You are on page 1of 3

Unang artikulo

Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa
Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay.
Geography and Public Planning: Albay and Disaster Risk Management Agnes Espinas
Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon sa mga
kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana
ng simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang isang barangay na
magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang uri ng kalamidad. Ang iba
ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon ng kaalaman sa estado ng
kalamidad. Walang sinusunod na sistema o programa ang pagbangon mula sa isang
kalamidad. Karaniwan, nasa pansariling desisyon ng isang komunidad ang mga paraan kung
paano maiiwasan ang malawakang pagkasirang dulot ng isang kalamidad. Nasa kanilang
pagpapasya kung kailan dapat lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang pagtungo sa mga
evacuation centers, na karaniwang mga pampublikong paaralan, ang paraan upang
magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad ng pagkain, damit, at gamot.
Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin ang mga lokal na opisyal upang
masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan subalit, walang sinusunod na protocol at
nakahandang plano sa pagharap sakaling magkaroon ng kalamidad sa kanilang lugar. 129
Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay tinatawag na
“after-the-fact-disaster response”.(Romero, 2008:6) Ang paraan ng pamahalaang
pamprobinsya, mahahalagang ahensya ng lokal na pamahalaan, at iba pang institusyon ay
pagtugon at reaksiyon lamang sa mga naganap na kalamidad. Gayundin naman, hindi
nagkakaroon ng pangmatagalang paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing
pinagtutuunan ng pansin ang kaligtasan ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng
relief assistance sa panahon ng kalamidad. Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may
kinalaman sa pagharap sa kalamidad ay maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang
pangangailangan at hindi bahagi ng regular na tungkulin ng nasabing ahensya ng
pamahalaan. Ang mga disaster control group ay nabuo lamang dahil sa pagkakaroon ng isang
kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga gawain ng disaster control group ay
ang pagbibigay ng mga early warning signal, paglikas ng mga apektadong pamilya,
pamimigay ng mga relief goods, at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng
paghahanda sa kalamidad, nagkakaroon ng mga pagsasanay at drill subalit hindi ito regular
na nagaganap. Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang mga gawain sa rehabilitasyon
ng mga nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad. Taong 1989, sa tulong ng
gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng Albay ang pagkakaroon ng community-based
disaster preparedness upang mabawasan ang malawakang pagkawala ng buhay at pagkasira
ng ari-ariang dulot ng mga kalamidad sa kanilang lalawigan.
Ikalawang Artikulo
Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Projects and Programs
Implemented by Non-Government Organiations (NGOs)
Sa kasalukuyan, mayroong mga internasyunal at lokal na mga NGO ang nakikibahagi sa mga
gawaing may kaugnayan sa CBDRM sa 55 probinsya at siyudad sa Pilipinas. Sa 55 probinsya
at siyudad, 43, ang natukoy na mga atrisk, na siyang naging pokus ng mga gawain ng READY
Project. Makikita sa talahanayan ang iba’t ibang organisasyon na nagpatupad ng mga gawain
may kaugnayan sa CBDRM. Ang mga organisasyong ito ay isinaayos sa kategoryang
internasyunal na NGO, lokal na NGO, NAPCVDC NGOs. Ang mga natitirang NGOs ay
miyembro ng Victims of Disaster and Calamities (VDC) Sector of National Anti-Poverty
Commission (NAPC). Ang limang NGOs ay na ito ay ang Balay Rehabilitation Center, Inc
(Balay), Creative Community Foundation, Inc (CCF), Pampanga Disaster Response Network,
Inc (PDRN), Philippine Relief and Development Services, Inc (PhilRADS), at PNRC Agusan Del
Norte–Butuan City Chapter. Ang mga nabanggit na internasyunal at lokal na NGOs ay may
kabuuang 51 CBDRM-related na proyekto at programa. Subalit, mayroon lamang dalawang
NGOs na may kasalukuyang programa na may kaugnayan sa Hydrometeorological Disaster
Mitigation for Secondary Cities in Asia (PROMISE). Ito ay matatagpuan sa Dagupan City, sa
Pangasinan at sa Easter Visayas.
Ikatlong Artikulo
Replicating Ideally Prepared Communities (Abinales, 2002 at Heijmans & Victoria, 2001)
Kahit ang Buklod Tao lamang ang tanging people’s organization sabagong tatag na Philippine
Disaster Management Forum, tiniyak pa rin nito na ang presensiya, tinig, at interes ng mga
pamayanan sa CBDM ay mapapanatili. Pagkatapos ang matagumpay na disaster
preparedness at emergency response activities tulad ng maayos na paglikas, search and
rescue at evacuation center management ng mga pamayanan mula pa noong 1997,
tumulong na rin ang Buklod Tao sa iba pang pamayanan upang maging matagumpay ang
kanilang CBDM. Ang Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo ng
mga residente ng Doña Pepeng Subdivision at mga informalsettlers ng North at South Libis,
Brgy. Banaba, San Mateo noong Pebrero 1997 pagkatapos ang pagkilos ng pamayanan laban
sa plano ng isang construction company na magtayo ng isang cement batching plant sa
katabing lupaing agrikutlural. Naniniwala silang magdudulot lamang ito ng mga pagbaha sa
kanilang pamayanan dahil na rin sa lokasyon nito sa delta ng mga ilog Nangka at Marikina.
Pagkatapos ng isang araw na Disaster Management and Preparedness Seminar noong Hunyo
1997, binuo ng Buklod Tao ang Disaster Response Committee (DRC) na mayroong 33
miyembro at nagbalangkas ng Counter Disaster Plan. Tatlong disaster management teams
ang binuo at ang emergency rescue at evacuation plan ay inayos (kasama ang pagbuo sa 3
bangkang fiberglass). Mula sa konseho ng barangay ay nagkaroon ang Buklod Tao ng isang
life jacket. Mula sa ibang mga donasyon ay nakalikom ang samahan ng pondo (humigit
kumulang Php 30,000) na pambili ng flashlights, baterya, mga tali, megaphones, first aid kits
at mga kagamitan sa pagbuo ng tatlong rescue boats. Dalawang buwan pagkatapos ng
disaster preparedness seminar, isang bagyo ang muling tumama sa pamayanan. Kahit na
maraming bahayang nasira ay wala namang namatay at maraming naisalba ang mga
mamamayan. Simula noon, maaari nang makaiwas sa kapahamakan dahil sa flood-level
monitoring, early warning, evacuation, rescue operations, at relief assistance activities ng DRC at
Buklod Tao.

You might also like