You are on page 1of 14

Araling Panlipunan– Ikaanim na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 18: Ang dahilan at layunin ng pagtatatag ng


HUKBALAHAP at Kilusanag Gerilya. Napahahalagahan ang katapangan ng mga
Pilipinong lumaban sa mga Hapones.

Ikalawang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Michelle C. Hular
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle
Teknikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagaguhit:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 18
Ang Dahilan at Layunin ng Pagtatatag ng
HUKBALAHAP at Kilusang Gerilya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 6) ng Modyul
para sa araling Ang dahilan at layunin ng pagtatatag ng HUKBALAHAP at Kilusang
Gerilya at Napahahalagahan ang katapangan ng mga Pilipinong lumaban sa mga
Hapones !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 6) Modyul ukol sa ( Ang
dahilan at layunin ng pagtatatag ng HUKBALAHAP at Kilusang Gerilya at
Napapahalagahn ang katapangan ng mga Pilipinong lumaban sa mga Hapones) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Ang araling ito ay tatalakay sa mga dahilan at layunin ng
pagtatatag ng HUKBALAHAP at Kilusang Gerilya. Pagkatapos mong
makumpleto ang modyul na ito, inaasahang iyong:

• Naipaliliwanag ang dahilan at layunin ng pagtatatag ng


HUKBALAHAP at Kilusang Gerilya
• Napahahalagahan ang katapangan ng mga Pilipinong
lumaban sa mga Hapones.

PAUNANG PAGSUBOK

Halina’t ating subukin ang iyong kaalaman.

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang katangiang ipinamalas ng


mga gerilyang Pilipino at malungkot na mukha kung hindi.

_____ 1. Makasarili
_____ 2. Magiting
_____ 3. Mapang-abuso
_____ 4. Malakas
_____ 5. Makabayan

BALIK-ARAL

Natatandaan mo ba ang mga kabayanihang ginawa ng mga gerilyang


Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones? Ilahad ang mga ito.
-Nagsama-sama ang maliliit na pangkat mula sa iba’t-ibang panig ng bansa
at sumapi sa mga gerilya.
-Namundok at patuloy na nakipaglaban nang patago sa mga kaaway ang mga
gerilyang Pilipino.
-Layunin ng samahang gerilya na patayin ang mga kalaban at ilang
mamamayang tumutulong at nakikiisa sa hukbong Hapones. Hangad din ng
mga gerilyang Pilipino na lipulin ang mga mamamayang maka-Hapones.
ARALIN

Ang hangarin at pagsisikap ng mga Pilipino upang maging malaya ang


naging dahilan upang itatag ng mga gerilyang Pilipino ang HukBaLaHap
upang maipagpatuloy ang paglaban sa mga Hapones.
Ang pagtatatag ng Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones o
HukBaLaHap ay pinamunuan nina Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal.
Ang mga kasapi nito ay mga magsasakang handang mangalaga sa
katahimikan ng bayan.
Naging marahas ang ginawang pagsugpo ng mga Huk sa mga Hapones.
Daan-daang Hapones ang kanilang pinatay, bukod sa mga gerilya at Huk.

