You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA G10 ARALING PANLIPUNAN

QUARTER 1

DLP No. __11__

I. LAYUNIN
A. Kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang
pangalagaan ang kapaligiran AP10KSP- Ic-8
Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto at
pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran AP10KSP- Id-e-9

Mga Layunin
1. Naiisa-isa ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang
pangalagaan ang kapaligiran
2. Napapahalagahan ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang
pangalagaan ang kapaligiran

II. NILALAMAN
B. Aralin/Paksa: Suliraning Pangkapaligiran

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO


A. Sanggunian
Mga pahina sa Gabay ng Guro 64-89
Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral 51-81
Mga pahina sa Teksbuk
Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng LR
B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Balik-aral: Sabihin kung ang mga sumusunod na salita/parirala ay sanhi o
bunga ng mga suliraning pangkapaligiran

PAGPUPUTOL NG PUNO

FISH KILL

INDUSTRIYALISASYON

LABIS NA PAGBAHA

ENDANGERED SPECIES
b. Pagganyak
Panuto: Ipakita sa mag-aaral ang mga logo ng iba't ibang ahensiya na
tumutulong upang pangasiwaan ang kapaligiran. Pahulaan sa mag-aaral kung
ito ba ay ahensiya ng pamahalaan o Non Government Organization.

c. Paglahad ng Layunin
Sa araling ito ay tatalakayin ang;
1. Mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang
pangalagaan ang kapaligiran
2. kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto at
pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran

2. Panlinang na Aralin
Gawain 1: Meta cards
Panuto: aawat pangkat ay bibigyan ng paksa ng guro. Ang mahahalagang
kaisipan sa bawat paksa ay isusulat nila sa meta cards. Bigyan ng tamang oras
ang bawat pangkat upang gawin ang naiatas sa kanila. Matapos ang limang
minuto, hayaan silang ikabit ang mga meta cards sa pisara. Magtalaga ng mag-
uulat sa bawat pangkat.

Programa ng
Suliraning Solusyong Pamahalaan at
Sanhi Bunga Epekto
Pangkapaligiran Ginagawa iba't ibang
sektor (NGO)
1. Solid waste
2. Likas na yaman
a. Yamang
gubat
b. Yamang lupa
c. Yamang tubig
3. Climate change

Pamprosesong Tanong:

.
1. Paano masosolusyonan ang iba't ibang suliranin na nakakaapekto sa
kapaligiran?
2. Bakit sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng iba't ibang ahensiya at
sektor sa ating lipunan ay patuloy pa ring umiiral ang mga suliraning
nakakaapekto sa kapaligiran?
3. Paano kaya makakamit ang pag-unlad nang hindi nalalagay sa panganib ang
ating kalikasan?

3. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat:

Tinalakay sa araw na ito ang:


1._____________________________________________2._
____________________________________________

b. Paglalapat:
Gawain: Sa aking komunidad
Magsaliksik ng programa para sa solid waste management / climate
change na ipinatutupad sa inyong paaralan o barangay. Gumawa ng
presentation tungkol dito.

Rubric para sa presentation


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Makatotohanan ang nilalaman ng presentasyon. Gumamit 10
ng mga larawan, datos, at iba pang sanggunian upang
Nilalaman suportahan ang impormasyong binanggit sa
presentasyon.
Naipahayag ang mga dahilan ng mga kinahaharap na 10
pagsubok o pagtatagumpay ng programa at
Pagsusuri
nakapagbigay ng mungkahi upang magpatuloy ang mga
ito.
Gumamit ng malikhaing paraan sa paglalahad ng 5
Pagkamalikhain
programa.
Kabuuan 25

c. Pagtataya
Panuto: Buuin ang sumusunod na pahayag:
1. Ang solid waste ay tumutukoy sa _____________________________.
2. Inilalarawan ang deforestation bilang __________________________.
3. Tumutukoy naman ang Climate Change sa _____________________.
4. Ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay magkakaugnay dahil
________________________________________________________.
5. May kaugnayan ang mga suliraing pangkapaligiran at ang Climate Change
dahil ____________________________________________.

d. Pagpapahalaga

V. 1. MGA TALA
_______________________________________________________________
2. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _______________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
_________________________________________________________
C. Nakatulong ba ang remedial?_______ Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa
aralin________________________________________________________
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?________________
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos?_________
___________________Paano ito nakatulong? _______________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punong- guro at superbisor?______________________________________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?___________________________________________

You might also like