You are on page 1of 13

Kasaysayan ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ika-Anim na Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 1: Edukasyon sa Pilipinas sa Panahon ng mga
Amerikano

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Nerissa M. Enriquez


Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto1
Edukasyon sa Pilipinas sa Panahon ng
mga Amerikano
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng
Modyul para sa araling Edukasyon sa Pilipinas sa Panahon ng mga Amerikano !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa

Ang modyul na ito ay Araling Panlipunan ,Modyul ukol sa Edukasyon sa


Pilipinas sa Panahon ng mga Amerikano at Epekto Nito!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Ang mga bagay na narito ay sarilinang pag-aaral sa Araling Panlipunan 6.
Ang lahat ng mga pagsasanay at gawain nakalakip dito ay makatutulong sa
iyo upang ikaw ay umunlad at matuto ng tungkol sa:
Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas sa Panahon ng mga Amerikano at
epekto Nito

PAUNANG PAGSUBOK

Piliin ang titik ng tamang sagot


1. Paano nakatulong si Heneral Gregorio del Pilar kay Pangulong Emilio
Aguinaldo?

Pinangalagaan ang pagtakas ni Emilio


Aguinaldo Pinaglaban-laban niya ang mga Pilipino .

Isinama si Hen. Antonio Antonio Luna sa


labanan

2. Saan nangyari ang labanan sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Hen. Del Pilar at
mga sundalong Pilipino?

Palanan, Isabela Pasong Tirad, Ilocos Sur

Pozorrubio, Pangasinan

3. Siya ang nangalaga sa Unang Republika ng Pilipinas na siya rin ang pangulo.Sino ang
tinutukoy dito?

Gregorio del Pilar Emilio Aguinaldo Apolinario Mabini

4. Paano nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano?

Nagkasagutang sina Pang. Emilio Pag-agaw sa mga armas ng mga


Aguinaldo at sundalong Amerikano Pilipino
Binaril ng sundalong Amerikano
ang Pilipinong sundalo

5. Sino ang sundalong Amerikano ang bumaril sa Pilipinong sundalo na


nagsimula ng digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano?

Wesley Merrit William H. Taft William Walter Grayson

BALIK-ARAL

Sino-sinong mga bayani ang nakipaglaban para sa kalayaan noong panahon ng


mga Amerikano?

https://ph.images.search.yahoo.com/

Natalakay natin ang tungkol sa Digmaang Pilipino- Amerikano hindi ba?


Paano nagsimula ang labanang ito?
Nagsimula ito nang binaril at napatay ni Private William Walter Grayson ang
isang Pilipinong sundalo na naglalakad sa Kalye Sociego, Sta. Mesa, Maynila. Kaya
nilusob ng mga Amerikano ang hukbo ng mga Pilipino.Kaya napilitang magdeklara
ng digmaan si Pang. Emilio Aguinaldo.

ARALIN

(Paalala: Talakayin ang paksa/kasanayang pampagkatuto sa abahaging ito)

Mahalaga ba ang edukasyon sa batang katulad mo? Bakit?


Sa loob ng mahigit apatnapung taong pananakop sa bansa, maraming
natutuhan ang mga Pilipino sa kultura ng mga Amerikano na nagpabago sa
kanilang buhay. Lalo na sa edukasyon.
Ngayon alamin natin ang naging impluwensya ng mga Amerikano pagdating sa
edukasyon ng mga Pilipino! Paano kaya nabago ng edukasyon ang buhay ng mga
Pilipino?
Alamin natin!

www.slideshare.net
Edukasyon
Tatlong Pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng mga Amerikano
Pagpapalaganap ng demokrasya
Pagtuturo ng wikang Ingles
Pagpapakalat ng kulturang Amerikano
Ipinakilala ng mga Amerikano ang Sistema ng pampublikong
paaralan.
Mga Thomasites
Ang mga naging unang guro na ipinadala ng mga Amerikano
Sila ay dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong U.S.S.
Thomas.
600 na Thomasites ang dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipin

Cbrainard.blogspot.com www.elaput.com
Sistema ng Edukasyon
Sa lahat ng paaralan ang lahat ng mga mag-aaral ay tumatanggap ng
libreng kwaderno, aklat at lapis
Sundalong Amerikano ang unang nagtuturo sa mga Pilipino ng
wikang Ingles.
Sibika ang pokus ng pagtuturo at binigyang diin ng demokratikong
pamumuhay at hindi ang relihiyon.
Maraming naitayong unibersidad, pampubliko at pribado sa bansa.
Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos
upang makapag-aral ng libre. Tinawag sila bilang pensionado
(Iskolar).