https://philippineculturaleducation.com.ph/wp-
content/uploads/2017/10/sk-huk.jpg
Marami pang mga Pilipino ang nagpamalas ng katangi-tanging
kabayanihan laban sa pananakop ng mga Hapones tulad nina Josefa Llanes
Escoda at Jose Abad Santos. Babae man si Josefa Llanes Escoda, hindi ito
naging hadlang upang lumahok siya sa digmaan laban sa mga Hapones. Si
Jose Abad Santos ay nagpakita ng kakaibang pagmamahal sa bayan. Iba’t-
iba ang naging katungkulan niya sa mga sangay ng pamahalaan.
Noong una, layunin nito na labanan ang mga Hapones, ngunit
nagpatuloy pa rin sila sa pakikipaglaban kahit tapos na ang digmaan dahil
sa galit sila sa ginagawa ng pamahalaan. Naging madalas ang engkuwentro
ng military at Huk, pati ang mga nagmamay-ari ng malalaking lupa.
Tumagal ng dalawang taon ang problema sa Huk sa pamamahala ni
Roxas.
https://i.redd.it/96dg3yzyhf721.jpg
Sa pagdaan ng mga araw, marami ang napinsala ng mga Huk. Upang
masugpo ang kilusan, pinalawak ni Pangulong Quirino ang mga operasyong
military ng pamahalaan laban sa kanila.Hinirang ni Pangulong Quirino si
Ramon Magsaysay, isang batang kongresista mula sa Zambales at dating
gerilya bilang Kalihim ng Tanggulang Bansa o National Defense.
Sumama si Kalihim Ramon Magsaysay sa mga puwersang militar ng
pamahalaan sa kanilang mga kampanya laban sa mga Huk. Dinalaw niya ang
mga Huk at hiniling na makiisa sa mabuting layunin ng bansa. Dahil sa
mabuting pakikiusap at pakikitungo ni Magsaysay sa mga Huk, unti-unti
silang sumuko sa pamahalaan. Ang mga nagsisukong Huk ay binigyan ng
pagkakataong muling mamuhay nang tahimik. Binigyan sila ng Economic
Development Corporation (EDCOR) ng mga tirahan at lupang sakahan.

https://alchetron.com/cdn/ramon-magsaysay-f544098e-2333-46d0-819d-
1d47bcfe2ca-resize-750.jpeg
Ang mga ginawang pakikipaglaban ng mga gerilyang Pilipino at mga
Huk laban sa mga Hapones ay nararapat nating pahalagahan dahil nagpakita
sila ng husay at katapangan sa pakikibaka. Hindi nila alintana ang hirap at
pagod na kanilang dinanas bagkus ang namayani sa kanilang mga puso at
damdamin ay maging malaya ang ating bansa mula sa mga mapag-abusong
mga Hapones
Tunay at karapat - dapat na magbigay pugay sa lahat ng mga
makabayang Pilipino na nakipaglaban para sa ating kalayaan. Ang maging
isang malayang bansa na ating nararanasan sa kasalukuyan at sa mga
susunod pang henerasyon ng ating bansa.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1

Panuto: Iguhit ang thumbs up kung nagsasaad ng katotohanan at


thumbs down kung walang katotohanan.
________ 1. Ang hangaring maging malayang bansa ang nagpaalab ng
damdamin ng mga gerilyang Pilipino at mga Huk na patuloy na lumaban sa
mga Hapones.
________ 2. Kulang sa pagkakaisa ang bawat meyembro ng kilusan.
________ 3. Binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga sa bayan
ang kilusang HukBaLaHap.
________ 4. Hindi sumuporta ang mga sibilyang Pilipino sa layunin ng
kilusan.
________ 5. Lumahok sa digmaan laban sa mga Hapones si Josefa Llanes
Escoda.
Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang mga pangyayari. Lagyan ng tsek ( ) ang mga
nangyari nang sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas at ( x ) ang hindi.
_________ 1. Naging marahas ang pagsugpo ng mga Huk sa mga Hapones.
_________ 2. Bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
_________ 3. Maraming Pilipino ang nagpamalas ng kabayanihan laban sa
pananakop ng mga Hapones.
_________ 4. Dalawang taon tumagal ang problema sa mga Huk.
__________5. Nagpakita ng mabuting pakikitungo si Ramon Magsaysay sa
mga Huk.
Gawain 3
Panuto: Lagyan ng star ( ) ang patlang ng salitang pinakamalapit
sa inilalarawan nito.
1. Para sa mga Pilipino noon
awa ___ ___ galit

