de
Aranda at Padre Esteban Marin, ang kura paroko ng Ilocos.

Tinangka ni Martin na kumbinsihin ang mga Igorot


na maki-Pagtulungan kay Aranda. Sa katunayan, sinubok
Gabay Na Tanong niyang magsulat ng isang diksiyunaryo ng wikang Igorot
Ano ang naghikayat upang maging mas madali ang paki-kipagtalastasan sa
sa mga Espanyol mga katutubo.
upang sakupin ang Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang
Cordillera? Bakit tangkang binyagan sila sa Kristiyanismo. Ilan sa mga
hindi ito nag- prayleng misyonero ay kanilang dinakip at pinatay. Bilang
tagumpay?
tugon ay ipinasunog ni Aranda ang mga bahay ng mga
Igorot at puwersang sinupil ang mga katutubo. Hindi
nagtagumpay ang mga Espanyol sa mismong binyagan sa
Kristiyanismo ang mga Igorot. Una, naging mahirap para sa mga misyonero na
tunguhin ng madalas ang bulubundukin ng Cordillera. Pangalawa, nagkaroon ng

5 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
kakulangan sa mga misyonerong maaaring ipadala sa lalawigan. Huli, naging mahirap
din sa mga sundalong Espanyol na ipinadala sa Cordillera na lupigin ang mga
mandirigmang Igorot sa bulubundukking kabisado nila ang pasikot-sikot.

Mga Digmaang Moro

Tulad ng Codillera, naging maigting din ang


pagpapadala ng mga Espanyol ng mga
TULONG-KAALAMAN
ekspedisyong militar sa Mindanao upang
Ang katawagang “Moro”
tuluyan na itong mapasailalim sa kanila.Sa
ay buhat sa “Moors” o ang
panahong ito, anim na digmaan ang sumiklab
pangkat-etnikong
sumakop sa Spain na tulad
sa pagitan ngmga Muslim at mga Espanyol.
ng mga katutubong
Filipino sa Mindanao ay
mga tagasunod ng Islam.

Anim na Digmaang Moro Laban sa Spain


Unang Digmaang Moro Nagsimula nang gawing kolonya ng Spain ang
( 1571- 1581) Pilipinas sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi
at nagwakas nang salakayin ng mga Espanyol ang
Brunei.
Ikalawang Digmaang Moro Nagsimula nang tangkaing sakupin ng mga
( 1591-1597) Espanyol ang Mindanao at nagwakas nang
magsara ang kutang itinatag ng mga Espanyol sa
rehiyon.
Ikatlong Digmaang Moro Nagsimula nang salakayin ng mga Espanyol ang
( 1599-1635) tatlong sultanato sa Visayas at nagwakas sa
pagkakatatag ng himpilang pangmilitar ng mga
Espanyol sa Zamboanga.
Ikaapat na Digmaang Moro Nagsimula nang itatag ang kuta ng mga Espanyol
(1635-1663) sa Zamboanga at nagwakas sa pagkakasara nito.
Ikalimang Digmaang Moro Nagsimula nang muling itatag ang kuta ng mga
( 1718-1762) Espanyol sa Zamboanga at nagwakas nang
salakayin ng mga British ang Maynila.
Ikaanim na Digmaang Moro Nagsimula nang magpadala ng ekspedisyong
(1848-1898) militar ang mga Espanyol sa Sulu at nagwakas
nang mapasailalim ng United States ang Pilipinas

Sa pang-apat na digmaang Moro inilinsad ang kauna-unahang jihad o banal


na digmaan laban sa mga Espanyol. Ito ay sa pamumuno ni Sultan Kudaral dahil gusto
nilang makakuha ng kayamanan. Hindi sila nagtagumpay dahil sa nahirapan silang
maisakatuparan ang layunin sa katapangan ng mga katutubo taong 1656.

