You are on page 1of 4

ANG DIGNIDAD NG ISANG

TAO AY…
Ang pagkakaroon ng dignidad
ang karapatan ng isang tao na
ng tao ay importante upang
magkaroon ng respeto at
magkaroon ng maayos,
paggalang mula sa kapwa
matiwasay at mapayapa na
niyang tao.
buhay ang isang tao.

Pinapahiwatig ng dignidad na
ang isang tao ay karapat-dapat Hango sa salitang Latin, na
upang makatanggap ng respeto "Dignitas" mula sa "Dignus" na
para sa kung sino sila at hindi ang ibig sabihin ay karapat
lamang para sa anong kaya dapat
nilang gawin

Dahil sa dignidad, nagkakaroon


Ang dignidad ay hindi kinikita ng karapatan na umunlad sa
("cannot be earned"). Ang paraang hindi makakasakit o
dignidad ay hindi makukuha makasasama sa kapwa tao.
mula sa isang tao ("cannot be Nangingibabaw ang paggalang
taken away"). at respeto sa kapwa tao o kahit
na kanino.
REPLEKSYON

Sa araling ito ng aming modyul, napakarami kong bagong mga impormasyon na natutunan. Isa
na rito ay kung ano ang dignidad. Natalakay na namin ang usaping ito noong kami ay nasa ikawalong
baitang pa lamang ngunit introduksyon pa lamang ang nagagawa at kaunti pa lamang ang aming
nalaman sa yugtong ito. Ngayong linggo, sa talakayang ito ay mas napalalim pa ang depinisyon ng
dignidad na mayroon ako. Nalaman ko rin na ang dignidad ay ang karapatan ng isang tao na
magkaroon ng respeto at paggalang mula sa kapwa niyang tao at ipinihihiwatig din ng dignidad na ang
tao ay karapat-dapat upang makatanggap ng respeto para sa kung sino sila at hindi lamang para sa
anong kaya nilang gawin. Nalaman ko rin na ang salitamg dignidad pala ay nag-ugat sa isang latin na
salitang "Dignitas" o "Dignus" na nagsasabing karapat dapat.
Ako naman ay nakaramdam ng kagalakan at kasiyahan sa talakayang ito sapagkat ang usapin
namin, na tungkol sa dignidad ng tao ay alam kong magbibigay linaw sa ilan sa aking mga kaklase o
kakilala na 'wag nilang hahayaang mabukso at maabuso sila ng kanilang kapwa dahil may dignidad sila,
dignidad na nagpapatunay na karapat dapat lamang silang maigalang at mairespeto dahil dito. Sa
kabilang banda naman, ako rin ay nakararamdam ng lungkot sapagkat may mga taong hindi aware o
alam na ang dignidad nila'y mahalaga sa kanila o may iba namang 'di talaga alam ang tunay na ibig
sabihin ng dignidad. Malungkot din ako dahil ginagamit ng mga tao ang pagkakataon na malamangan
at maabuso ang mga taong hindi alam kung para saan ang dignidad nila.
Upang maisabuhay ko naman ang araling ito,, palagi kong pakatatandaan ang tunay na halaga at
depinisyon ng dignidad sa isang tao. Palagi kong aalalahanin na ang dignidad ng isang tao ay hindi
nauubos at hindi nawawala. Hindi ito magiging sapat na dahilan upang maging tumpulan ng tukso at
pambubukso ang isang tao. Sa mga kaibigan ko naman, o pati na rin sa mga kapwa ko, palagi kong
ipapaalala sa kanila na mahalaga na malaman nila kung ano ang depinisyon ng dignidad. Paalalahanan
ko rin sila, na kapag naka-encounter naman sila ng tao na hindi aware sa dignidad na mayroon sila ay
huwag na huwag nila itong aabusuhin at sa halip ay ieducate nila ang taong ito upang wala nang
malamangan sa ating henerasyon. Gagamitin ko rin ang social media flatforms na mayroon ko upang
maipalaganap o makapagpakalat ako ng awareness para sa ating mga kapwa na hindu kayang
malaman ang tungkol sa usaping ito.

You might also like