2. Para sa bansa
hiya ___ ___ paghanga

3. Para sa mga lider na Pilipino


galit ___ ___ paghanga
4. Para sa mga Hapones
paghihiganti ___ ___ pagpapatawad

5. Para sa mga nangyari


sama ng loob ___ ___ kasiyahan

PAGLALAHAT

Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung natutunan mo o malungkot


na mukha kung hindi.
______1. Pinamunuan ni Luis Taruc ang kilusang HukBaLaHap.
______2. Hindi kinilala ng maraming Pilipino ang kabayanihan ng mga gerilya.
______3. Ang mga kababaihang lumahok sa digmaan laban sa mga Hapones
ay hinahalintulad natin sa mga Frontliners na humaharap sa kasalukuyang
pandemyaS ng bansa.
______4.Binigyan ng pagkakataong mamuhay ng mapayapa ang mga
nagsisukong mga Huk.
______5. Hindi dapat hangaan ang kabayanihan ng mga Huk at gerilyang
Pilipino.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin ang tanong. Punan ng angkop na salita ang bawat patlang
upang mabuo ang maikling talata.
Paano ninyo mapapahalagahan ang katapangan ng mga Pilipinong
lumaban sa mga Hapones?
Tunay at nararapat nating pahalagahan ang _______________ at _________
ipinamalas ng mga gerilyang _______ at ng samahan ng mga _____________
na binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga para sa ____________.
Huwag nating balewalain ang kanilang sakripisyo para makamit ang
ating kalayaan. Pangalagaan natin at huwag hayaang mawala pa ito alang-
alang sa mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng kanilang sariling buhay
para sa bayan.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot na
bubuo sa diwa ng bawat pangungusap.
1. Ang HukBaLahap ay pinamunuan ni _______
A. Luis Taruc C. Ramon Magsaysay
B. Macario Peralta D. Jose Maria Sison

2. Ang pangkat ng mga gerilya sa Luzon na nakipaglaban sa mga


Hapones ay kinabibilangan ng mga _____
A. New People’s Army C. USAFFE
B. Huk D. Muslim

3. Binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga para sa bayan


ang kilusang HukBaLaHap, Ano ang ibig sabihin nito?
A. Hukbo ng Bayan Laban sa Amerika
B. Hukbo ng Bayan Laban sa Kastila
C. Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon
D. Hukbo ng Bayan Laban sa Pilipino

4. Nagpakita siya ng kakaibang pagmamahal sa bayan,humawak siya ng


iba’t-ibang tungkulin sa sangay ng pamahalaan. Sino siya?
A. Pangulong Magsaysay C. Pangulong Laurel
B. Pangulong Quirino D. Jose Abad Santos

5. Ang mga nagsisukong mga HUK at nagbalik loob sa pamahalaan sa


tulong ni Ramon Magsaysay ay binigyan ng pagkakataon na ________
A. mamuhay ng tahimik C. mangibang bansa
B. makapag- aral D. magkaroon ng sariling lupa
Paunang Pagsubok
1.
2.☺
3.
4. ☺
5. ☺
Pagsasanay
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. 1. ✓ 1. awa ✓
2.  2. X 2. hiya ✓
3.  3.✓ 3. paghanga ✓
4.  4. ✓ 4. paghihiganti ✓
5.  5. ✓ 5. sama ng loob ✓
Paglalahat Pagpapahalaga Panapos na Pagsusulit
1. ☺ 1. kabayanihan 1. A
2.  2. katapangan 2. B
3. ☺ 3. Pilipino 3. C
4. ☺ 4. HUK 4. D
5.  5. bayan 5. A
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Antonio, Eleanor, Banlaygas, Emilia and Dallo, Evangeline. Kayamanan 6.


New Edition. 856 Nicanor Reyes, Sr. St. 1977 C.M. Recto Ave. Manila,
Philippines. REX Book Store Inc. 2015
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/q3-lesson-19-sa-ilalim-ng-
https://philippineculturaleducation.com.ph/wp-
content/uploads/2017/10/sk-huk.jpg
https://i.redd.it/96dg3yzyhf721.jpg
https://alchetron.com/cdn/ramon-magsaysay-f544098e-2333-46d0-819d-
1d47bcfe2ca-resize-750.jpeg

You might also like