You are on page 1of 1

DIGNIDAD NG TAO, PANGANGALAGAAN KO

Presented by: Nathalie A. Cruz Mirasol S. Madrid


2. QUESTIONS
1. Ano ang inyong na-obserbahan mula sa ipinakitang balita?
2. Ano sa tingin mo ang posibleng dahilan ng pagsabak ng mga HS students na ito sa
prostitusyon? Ipaliwanag
3. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang artikulo?
4. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili?
3. ANO NGA BA ANG DIGNIDAD NG TAO?
4. DIGNIDAD Nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos Isang
bagay na nagdudulot ng karapatan sa lahat
5. DIGNIDAD NGUNIT, ang bawat karapatan, may karampatang tungkulin
6. DIGNIDAD Hindi isang suliranin para sa isang nakararangyang tao. Dahil siya ay
makapangyarihan, kaya niyang bigyan ang kanyang sarili ng dignidad.
7. TANDAAN Tandaan na ang pagpapanatili ng dignidad ng tao ay hindi nakadepende sa
kalagayan sa buhay: mayaman o mahirap Ang pagpapakawala o ang pagpapanatili nito ay
maaaring piliin ng tao
8. It’s about how one gives value to himself
9. Mula sa pagganyak na gawain, masasabi mo bang napahahalagahan ng mga taong ito
ang kanilang sarili?
10. Dahil ba sa kahirapan ay handang isugal ng mga tao ang kanilang dignidad? Lunukin
ang lahat para lamang mabuhay?
11. TANDAAN: Bilang nilikha ng Diyos, ang tao ay may likas na dignidad. Ang dignidad ay
hindi nalalabag (inviolable), nakukuha, maaagaw o maipagkakait (inalienable).
12. ANO-ANO ANG MGA DEPINISYON NG DIGNIDAD?
13. ANG PAG-UNLAD NG TAO AYON SA PILOSOPIYA
14. ANCIENT STOIC TRADITION - Taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang maunawaan
ang santinakpan at ayusin ang sarili. Ito ang nagbigay sa tao ng dignidad na katulad ng hindi
masusukat na pagpapahalaga. Sa kasalukuyang panahon, ang dinidad ang nagbibigay
pakahulugan na ang tao ang pinakamahalagang nilalang.
15. ANG DIGNIDAD NG TAO AYON SA WESTERN PHILOSOPHY
16. • Ang dignidad ay tumutukoy sa obhektibong pagpapahalaga na ang indibidwal ay
nagtataglay ng ilang mga katangian ng pagkilos na may kaugnayan sa kaniyang dignidad
tulad ng kahinahunan, katahimikan, marangal na pamamaraan at pagkilos. • Ang dignidad
ng tao ay nababatay sa kaniyang nagawa sa buhay. • Ang dignidad ng tao bilang pansariling
pagpapahalaga na naaayon sa damdamin
17. ANG HUMAN DIGNITY AYON SA RELIHIYON
18. • Nag-uugat ang dignidad ng tao ayon sa pagkakalikha sa kaniya na kalarawan at
kawangis ng Diyos. Ang banal na imahe ng Diyos ay nasasalamin sa bawat tao. • Ayon kay
Michael Pennock, isang theologian, tayo ay nilikhang espiritwal. Hindi tayo simpleng bagay,
kung hindi tao na may kakahayang umalam at ibigay ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa
Diyos at sa kapwa-tao • Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung kaya’t may
kakayahan din tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili ng dignidad ng tao
19. Masasabi mo bang kawangis ng Diyos ang mga taong handang pumatay para sa
kanilang pamilya? Ang mga magnanakaw ba ay kawangis ng Diyos?
20. TANDAAN: Ang dignidad ay hindi ang pagkakaroon ng trabaho sa opisina, ngunit ang
pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay ng hindi makakasakit ng iba, na kahit na maliit ay
nakapagpapabuhay mula sa mga perang nakukuha mula sa mabuting paraan.

You might also like