You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGKATUTO

MA’AM HANNA GRACE R. HERNANDEZ

DIGNIDAD
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
___

By Cian Nathalie F. Malate

“Ang bawat tao ay may dignidad.”


Nagmula sa diyos ang pagkakaroon mo at ibang tao ng dignidad. Ito ay isang espesyal na
handog na ayon sa pilosopiya ni Sto. Tomas de Aquino ay ang pagkakalikha sa tao ayon sa
wangis ng Panginoon. Naka-konekta din sa dignidad na ito ang maliwanag na katotohanan na
ikaw ay natatangi, naiiba o unique.

Kahulugan

Ang dignidad ang karapatan ng tao na igalang at pahalagahan para sa sarili niyang
kapakanan. Ito rin ay ang pagkabanal at pagkabukod-tangi ng tao na nag-uugat mula sa
kanyang material at espiritwal na kalikasan. Walang ibang nilalang na higit na banal kaysa sa
tao. At ang bawat tao simula sa kanyang pagkalikha ay biniyayaan ng dangal o dignidad.

Sa paglipas ng panahon, maaaring makaramdam ang isang tao ng kawalan ng dignidad


kapag siya ay nawawalan ng pag-asa, nakararanas ng pagmamaltrato, hindi nakikita ang
kanyang halaga, nakakaramdam na siya ay di nabibilang sa mga tao sa kanyang paligid, at iba
pa. Sa kabilang banda, ang dignidad ay maaaring pagtibayin kapag ang halaga ng isang tao ay
kinikilala, napatunayan, at pinarangalan.

Samakatuwid, ang konsepto ng dignidad ng tao ay ang paniniwala na ang lahat ng tao ay
nagtataglay ng isang espesyal na halaga na nakatali lamang sa kanyang pagkatao. Wala itong
kinalaman sa kanilang klase, lahi, kasarian, relihiyon, kakayahan, o anumang bagay maliban sa
kanilang pagiging tao.

Kahalagahan

Ang dignidad ay isa sa pinakamahalagang bagay na taglay ng isang tao, ang pagtrato sa
ibang tao nang may dignidad ay nangangahulugan ng pagtrato sa kanila sa paraang gusto
nating tratuhin ang ating sarili.

Ang dignidad ay isa sa pinakamahalagang bagay na taglay ng isang tao, ang pagtrato sa
ibang tao nang may dignidad ay nangangahulugan ng pagtrato sa kanila sa paraang gusto
nating tratuhin ang ating sarili. Kahit ika’y mayaman man o mahirap, mahalaga pa rin ang
dignidad kasi ito ang sumasalamin sa iyong pagkatao.

Tuwing tayo ay tinatrato ng may dignidad ay napapadama sa atin ng tao na mas


madaling igalang ang iyong sarili kapag iginagalang ka ng iba dahil ang pagtrato nang may
dignidad ay makapagbibigay sa iyo ng kumpiyansa. Ang pagtrato nang may dignidad at
paggalang ay makakatulong sa iyong maniwala na ikaw ay mahalaga.

Konklusyon

Ang dignidad ng tao ay isang bagay na nagdudulot ng karapatan sa lahat. At ang bawat
karapatan ay may karampatang tungkulin. Lahat ng tao ay mayroong dignidad at naka-konekta
din sa dignidad na ito ang maliwanag na katotohanan na ikaw ay natatangi. Mahalaga ang
dignidad dahil ang pagtrato sa ibang tao nang may dignidad ay nangangahulugan ng pagtrato sa
kanila sa paraang gusto nating tratuhin ang ating sarili.

You might also like