You are on page 1of 17

5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 3:
Ang Pwersang Militar sa Panahon
ng Pananakop ng Espanyol
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Pwersang Militar sa Panahon ng Pananakop ng
Espanyol
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jovelyn E. Montilla
Editor: Rosemarie T. Realino, PhD
Tagasuri: Jessie Magallano, Roldan Roperos, Rosemarie T. Realino, PhD
Tagaguhit: Hazel Gay Sereňo
Tagalapat: Jovelyn E. Montilla
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESO VI
Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
Alma C. Cifra, EdD
Amelia S. Lacerna
Aris B. Juanillo, PhD
Fortunato B. Sagayno

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI – Davao CitySDS
Evelyn R. Fetalvero Division
Office Address: Quirino Street, Davao City______
Janette G. Veloso CID Chief
Telefax: 224-3274/224-0100___________
E-mail Address: Analiza C. Almazan
lrmds.davaocity@deped.gov.ph_ LRMS Manager
Ma. Cielo D. Estrada CID ADM Focal Person
CLMD EPS (Learning Area) CID EPS (Learning Area)
5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 3:
Ang Pwersang Militar sa Panahon
ng Pananakop ng Espanyol
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Matapos talakayin ang Kristiyanisasyon sa Panahon ng Espanyol,


bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang Pwersang Militar sa
Panahon ng Pananakop ng Espanyol. Pagtutuunan sa araling ito ang paraan
ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya.
Ang Modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competency ng
Araling Panlipunan 5: Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng
katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya a. Pwersang militar/
divide and rule b. Kristiyanisasyon

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• natutukoy ang mga konsepto na may kinalaman sa patakarang
reduccion o divide and rule policy;
• nakapagbibigay ng mga mabuti at hindi mabuting epekto ng
pwersang militar o reduccion sa pamamagitan ng graphic organizer;
• nakasusulat ng isang sanaysay tungkol reaksiyon ng mga katutubo
sa pagpatupad ng reduccion o divide and rule policy sa mga
katutubong Pilipino

Handa ka na ba? Subuking sagutin ang susunod na gawain.

1
Subukin Natin
Marahil ay nasasabik ka nang pag-aralan ang susunod na aralin.
Upang mataya ang mga kaalaman sa paksa, isagawa ang susunod na
gawain.
Gawain 1: Konsepto ko: Itambal Mo!
Hanapin sa Hanay B ang konseptong tinutukoy nito sa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Tulisanes a. Ang tawag sa tirahang nasa
ilalim ng tunog ng kampana
2. Reduccion b. Sila ang mga katutubong hindi
sumasailalim sa kristiyanisasyon at
hindi sumunod sa patakarang
Espanyol
3. Pueblo c. Ito ang tawag sa bagong
kaayusan ng bayan
4. Visita d. Ito ay ang sapilitang
pagpapatira sa mga katutubo
mula sa orihinal nitong
tirahan patungo sa bayan
5. Cabecera e. Ang tawag sa nayon na
nakapaligid sa baryo

Aralin Natin

Marahil ay may mga tanong na naglalaro sa iyong isipan kung paano


nahikayat mga katutubong Pilipino na magpabinyag sa relihiyong
Katolisismo. Ano pa ang ginawang pamaraan ng mga Espanyol upang
mahikayat ang mga katutubo na mapasailalim sa kapangyarihang Espanyol.

2
Pag-aralang mabuti ang kasunod na mga larawan at subuking sagutin
ang katanungan sa loob ng talahanayan.

Tanong Sagot
1. Anong mga imahe ang kapansin-
pansin sa unang larawan? Sa ikalawang
larawan?
2. Ano ang kaugnayan nito sa naging
pananakop ng mga Espanyol sa ating
bansa?

Isang malaking hamon ang hinarap ng mga katutubo bunsod ng


kolonyalismong Espanyol. Nagpatupad ng ibat-ibang pamaraan ang mga
Espanyol upang maging matagumpay ang pananakop gaya na lamang ng
pagpapatupad ng patakarang reduccion.
Malaki ang naging epekto ng mga patakarang ito sa pamumuhay ng
mga katutubo. Naging instrumento ang mga ito upang mapadali ang
pagsailalim ng mga katutubo sa kapangyarihang Espanyol. Ito rin ay
nagsilbing daan upang magkaroon ng kamalayan ang mga katutubo hinggil
sa kahalagahan ng pagtanggol sa sarili at bayan.

