You are on page 1of 21

DIGNIDAD NG TAO,

PANGANGALAGAAN KO
Presented by:
Nathalie A. Cruz
Mirasol S. Madrid
QUESTIONS <3
1. Ano ang inyong na-obserbahan mula sa
ipinakitang balita?
2. Ano sa tingin mo ang posibleng dahilan ng
pagsabak ng mga HS students na ito sa
prostitusyon? Ipaliwanag
3. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa
ang artikulo?
4. Sa paanong paraan mo maipapakita ang
pagpapahalaga mo sa iyong sarili?
ANO NGA BA
ANG DIGNIDAD
NG TAO?
DIGNIDAD
Nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at
natatanging nilikha ng Diyos

Isang bagay na nagdudulot ng


karapatan sa lahat
DIGNIDAD

NGUNIT, ang bawat karapatan, may


karampatang tungkulin
DIGNIDAD

Hindi isang suliranin para sa isang


nakararangyang tao. Dahil siya ay
makapangyarihan, kaya niyang bigyan ang
kanyang sarili ng dignidad.
TANDAAN
Tandaan na ang pagpapanatili ng dignidad
ng tao ay hindi nakadepende sa kalagayan
sa buhay: mayaman o mahirap

Ang pagpapakawala o ang pagpapanatili


nito ay maaaring piliin ng tao
It’s about how
one gives value
to himself
Mula sa pagganyak na gawain,
masasabi mo bang
napahahalagahan ng mga taong ito
ang kanilang sarili?
Dahil ba sa kahirapan ay handang
isugal ng mga tao ang kanilang
dignidad? Lunukin ang lahat para
lamang mabuhay?
TANDAAN: Bilang nilikha ng Diyos, ang tao
ay may likas na dignidad.

Ang dignidad ay hindi nalalabag


(inviolable), nakukuha, maaagaw o
maipagkakait (inalienable).
ANO-ANO ANG
MGA DEPINISYON
NG DIGNIDAD?
ANG PAG-UNLAD NG TAO
AYON SA PILOSOPIYA
ANCIENT STOIC TRADITION - Taglay ng tao ang
katuwiran at kakayahang maunawaan ang
santinakpan at ayusin ang sarili. Ito ang nagbigay
sa tao ng dignidad na katulad ng hindi masusukat
na pagpapahalaga.

Sa kasalukuyang panahon, ang dinidad ang


nagbibigay pakahulugan na ang tao ang
pinakamahalagang nilalang.
ANG DIGNIDAD NG TAO
AYON SA WESTERN
PHILOSOPHY
• Ang dignidad ay tumutukoy sa obhektibong
pagpapahalaga na ang indibidwal ay nagtataglay ng
ilang mga katangian ng pagkilos na may kaugnayan
sa kaniyang dignidad tulad ng kahinahunan,
katahimikan, marangal na pamamaraan at pagkilos.

• Ang dignidad ng tao ay nababatay sa kaniyang


nagawa sa buhay.

• Ang dignidad ng tao bilang pansariling


pagpapahalaga na naaayon sa damdamin
ANG HUMAN DIGNITY
AYON SA RELIHIYON
• Nag-uugat ang dignidad ng tao ayon sa pagkakalikha sa
kaniya na kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang banal na
imahe ng Diyos ay nasasalamin sa bawat tao.

• Ayon kay Michael Pennock, isang theologian, tayo ay


nilikhang espiritwal. Hindi tayo simpleng bagay, kung
hindi tao na may kakahayang umalam at ibigay ang
sarili sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa-tao

• Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung


kaya’t may kakayahan din tayong umibig at magmahal
na makapagpapanatili ng dignidad ng tao
Masasabi mo bang kawangis ng Diyos ang
mga taong handang pumatay para sa
kanilang pamilya?

Ang mga magnanakaw ba ay kawangis ng


Diyos?
TANDAAN:

Ang dignidad ay hindi ang pagkakaroon ng


trabaho sa opisina, ngunit ang
pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay ng
hindi makakasakit ng iba, na kahit na maliit
ay nakapagpapabuhay mula sa mga perang
nakukuha mula sa mabuting paraan.

You might also like