You are on page 1of 9

DIGNIDA

D
Ang DIGNIDAD ay galing sa salitang Latin na
dignita, mula sa dignus, ibig sabihin
“karapat - dapat”. Nangangahulugan na
ang dignidad ay pagiging karapat – dapat ng
tao sa pagpapahalaga at paggalang mula
sa kaniyang kapwa.
Sino ang may dignidad?
 Lahat ng tao, anuman ang kanyang
gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan ay may dignidad.

 Dahil lahat ng tao ay may Dignidad, inaasahan ang


bawat isa na igalang ang dignidad ng kanyang kapwa.
Bakit may dignidad ang lahat ng
tao?
 Ito ay sa kadahilinang nilikha ng Diyos ang lahat
ng tao ayon sa Kanyang wangis. Ibig sabihin
ayon sa kanyang anyo, katangian at kakayahan.
Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula
sa Diyos. Kaya ito ay likas sa tao, hindi ito
nagmula sa lipunan, ito ay pangkalahatan,taglay ng
lahat ng tao.
Bakit Bukod Tangi ang tao?

 Dahil may mga katangian ang tao na nagpapabukod – tangi sa


kaniya. At dahil kawangis siya ng Diyos, siya ay may isip na
nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa, mangatwiran,
magmuni-muni at pumili ng Malaya. Dahil dito may
kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kanyang sarili.
 Siya rin may may Kilos loob at Kalayaan upang makatugon sa
tawag ng sitwasyon.
 Ang pagiging bukod tangi ng tao ang mabigat na dahilan ng
kanyang dignidad.
 Ang kanyang mga katangiang nabangit
ay dapat na magamit upang
mapatunayang siya ay may
dignidad.
 Dahil lahat ng tao ay may dignidad, inaasahang
ang lahat ay makakatanggap ng pantay na
pagmamahal at paggalang.

 Ang paggalang sa kapwa ay pagpapahalaga at


paggalang din sa kanyang dignidad bilang tao.
Sagutin Natin:
 1. Ano ang Dignidad? (magic words)
 2. Sino ang may dignidad?

 3. Bakit may dignidad ang lahat ng tao? Saan ito nagmula?

 4. Ano ang mabigat na dahilan ng kanyang dignidad?

 5. Bakit Bukod Tangi ang tao?

 6. Paano maipapakita ang pantay na pagtingin sa kapwa?


Ikaw!!!
Oo Ikaw!
May
Pagpapahalaga
ka ba sa
dignidad ng
iyong kapwa?

You might also like