Ang Puwersang Militar


Reduccion
Napansin agad ng mga Espanyol ng dumating sila sa Pilipinas na
karamihan sa mga katutubo ay nakatira malapit sa mga ilog, sapa o dagat.
Magkakahanay o linear ang pagkaayos ng pamayanan sa mga nasabing lugar

3
dahil sa sinusunod lamang ng mga kabahayanang direksiyon ang
dalampasigan.
Ang ating mga katutubo ay piniling manirahan sa tabi ng ilog o sapa
sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang pangunahing pangangailangan
gaya ng pagkain at tubig. Ang kalakalan ng mga sinaunang Pilipino ay
naganap sa mga lugar na ito. Mas madali na lang ang pagpunta nila sa
kabilang pampang at magawa ang kanilang mga ritwal na may kinalaman sa
ilog.
Ang pagpapatupad ng mga Espanyol sa sistemang reduccion na kung
saan tinitipon ang mga katutubong Pilipino sa isang siksik na komunidad ay
may pangunahing layunin na mapadali ang pagpapalaganap ng relihiyong
kristiyanismo. Hindi sapat ang bilang ng mga prayle kastila upang isagawa
ang gawaing pang ispiritwal kaya ang pagtitipon sa isang lugar ay naging
mainam na solusyon nila.
Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit nais nilang ipatupad ang
sistemang reduccion sa Pilipinas.
a. Ang orihinal na kaayusan ng mga katutubo para sa mga Espanyol
ay hindi nagpapakita ng sibilisasyon, sapagkat ang mga
sibilisadong tao para sa kanila ay nakatira sa isang pamayanang
may pagkakaayos kung saan may sentro;
b. Mahirap para sa mga Espanyol na makontrol ang mga katutubo
kung watak-watak sila at mahirap ang koleksiyon ng buwis;
c. Kailangan diumanong ang sentro ng pamayanan ay may simbahan
upang maging mas madali ang pagbinyag sa mga katutubo sa
bagong relihiyon;
d. Magiging madali rin ang pagbabantay sa mga katutubo kung ililipat
sila sa isang pamayanang madaling nasubaybayan ng mga
Espanyol.

Pueblo bilang Bagong Kaayusang Bayan


Ang reduccion ay ang tawag sa patakarang pinairal ng mga Espanyol
sa sapilitang pagpapatira ng mga katutubo mula sa orihinal nilang tirahan
(tabing-ilog o kabundukan) tungo sa bayan na tinatawag na pueblo.

4
Naging sentro ng pueblo ang simbahan na siyang nagsisilbing himpilan
ng kristiyanisasyon sa tiyak na pook. Ito rin ay naging batayan ng
pamamahala ng pueblo at kalapit din ng simbahan at bahay-pampamahalaan
ang paaralan, ospital, pulisya habang nasa tapat naman ng simbahan ang
plaza.
Nakabatay sa pilosopiyang “bajo el son de la campana” o sa ilalim ng
tunog na kampana ang paninirahan ng mga katutubo sa pueblo. Sa
katunayan, ang pilosopiyang ito ay nangangahulugang lahat ng naninirahan
sa pueblo na naabot ng tunog ng kampana ay dapat maging Kristiyano at
sumunod sa aral ng mga simbahan. Tinawag naman na cabecera ang mga
tirahang nasa ilalim ng tunog ng kampana. Tinawag na visita ang mga nayon
o baryo na nakapaligid sa cabecera at kadalasang mga Krisitiyano ang
nakatira dito.

