You are on page 1of 6

Ang Pamilya Bilang Natural na

Institusyon ng Lipunan

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Unang Markahan
a. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensiya sa sarili. (EsP8PB-Ia-1.1)

b. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood.
A. Panuto: Tukuyin ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagpapakita ng gawain na kapupulutan ng aral at MALI kung hindi. Ibigay ang
nararapat at angkop na gawain.
________1. Pinagbintangan ni Rolando si Enrico na kumuha ng kanyang pera.
________2. Sama-sama ang buong mag-anak na kumain ng hapunan.
________3. Sa mall habang namimili ka, napansin mong pinagtatawanan ng mga babae
ang isang lumpo. Lumapit ka sa kanila at nakipagtawanan na rin.
________4. Si Glyza ay nagmamano sa kamay ng kanyang lolo at lola sa tuwing umuuwi
ng bahay galing sa paaralan.
________5. Ang pamilyang Flores ay sabay-sabay na nananalangin bago matulog sa gabi.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

Pamilyar ka ba sa ipinakikita ng larawang ito?


Ito ay tinatawag na “bayanihan”. Ito ay isang bahagi
ng ating kultura na dapat
panatilihin. Sagisag ito ng pagkakaisa at
pagmamalasakit sa kapwa. Ang konseptong ito
ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga
magkakapitbahay o mga
magkakabaranggay tungo sa iisang layunin.
 Ano ang papel ng bawat isa sa larawan?
 Ano ang itinuturing na pundasyon ng ating
lipunan?
 Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa
sa lipunan?
 Bakit itinuturing ito na pundasyon ng ating
lipunan?

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

You might also like