You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602-1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.com

Division Achievement Test in Araling Panlipunan 10

Pangalan:________________________ Petsa:______________ Marka:__________

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
a. lipunan b. bansa c. komunidad d. organisasyon
2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo sa isang ugnayang panlipunan.
a. institusyon b. social group c. status d. gampanin
3. Ito ay ang karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng
indibiduwal.
a. institusyon b. social group c. status d. gampanin
4. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap
at kung ano ang hindi.
a. paniniwala b. pagpapahalaga c. norms d. simbolo
5. Ano ang unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
a. Disaster Prevention and Mitigation b. disaster Response
c. Hazard Assessment d. recovery and Rehabilitation
6. Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento.
a. solid waste b. illegal logging c. migration d. fuel wood harvesting
7. . Paglipat ng pook panirahan.
a. solid waste b. illegal logging c. migration d. fuel wood harvesting
8. Paggamit ng puno bilang panggatong.
a. solid waste b. illegal logging c. migration d. fuel wood harvesting
9. Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
a. hazard b. disaster c. vulnerability d. risk
10. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
a. hazard b. resilience c. vulnerability d. disaster
11. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay
mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang particular na panahon.
a. hazard assessment b. vulnerability assessment c. capacity assessment d. risk assessment
12. Tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang
sa pagtugon sa kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
a. CBDRM Approach b. top-down approach c. bottom-up approach d. DRRMC Approach
13. Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang
pamayanan.
a. CBDRM Approach b. top-down approach c. bottom-up approach d. DRRMC Approach
14. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.
B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomiya sa mga bansa sa
mundo.
C. Pagbabago ng ekonomiya at pulitika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng
mamamayan sa buong mundo.
D. Proseso ng pagdaloy at paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksiyon na nararanasan sa ibat’t ibang bahagi ng daigdig.
15. Ano ang pangyayaring lubusan nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
a. Paggawa c. Migrasyon
b. Ekonomiya d. Globalisasyon
16. Bakit itinuturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
C. Naapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking
industriya.
D. Tuwiran nitong binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na
matagal nang naitatag.
17. Maaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano Ito?
A. Inshoring
B. Offshoring
C. Onshoring
D. Nearshoring
18. Tumutukoy ang __________ sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya
na may kaukulang bayad.
a. Outsourcing
b. Inshoring
c. offshoring
d. Nearshoring
19. Ayon sa kanya, ginawang “patag” ng globalisasyon ang mundo
A. Geoge Ritzer
B. Joseph Stiglitz
C. Thomas Friedman
D. Abraham Maslows
20. Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanya mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
A. Outsourcing C. offshoring
B. Inshoring D. Nearshoring
21. May limang perspektibo at pananaw ang globalisasyon tungkol sa kasaysayan at simula nito. Alin sa
mga perspektibo at pananaw ang nagsasabing ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng
pagbabago?
A. Unang Perspektibo at Pananaw
B. Ikalawang Perspektibo at Pananaw
C. Ikatlong Perspetibo at mga Pananaw
D. Ikalimang Parspektibo at mga Pananaw
22. Ano ang tawag sa pagtitiyak ng paglikha ng mga sustenableng trabaho, Malaya at pantay na
oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa manggagawa.
A. Employment Pillar
B. Worker’s Rights Pillar
C. Social Dialogue Pillar
D. Social Protection Pillar
23. Isang uri ng pagtatrabaho na kung saan ang sub-contractor ay walang sapat na puhunan upang gawin
ang trabaho at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng
kompanya
A. Job-Contacting C. Labor-only Contracting
B. Apprentice Learners D. Contractual project Based worker

24. Ano ang Migrasyon?


A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar
na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo
sa isang lugar pansamantala man o permanente.
25. Ano ang tawag sa mga taong nagpupunta sa ibang lugar o bansa na walang dokumento, walang
permit para magtrabaho na sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
A. Irregular Migrants
B. Permanent Migrants
C. Temporary Migrants
D. Acquired Migrants labor
26. Sila naman ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at
papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
A. Irregular Migrants
B. Permanent Migrants
C. Temporary Migrants
D. Acquired Migrants labor
27. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual B. gender
C. transgender D. sex
28. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki.
A. sex B. bi-sexual
C. gender D. transgender
29. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Homosexual B. Heterosexual
C. Sexuality D. Gender Identity
30. Naniniwala na ang kasaysayan ng LGBT ay nagsimula sa panahon kung saan sila rin ay
pinagkalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang bilang “ tila-babae”.
A. Panahong Pre-kolonyal C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Hapon
31. Isang prosesong pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal.
A. Female Genital Mutilation C. Acid Attack
B. Foot binding D. Ligation
32. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay
pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan
A. Female Genital Mutilation C. Acid Attack
B. Foot binding D. Ligation
33. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess
at shaman.
A. madre B. diyosa C. diwata D. babaylan
34. Mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
A. Lesbian B. Bakla C. Heterosexual D. Queer or Questioning
35. Ang karapatan ng mga kababaihang babaeng Pilipino na makibahagi na makaboto sa eleksiyon ay
naganap noong anong panahon?
A. Panahong Pre-kolonyal
B. Panahon ng Kastila
C. Panahon ng Amerikano
D. Panahon ng Hapon
36. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o
kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit
37. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, seksuwal; at malalim na pakikipagrelasyong seksuwal sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kaniya , iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.
A. Oryentasyong Seksuwal C. Katangian ng Sex
B. Katangian ng Gender D. Gender Identity
38. Ang mga sumusunod ay uri ng pang aabuso sa mga kababaihan maliban sa isa:
A. Sexual assault B. Pambubugbog
C. Alcoholism D. force marriage
39. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
A. Pagkamamamayan C. Pagkamakabansa
B. Pagboto D. Pagkamakabayan
40. Aling artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ang nagsasaad ng pagkamamamayan?
A. Artikulo I B. Artikulo II C. Artikulo III D. Artikulo IV
41. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga
magulang.B.
A. jus soli B. jus sanguinis c. de jure d. de facto
42. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
A. jus soli B. jus sanguinis c. de jure d. de facto
43. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa korte
A. Naturalisasyon B. Lokalisasyon C. Ispesyalisasyon D. Kontekstwalisasyon
44. Si Cole ay naipanganak sa Estados Unidos. Ang kanyang mga magulang ay parehong Pilipino. Batay
sa Republic Act 9225. Maari siyang maging ____________ sa edad na 18.
A. Dual Person B. Dual Citizen C. Dual Alien D. Dual Merchant
45. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal
maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
46. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama
ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa
pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas C. Magna Carta ng 1215
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen D.Universal Declaration of Human Rights
47. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi
bababa sa 6 buwan bago maghalalan
48. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao
mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

1. Magna Carta 3. Cyrus’ Cylinder


2. First Geneva Convention 4. Universal Declaration of Human Rights

A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234


49. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong sa mga programa
ng mga grassroots organization.
A. civil society
B. non-governmental organization
C. people’s organization
D. trade union
50. Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?

A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan


B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602-1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.com

Gabay sa Pagwawasto
(Key to Correction)

1. A 21. B 41. B
2. B 22. A 42. A
3. D 23. C 43. A
4. C 24. D 44. B
5. A 25. A 45. B
6. A 26. C 46. D
7. C 27. D 47. B
8. D 28. C 48. B
9. C 29. A 49. B
10. B 30. A 50. C
11. A 31. A
12. B 32. B
13. C 33. D
14. D 34. D
15. D 35. C
16. D 36. C
17. A 37. A
18. A 38. C
19. C 39. A
20. D 40. D

You might also like