Mga Negatibong Epekto ng Reduccion sa mga Katutubo


Ang mga sumusunod ay mas naging malinaw para sa mga katutubo na
ipinapatupad ang reduccion:
• Pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo
• Pagpapalaganap ng kristiyanismo
• Pangongolekta ng buwis
• Pagbabantay sa mga katutubo
• Paghuli sa mga lumabag sa batas
Samantala naman ay nagdulot ang patakarang reduccion ng
negatibong epekto sa mga katutubo tulad na lang ng sumusunod:
• Nalayo sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan at nawalay sa
mga kamag-anak.
• Napilitan silang magbayad ng buwis.
• Napilitan silang sumunod sa patakarang Espanyol dahil ang
naninirahan sa pueblo ay kaakibat ng pagtanggap sa pamamahala
ng Espanyol sa Pilipinas.
• Napadali ang pagbibinyag sa mga katutubo sa Kristiyanismo.
Sa kabilang dako naman, tinawag na tulisanes ang ilan sa mga
katutubo na ayaw manirahan sa pueblo. Minabuti na lang nilang manirahan

5
sa mga kabundukan upang doon mamuhay ng Malaya. Walang buwis na
babayaran at hindi sila mapasailalim sa kristiyanisasyon.
Sa pangkalahatan, masasabing mabisang pamamaraan ang reduccion,
sa pagpalaganap ng Kristiyanismo. Nagdulot man ito ng pang-aabuso sa mga
katutubo subalit nagbigay-daan rin ito upang gisingin ang pagmamahal ng
mga katutubo sa sarili, kapwa at sa bayan.

Gawin Natin

Magbigay ng mga mabuti at masamang epekto ng pagpapatupad ng


reduccion sa panahon ng pananakop ng Espanyol. Punan ang graphic
organizer at gawain ito sa sagutang papel.
Gawain 2: Mabuti at Masama

REDUCCION

Mabuti Masama

6
Sanayin Natin

Gawain 3: Hagdan ng mga Ideya


Gamit ang ladder web, isulat ang mga dahilan ng pagpapatupad ng
reduccion sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Mga Dahilan ng
Sistemang Reduccion

Tandaan Natin

Gawain 4: Patlang Mo; Punan Ko!


Punan ang patlang ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
_______1. Isang patakarang pinairal ng mga Espanyol sa sapilitang pagpatira
ng mga katutubo mula sa orihinal nilang tirahan (tabing-ilog o
kabundukan) tungo sa bayan ng pueblo.
_______2. Dito nakabatay ang paninirahan ng mga katutubo sa pueblo.
_______3. Ito ang tawag sa pagkaayos ng pamayanan ng mga katutubo sa
orihinal nilang tahanan.
_______4. Dito mas piniling manirahan ng mga katutubo sapagkat dito sila
kumukuha ng kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng
pagkain at tubig.
_______5. Ito ang bagong tinitirhan ng mga katutubo mula sa orihinal nilang
tahanan.

7
Suriin Natin

Gawain 5: Tanong Mo; Sagot Ko!

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.


1. Alin sa sumusunod ang hindi naging mas malinaw para sa mga
katutubo sa pagpapatupad ng reduccion?
a. Pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo
b. Pagbigay ng kalayaan sa mga katutubo
c. Pagpapalaganap ng kristiyanismo
d. Pangongolekta ng buwis
2. Ang sumusunod ay mga negatibong epekto para sa mga katutubo
sa patakarang reduccion maliban sa isa. Alin dito?
a. Napilitan silang magbayad ng buwis
b. Naging masaya sila sa pagtira sa bago nilang tahanan
c. Napadali ang pagbibinyag sa mga katutubo sa kristiyanismo
d. Nalayo sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan at nawalay
sa mga kamag-anak
3. Ang tawag sa mga katutubong hindi pumayag na mapasailalim sa mga
Espanyol at ayaw manirahan sa pueblo.
a. Conquistador c. Tulisanes
b. Encomienda d. Polista
4. Ang sumunod ay naging layunin ng pagpapatupad ng reduccion
sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol maliban sa isa. Alin dito?
a. Madali para sa mga Espanyol na mahuhuli ang mga katutubong
lumalabag sa batas.
b. Magiging madali rin ang pagbabantay sa mga katutubo kung ililipat
sila sa isang pamayanang madaling nasubaybayan ng mga Espanyol.
c. Nahihirapan ang mga Espanyol na makontrol ang mga katutubo
kung watak-watak sila at mahirap ang koleksiyon ng buwis;
d. Kailangan ang sentro ng pamayanan ay may simbahan upang
maging mas madali ang pagbinyag sa mga katutubo.

