You are on page 1of 2

PANGKALAHATANG PAGSUSULIT SA ESP 7

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________  SCORE:________ 

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at tukuyin kung ano ang tinutukoy nila mula sa mga ibinigay na pagpipilian
sa ibaba ng bawat isa. Isulat ang titik ng iyong sagot nang direkta sa patlang.

_____1. Ito ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
              A. Birtud                                             C. Moral
              B. Gawi                                               D. Agham
_____2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?
              A. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
              B. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
              C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
              D. Lahat ng nabanggit
_____3. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamilya sa paghubog ng mga halaga ng kanilang anak MALIBAN sa:
              A. Ituro sa mga anak na ang pagsisinungaling ay tama.
              B. Ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapwa
              C. Gabayan ang isang bata na kilalanin, unawain, isapuso, at isabuhay ang pangkalahatang 
                    katotohanan
              D. Ituro ang prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang ugali, pansariling kaisipan at 
                   salita.
_____4. Alin sa mga sumusunod ang MALI tungkol sa birtud?
              A. Ang birtud ay paulit-ulit na kilos na makakasama sa ibang sarili at kapwa.
              B. Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kaniyang kapanganakan.
              C. Ang birtud ay pinagpasiyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
              D. Ang birtud ay nangangahulugang pagiging malakas at matatag.
_____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Halagang Pangkultura/Panggawi ang hindi totoo?
              A. Ito ay may layunin na gumawa ng masama sa kapwa.
              B. Ito ay halagang nagmula sa tao.
              C. Ito ay may mithiin na tumatagal at nanatili.
              D. Halimbawa nito ay ang pansariling pananaw, opinyon, ugali o damdamin.
_____6. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino man o
ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
              A. Karunungan            B. Katarungan                       C. Kalayaan D. Katatagan
_____7. Ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.
              A. Katatagan          B. Moral                            C. Katarungan D. Kalayaan
_____8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa halaga (values)?
              A. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore
              B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
              C. Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
              D. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.
_____9. Ito ay galing sa salitang Latin na virtus na nangangahulugang “pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas.
              A. Birtud                                             C. Moral
              B. Gawi                                               D Pagpapahalaga
_____10. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?
              A. Pamana ng Kultura                        C. Pamilya at Pag-aaruga sa anak
              B. Mga Kapwa Kabataan                    D. Guro at Tagapagturo ng relihiyon

_____11. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?


              A. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan 
                   para sa tao.
              B. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao 
                   pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
              C. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na birtud 
                   na mas makapagpapayaman dito.
              D. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng lahat ng mga 
                   birtud
_____12. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
              A. Nakapagpapasaya sa tao
              B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
              C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
              D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
_____13. Ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud.
              A. Intelektwal na Birtud                      C. Moral na Birtud
              B. Agham                                             D. Sining
_____14. Ang bunga ng pauli-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
              A. Karunungan                                     C. Birtud
              B. Gawi                                                D. Halaga
_____15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Halagang Pangkultura/Panggawi ang hindi totoo?
              A. Ito ay may layunin na gumawa ng masama sa kapwa.
              B. Ito ay halagang nagmula sa tao.
              C. Ito ay may mithiin na tumatagal at nanatili,
              D. Halimbawa nito ay ang pansariling pananaw , opinyon, ugali o damdamin.
_____16. Alin sa mga pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa Ganap ng Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values).
              A. Paggalang sa buhay                         C.Pagbubuklod ng Pamilya
              B. Pagmamahal sa katotohanan            D. Di-paggalang sa dignidad ng tao
_____17. Ang birtud na ito ay parehong moral at intelektuwal. Ito rin ay itinuturing na Ina ngmga moral na birtud
              A. Moral na Birtud                                C. Maingat na Paghuhusga
              B. B. katatagan                                      D. Katarungan
_____18. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
              A. Obhetibo                                           C. Eternal
              B. Universal                                           D. Immutable
_____19. Ang pinakawagas na uri ng kaalaman, pinakahuling layunin ng lahat ng kaalaman ng tao at nagtuturo sa tao upang
humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti ayon sa kaniyang kaalaman at pag-unawa.
              A. Sining                                            C. Katarungan 
              B. Pag–unawa                                    D.Karunungan
_____20. Si Naomi ay nagsimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa kaniyang magulang
na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyekto na kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase.
Kinausap ito nang mabuti ng kanyang mga magulang upang sabihin na payagan ito ngunit kailangang makauwi sa
itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga magulang. Anong
mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang mga magulang?
              A. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
              B. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
              C. Tamang paggamit ng mga pagpapahalaga
              D. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad

You might also like