Professional Documents
Culture Documents
Ang araling panlipunan (Ingles: social studies) ay isang katagang naglalarawan sa isang
malawak na mga pag-aaral sa iba't ibang larangan na kinakasangkutan ng nakaraan at
kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao. Sa halip na nakatuon sa lalim ng alin
mang mga paksa, nagbibigay ang araling panlipunan ng isang malawak na buod ng kaugalian ng
sangkatauhan. Kinikilala ang araling panlipunan bilang pangalan ng kurso na tinuturo sa
paaralang elementarya at mataas na paaralan, ngunit maaaring tumukoy din ito sa pag-aaral ng
partikular na aspeto ng lipunan ng tao sa ilang kolehiyo sa buong mundo.
Ang mga agham panlipunan (Ingles: Social Science) ay isang pangkat ng mga
displinang akademya na pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito
mula sa mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang
agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang
mga kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian (qualitative).
Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham (soft sciences) ang mga agham
panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng
lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham (hard sciences) na maaaring eksklusibong
nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.
Antropolohiya
Komunikasyon
Ekonomiks
Edukasyon
Heograpiya
Kasaysayan
Linggwistika
Batas
Agham pampulitika
Sikolohiya
Sosyolohiya
Ang ekonomika (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa
paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.
Tinutukoy ang ekonomika na "malungkot na agham". Unang binansag ito ni Thomas Carlyle, na
pinaboran ang isang sistema ng ekonomika na nakabatay sa pang-aalipin, upang tanggihan ang
mga nangungunang ekonomista noong dekada 1840, na mga karaniwang libertaryo na
sumasalungat sa pang-aalipin. Ngayon, kadalasang ginagamit ito para banggitin ang pabibigay
diin sa kakulangan sa ekonomiya.
Ang salitang heograpiya ay mula sa salitang Kastilang geografía. Nag-ugat ito sa mga
salitang Griyegong γη gi (‘daigdig’) at γράφειν gráfein (‘isulat’ o ‘ilarawan’).
Ang agham pampulitika ay ang pag-aaral sa politika. Kasangkot nito ang pag-aaral sa
kayarian at proseso sa pamahalaan - o anumang kaparehong sistema na sinusubukang tiyakin ang
katiwasayan, di pagkiling, at ang pagsasara sa kabila ng isang malawak na sakop ng mga
panganib at pagpasok sa isang malawak na sakop ng mga karaniwan para sa kanilang mga
nasasakupan. Bilang isang resulta, maaaring pag-aralan ng mga siyentipikong politikal ang
institusyong lipunan katulad ng korporasyon, unyon, simbahan, o ibang mga organisasyon na
malapit sa kayarian at proseso ng pamahalaan sa pagkasalimuot at interkoneksyon.
Ang sikolohiya ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal. Binibigyan ng malaking pansin
ang mga tao, bagaman pinag-aaralan din ang asal at diwa ng mga hayop; bilang isang paksa sa
kanyang sarili (tignan proseso ng kaalaman ng hayop), o mas kontrobersyal, bilang isang paraan
ng pabibigay ng linaw sa sikolohiya ng tao sa pamamagitan ng paghahambing (tignan
sikolohiyang hinahambing). Tinatawag na sikologo ang mga dalubhasa sa sikolohiya. Sikologa
kung babae.
Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na
binibigkis at hinihiwalay ang mga tao di lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang kasapi ng
mga asosasyon, grupo, at institusyon.
Tinatawag ito sa isang kahulugan sa tipikong aklat na ang pag-aaral sa mga buhay
panlipunan ng mga tao, grupo, at lipunan. Interesado ang sosyolohiya sa ating pag-uugali bilang
nilalang na marunong makisama; sa ganitong paraan sinasakop ng nagustuhang larangan sa
sosyolohiya mula sa pagsusuri ng maiikling pakikitungo sa pagitan ng di magkakilalang
indibiduwal sa daan hanggang sa pag-aaral ng proseso ng pandaigdigang lipunan.