8
5. Bakit mas pinili ng ibang mga katutubo na mananatili sa orihinal nilang
tahanan kaysa lumipat sa pueblo?
a. Dito nila kinukuha ang mga pangunahin nilang pangangailangan
tulad ng pagkain
b. Mahala para sa kanila ang manatiling maninirahan sa tabing ilog
c. Ayaw talaga nilang maging alila ng mga Espanyol
d. Lahat ng nabanggit

Payabungin Natin

Gawain 6: Konsepto Mo: Iguhit ko!


Gumuhit ng larawang nagpapakita ng pamumuhay ng mga katutubo bago
dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas at pamumuhay nila noong
napasailalim na sila sa kapangyarihan ng mga ito. Gawin ito sa isang malinis
na bondpaper.

Rubriks sa Pagmamarka ng Poster


Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto at malinaw na naipapakita ang pagbabago sa 8
pamumuhay ng mga katutubo sa panahon ng
kolonyalismo kumpara noong bago sila nasakop ng
mga Espanyol
Ang mga ginamit na graphics at mga salita sa poster 4
ay may kaugnayan sa paksa
Malinaw at kaaya-aya ang pagkagawa ng poster 3
Kabuuang Puntos 15

9
Pagnilayan Natin

Gawain 7: Ang aking Hatol!


Gumawa ng tsart sa papel na kahalintulad sa ibaba. Lagyan ng tsek √
ang kolum na naglalarawan sa iyong saloobin tungkol sa pahayag na nasa
unang kolum: sa kung ito ay katanggap-tanggap at sa kung
hindi.

Pamamahala sa Patakarang
Reduccion

1. Pagpilit sa mga katutubo na paalisin sa kanilang


orihinal na tirahan patungo sa pueblo ng bayan.
2. Respetuhin ng mga namamalang Espanyol ang
mga katutubong Pilipino na ayaw manirahan sa
pueblo.
3. Nalayo ang mga katutubo sa kanilang
pinagkukunan ng kabuhayan at nawalay sa mga
kamag-anak.
4. Hayaang mamuhay ng tahimik at may Kalayaan
na gawin kung ano ang gusto nila.
5. Napilitan silang sumunod sa patakarang
Espanyol dahil ang naninirahan sa pueblo ay
kaakibat ng pagtanggap sa pamamahala ng
Espanyol sa Pilipinas.

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain sa modyul


na ito. Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa
pamamaraan ng pagsasailalim ng Espanya sa Pilipinas ukol sa konseptong
Pwersang Militar o Sistemang Reduccion. Handa ka na sa susunod na aralin.

10
11
Pagnilayan Pagyabungin
Natin Natin
Gawain 7: Ang Gawain 6:
aking Hatol! Konsepto mo;
Iguhit Ko!
Sumangguni sa
tsart na nasa Sumangguni sa
pahina 10 rubrik na nasa
pahina 9
Suriin Natin Tandaan Natin
Gawain 5: Gawain 4: Patlang mo:
Tanong mo; Punan Ko!
Sagot Ko!
1. reduccion
1. B 2. “ bajo el son de la
2. B campana”
3. C 3. magkahanay o linear
4. A 4. tabing-ilog o sapa
5. A 5. peublo
Sanayin Natin Gawin Natin Subukin Natin
Gawain 3: Gawain 2: Gawain 1:
Hagdan ng mga Mabuti at Konsepto ko:
Ideya! Masama! Itambal Mo!
Sumangguni sa Sumangguni sa 1. B
ladder web na graphic
nasa pahina 7 organizer sa 2. D
pahina 6 3. C
4. E
5. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio, E. D. et al. Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan:


Kayamanan 5; Rex Bookstore, rex publishing Manila, Philippines

Gabuat, M P. et. al Batayang aklat: Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang


isang Bansa. FEP Printing Corporation Vibal Group

Blando, Rosemarie C. et. Al Kasaysayan ng Daigdig, Vibal Group Inc.


(DepEd-IMCS)
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Davao City

Quirino St., Davao City

Telefax: (082) 224-0100

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like