6 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Pagyamanin

Panuto: Pagtambalin ang Anim na Digmaang Moro Laban sa Spain. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Unang Digmaang Moro A. 1728-1762

2. Ikalawang Digmaang Moro B. 1848-1898

3. Ikatlong Digmaang Moro C. 1571-1581

4. Ikaapat na Digmaang Moro D. 1591-1597

5. Ikalimang Digmaang Moro. E. 1599-1635

6. Ikaanim na Digmaang Moro F. 1635-1663

Isaisip
Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang kalayaan, lalo na sa aspekto ng
relehiyon. Para sa kanila, ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kung hindi isa ring
paraan ng pamumuhay. Ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa
pagsamba kay Allah. Ang kanilang mga paniniwalang panrelihiyon gaya ng salat o
pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay manganganib na mawala. Bukod dito,
dinatnan ng mga Espanyol ang mga Muslim na may matatag at malakas na mga
sultanato at may mabuting ugnayan sa Brunei at Indonesia kung kaya’t malakas ang
loob ng mga sultan na labanan ang mga Espanyol.Kung masasailalim sila sa
kapangyarihan ng mga Espanyol ay masasayang lamang ang kaunlaran at
katatagang tinatamasa ng kanilang mga sultanato at ang kalayaan nila sa paniniwala.

7 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Isagawa
Piliin ang mga sumusunod na paglalarawan sa bawat bilang. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong kuwaderno..

Digmaang Moro Igorot ginto


Jihad Sultan Kudarat

1. Mga katutubong Filipinong naninirahan sa kabundukan ng Cordillera.


2. Tawag sa labanang Muslim sa Mindanao at puwersang Espanyol.
3. Sultan na nagsisimula ng ikaapat na Digmaang Moro at unang naglunsad ng
Jihad laban sa mga Espanyol.
4. Tunay na dahilan ng mga Espanyol sa kanilang pagsulong sa Cordillera.
5. Banal na Digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang
relihiyon at paraan ng pamumuhay.

Tayahin
Panuto: Basahin at piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat
ang titik ng tamang sagot lamang sa iyong kuwaderno.
1. Pangkat ng mga katutubong Filipino na naninirahan sa mga kabundukan ng
Cordillera.
A. Cebuano B. Igorot C. Muslim D. Tagalog

2. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa larangan ng politika ng mga


Filipino?
A. Ang gobernador-heneral ang pinakamakapangyarihan pinuno na nasa
kolonya.
B. Hindi gaanong naapektuhan ng kolonyalismo ang mga Filipino sa
panansakop ng mga Espanyol.
C. Higit na naapektuhan ang mga Espanyol dahil sa pagtutol ng mga
Filipinong mahalin sila.
D. Nawalan ng kapangyarihang mamahala ang mga katutubong Filipino at
napasailalim sa mga Espanyol.
8 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
3. Bakit armadong paraan ng pagsakop ang ginamit ng mga Espanyol upang
kalabanin ang mga Igorot at Muslim.
A. Armadong paraan din ang ginamit ng mga Igorot at Muslim sa mga
Espanyol
B. Hindi ninais ng mga Espanyol sa mapayapang paraan ng
pakikipaglaban sa mga Espanyol.
C. Ipinatupad nila ang patakarang divide and conquer.
D. Ang armadong paraan ang pinaka-epektibo sa isinagawang pananakop
ng mga Espanyol.

4. Bakit mas katanggap -tanggap sa mga Muslim ang Sultanato sa Mindanao


kaysa kolonya ng mga Espanyol?
A. Higit na nakasanayan ng mga Muslim ang sultanato sa Mindanao kaysa
kolonya ng mga Espanyol.
B. Papalitan ng kakaibang relihiyon ang sultanato sa ilalim ng kolonya.
C. Nais nilang kilalanin ang kapangyarihan ng hari.
D. Hindi pananakop at walang puwersahan sa pagsunod ang mga Muslim
sa kapangyarihan ng sultan.

