You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN NICOLAS 1ST LUBAO, PAMPANGA

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8


Ika-18 ng Mayo, 2022
Grade 8-Milton-
12:30-1:30 P.M.

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag -aaral ay… naipamamalas ng mag -aaral ang pag - unawa sa kahalagahan ng pakikipag - ugnayan at
sama -samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at
kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag -aaral ay… aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa,proyekto sa antas ng komunidad at bansa na
nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
C. Pamantayan sa Pagkatuto

AP8AKD -IVh – 8: Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran.

II. NILALAMAN
Ang Pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig
 Ang United Nations at ang Layunin nito
Kagamitang Panturo: TV, Laptop, Slide Presentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Pagpapalinis at pagsasaayos ng silid-aralan.
 Pagpapaalala sa mga health protocols na dapat sundin upang maiwasan ang muling
pagkalat ng virus.
 Pananalangin
 Pagbati ng guro sa klase at pagbati ng mga mag-aaral sa bawat isa.
 Balitaan tungkol sa naganap na Halalan sa bansa
Objective 5: Established safe and secure learning environments to enhance learning
through the consistent implementation of policies, guidelines and procedures.
 Aalamin ng guro kung may mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbabasa at kung may
kapansanan (malabo ang paningin, mahina ang pagdinig, atbp.) na kailangang ilipat ng
lugar sa loob ng silid-aralan upang maging madali ang kanilang pagkatuto.
Objective 9: Designed, adapted and implemented teaching strategies that are
responsive to learners with disabilities, giftedness and talents.

B. Balik-aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin


 Sa pamamagitan ng Word Bank ay tutukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa bawat
pahayag na ipapakita ng guro sa slide presentation.

C. Paghahabi sa layunin ng aralin


Pagganyak: Idea Wheel! Ipapakita ng guro ang mga larawan sa loob ng wheel. Bibigyan ng guro ng
piraso ng papel ang mga bata upang isulat ang kanilang mga sagot at ipapakita sa klase.
Pagsusuri sa mga larawan:
> Naging madali ba para sa inyo ang pagtukoy sa mga larawan?

Objective 7: Maintained learning environments that nurture and inspire learners to participate,
cooperate and collaborate in continued learning.

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gawain: VIDEO-RIIN
Pagpapanood ng maikling video clip hinggil sa mga layunin ng United Nations upang mapanatili ang
interes ng mga bata tungkol sa paksa.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Pangkatang Gawain: Tungkulin Ko! Iuulat Ko!
Pagkakaroon ng aktibong partisipasyon ng mga pangkat sa pamamagitan ng malayang talakayan
tungkol sa tungkulin ng mga sangay ng United Nations. Ang guro ay gagamit ng rubric sa pagmamarka.

> Unang Pangkat: General Assembly


> Ikalawang Pangkat: Security Council
> Ikatlong Pangkat: Secretariat
> Ikaapat na Pangkat: Economic and Social Council
> Ikaapat na Pangkat: Trusteeship Council
> Ikaapat na Pangkat: International Court of Justice

Objective 7: Maintained learning environments that nurture and inspire learners to participate,
cooperate and collaborate in continued learning.

Objective 8: Applied a range of successful strategies that maintain learning environments that
motivate learners to work productively by assuming responsibility for their own learning.

Mga panuntunan na dapat gawin habang isinasagawa ang pangkatang gawain:


a. Isang daang porsyentong partisipasyon ng lahat ng pangkat ng mag-aaral.
b. Maaaring gumamit ng cellphone upang magamit kung kinakailangan.
c. Iwasang magkumpulan upang mapanatili ang distancing.
Objective 6: Maintained learning environments that promote fairness, respect and care to
encourage learning.

 Presentasyon ng bawat pangkat


Pagkatapos ng presentasyon ng bawat pangkat, bibigyan sila ng smiley face o emoticons
ng guro at gagawin ito sa pamamagitan malikhaing paraan. Ang pangkat na nagpamalas
ng pinakamahusay na presentasyon ay may karagdagang puntos sa kanilang recitation.
Objective 6: Maintained learning environments that promote fairness, respect and care to
encourage learning.
Objective 3: Use effective verbal and non-verbal classroom communication strategies to
support learner understanding, participation, engagement and achievement.

 Pagbibigay ng karagdagang impormasyon ng guro tungkol sa kasalukuyang isinasagaw


ng United Nations upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa ng mga bansa.

 Pagtalakay at pagsusuri tungkol sa mga hangarin ng United Nations ayon sa Charter of


UN.

> Integrasyon ng Asignaturang Filipino (Pagsasaling Wika). May mga pahayag tungkol
sa United Nations na nakasulat sa wikang English na kailangang isalin at ipaliwanag ng
mga bata sa wikang Filipino.
(Objective 1: Applied knowledge of content across curriculum teaching areas)
(Objective 3: Displayed proficient use of Mother Tongue, Filipino, and English to
facilitate teaching and learning)

> Integrasyon ng Asignaturang Araling Panlipunan 10. *Napahahalagahan ang tugon ng


pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.
Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
(Objective 1: Applied knowledge of content within curriculum teaching areas)

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


 Ngayong katatapos lamang ng eleksyon sa buong bansa, bilang isang mag-aaral paano
mo ipinapakita ang pakikilahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa iyong
local na komunidad?
Objective 6: Maintained learning environments that promote fairness, respect and care
to encourage learning.

G. Paglalahat ng Aralin
 Ibubuod ang nilalaman ng paksa sa pamamagitan ng gawaing Cloze Tayo! Pupunan ang
patlang ng tamang sagot at pipiliin ang tamang sagot sa pagpipilian na ipapakita ng guro
sa slide presentation.
 Para sa mga estudyanteng nagmomodular ay magsesend ang guro ng google form para
sa gawaing ito.

H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito ay tama o mali. Kung ang
pangungusap ay tama, isulat sa patlang ang salitang TAMA. Kung ito naman ay mali, isulat sa patlang ang
salitang MALI, at guhitan ang salitang nagpa-mali sa pangungusap.

_____________________1. Ang United Nations ay naitatag dahil sa kagustuhan ng mga pinuno ng Allied
Forces na mapanatili ang kapayapaan sa daigdig matapos ang digmaan.
_____________________2. Sa pangunguna nina Franklin Roosevelt, Joseph Stalin, at Vladimir Lenin,
napirmahan ang Charter ng United Nations.
_____________________3. Isa sa mga layunin ng United Nations ang mapaunlad ang relasyong pagkakaisa ng
mga bansa sa pantay na karapatan.
_____________________4. Ang Atlantic Charter ang nagging saligan ng pagbubuo sa United Nations.
_____________________5. Ang Trusteeship Council ang pangunahing sangay sa pagbubuo ng mga polisiya,
pagbibigay rekomendasyon, pakikipag-diyalogo ukol sa mga usaping pang-ekonomiko, panlipunan, at
pangkalikasan.

I. Takdang Aralin
Lumikha ng isang slogan na nanghihikayat sa pagpapanatili ng kapayapaan sa inyong
komunidad. Ang nagawang slogan ay ipepresent sa klase sa susunod na araw.

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

ARLENE P. CARLOS ANGELITA P. TURLA


Araling Panlipunan 8 Teacher Head Teacher III
A. Pan Department

You might also like