5. Tunay na dahilan ng mga Espanyol sa kanilang pagsalakay sa Cordillera.


A. Alak B. Bronse C. Ginto D. Pilak

6. Anong taon inilunsad ang pang-apat na Digmaang Moro na siyang kauna-


unahang jihad o banal na digmaan laban sa mga Espanyol.
A. 1599-1635 B. 1571-1581 C. 1591-1597 D. 1635-
1663

7. Ang tawag sa banal na digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang


ipagtanggol ang kanilalang relihiyon at paraan ng pamumuhay.
A. jihad B. koran C.rajah D. salat

8. Si _________ ang sultan na unang naglunsad ng banal na digmaan laban sa


mga Espanyol.
A. Sultan Arayat B. Sultan Kudarat C. Sultanato D. Sultanismo

9. Sino ang nag- utos kay Juan de Salcedo upang alamin ang kalidad at dami ng
ginto sa kabundukan sa hilagang bahagi ng Luzon?
A. Miguel Lopez Jaena
B. Miguel Lopez de Legaspi
C. Miguel Lopez de Salcedo
D. Miguel Lopez de Tello

10. Ilang Digmaang Moro ang naganap laban sa Spain?


A. 2 B. 4 C. 6 D. 8

9 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Karagdagang Gawain

Panuto.Kopyahin ang tsart sa iyong kwaderno at punan ang naging sanhi at bunga
sa mga pangyayaring naganap na binanggit sa unang hanay.

Labanan Sanhi Bunga

1. Labanan sa
Cordillera, 1601

2. Paglulunsad ng jihad
1656

10 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
NegOr_Q3_AP5_Module6_v2 11
Subukin
1. A
2. C
3. B
4. A
5. C Isagawa
1. Igorot
2. Digmaang Moro
3. Sultan Kudarat
4. Ginto
5. Jihad
Tayahin
1. B 6.D
2.C 7. A
Balikan 3. D 8. B
1. Muslim 4. D 9. B
2. Igorot 5. C 10. C
3. Ginto
4. Espanyol
5. Digmaang Moro
Pagyamanin
1.C 2. D 3. E
4. F 5. A 6. B
Karagdagang Gawain:
1. Sanhi- Maghanap ng ginto at gawing
Kristiyano ang mga Igorot
Bunga – Ipinasunog ni Aranda ang mgabahay
Nabigo ang Pagsakop ng mga Espanyol sa Cordillera.
2. Sanhi- Sakupin ang mgasultanatosa Mindanao.
Makakuha ng kayamanan.
Bunga- Nahirapansilangmaisakatuparan ang layunindahilsakatapangan ng
mgakatutubo.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat
Gabuat, Maria Annalyn P, Mercado, Michael M, dL Jose, Mary Dorothy, Boncan, Celestina
P. PhD., Villan, Vicente C. PhD n.d. "Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang isang Bansa."

Websites:
Picq, Yves. 2017. Wikipedia. January 19. Accessed January 12, 2022.
https://en.wikipedia.org/wiki/Igorot_people.
Rathore, Vinod. 2020. Newstracklive. February 13. Accessed January 12, 2022.
https://english.newstracklive.com/news/400-dalit-peoples-in-tamilnadu-accepted-
islam-due-to-partiality-mc23-nu-1070046-1.html.
Auctions, Salcedo. n.d. Salcedo Auctions. Accessed January 12, 2022.
https://salcedoauctions.com/stories/57/before-the-capulets-and-the-montagues-there-was-
salcedo-and-kandarapa.
WhatGo. n.d. Gold Choices Blogspot.com. Accessed January 12, 2022.
https://goldschoices.blogspot.com/2017/10/what-does-gold-bar-weigh.html.
Wikipedia. 1902. Wikipedia. January 1. Accessed January 12, 2022.
https://en.wikipedia.org/wiki/Moro_Rebellion.
YCF2014. n.d. Quizlet. Accessed January 12, 2022.
https://quizlet.com/87563807/pamamahala-ng-mga-espanyol-sa-pilipinas-flash-
cards/.

12 NegOr_Q3_AP5_Module6_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like