Mayo, 1898 - Itinatag sa Corregidor ang unang Amerikanong paaralan


matapos ang unang labanan sa Maynila
Agosto, 1898- pitong paaralan ang binuksan sa Maynila sa ilalim ng
Pamamahala ni Fr. William McKinnon
1898 -Itinalaga si Lt. George P. Anderson bilang unang
Superintendent ng mga paaralan sa Maynila.
1903 -Itinatag ang Bureau of Education at si Dr. David Barrows ang
unang Director

Mga paaralang itinatag ng mga Amerikano


Philippine Normal School (1901)
Siliman University (1901)
Centro Escolar University (1917)
University of the Philippines (1908)
University of Manila (1914)
Philippine Women’s University (1919)
Far Eastern University (1919)
https://www.slideshare.net/TristanNav
arrosa/impluwensya-ng-mga-amerikano

Binuksan din ang pang-araw at panggabing paaralan sa mga bayan at


lalawigan. Karamihan sa mga panggabing paaralan ay para sa matatandang
nais matuto ng salitang Ingles

Di- mabuting dulot ng edukasyon sa mga Pilipino


Napalitan ang kulturang Pilipino ng kulturang Amerikano
Nabuo ang isip-kolonyal sa mga Pilipino
Nalimutan na ang paggamit ng wikang Pilipino
Nawaglit ang pagnanais na makalaya ang bansa mula sa mga
Amerikano

Sagutin:

1. Paano binago ng mga Amerikano ang buhay ng mga mamamayang


Pilipino lalo na sa edukasyon?
2. Ano-ano ang naging bunga ng edulasyon na ipinatupad ng mga
Amerikano sa Pilipinas?

MGA PAGSASANAY

A. Hanapin sa puzzle ang salitang hinihingi ng bawat isang bilang sa


ibaba.
T H O M A S I T E S
K U S U N D A L O G
U N I V E R S I T Y
W I B U L G H M S C
P E N S Y O N A D O
A H D G A L H W K L
Z V A J L O P P A D
C I Y W T E S Q K K
V T A O R Q S W A H

1. Ang unang guro ng mga Pilipino


2. Ang matatalinong Pilipino na nakapag-aral ng libre sa Estados Unidos
3. Paaralang itinatag sa Pilipinas (English)
4. Wika ng mga Amerikano na itinuro sa mga Pilipino
5. Ang mga gurong sakay ng U.S.S. Thomas

B. Alin sa mga sumusunod ang may kinalaman sa edukasyon na


ipinatupad sa Pilipinas ng mga Amerikano? Lagyan ng smiley
sa loob ng bilog.

5.Libreng
pag-aaral

4.Para sa
1.Itinuro ang mayayaman
wikang
Ingles EDUKASYON

3.May
2.Sapilitan paaralang
ang naitayo
C. Panuto: Isulatpagpapalista
kung katotohanan o di-katotohanan ang isinasaad ng
bawat isang pangungusap.

1. Ang Far Eastern University ay itinatag noong 1919.


2. Pitong paaralan ang binuksan sa Maynila sa ilalim ng
pamamahala ni Fr. William McKinnon.
3. Ang mga Thomasites ay dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng
barkong U.S.S. Thomas.
4. Noong 1903, itinatag ang Bureau of Education at si Dr. David
Barrows ang unang Director.
5. Ang Unibersidad ng Pilipinas ay itinayo noong 1907.

PAGLALAHAT

Ngayon masasabi mo na ba ang sistema ng edukasyon na ipinatupad ng ga


Amerikano sa Pilipinas? Ang unang guro ng mga Pilipino ay ang mga ________.
Itinuro ang wikang ______. Nagpadala ng 600 guro mula sa Estados Unidos na
tinawag na ________. Nagpatayo ng iba’t-ibang paaralan, pampubliko at pribado
Sapilitang pagpapalista ng mga mag-aaral, at iba pa. Nakita ng mga magulang ang
kahalagahan ng edukasyon kaya ito ay kanilang pinahalagahan. Nagpakita ng
angking talino ang mga Pilipino kaya naipadala sa Estados Unidos upang mag-aral
nang libre na tinawag na ___________,

PAGPAPAHALAGA

Maraming Pilipino ang nakapag-aral , mayaman man o mahirap.


Magpahanggang ngayon mahalaga pa rin ang edukasyon sa atin. Paano mo
pahahalagahan ang edukasyong iyong tinatamasa sa kasalukuyan sa gitna ng
nararanasang pandemya ? (Magbigay ng 3 sagot.)

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang binigyang diin noong Panahon ng mga Amerikano?
A. Pangkahalatang edukasyon
B. Demokrasya
C. Pakikipaglaban
D. A at B ay wasto
2. Alin ang hindi kabilang sa pangunahing layunin ng pagpapalaganap ng
edukasyon sa panahon ng mga Amerikano?
A. Pagpapalaganap ng demokrasya
B. Pagtuturo ng Wikang Ingles
C. Pagtuturo ng relihiyon ng Amerikano
D. Pagpapakalat ng kultura ng Amerikano
3. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng edukasyon sa mga Pilipino
maliban sa isa.
A. Natuto ng wikang Ingles
B. Naipadala sa Estados Unidos upang mag-aral ng libre
C. Nagkaroon ng mga unibersidad sa Pilipinas
D. Nahilig ang mga Pilipino sa mga produktong Amerikano
4. Ano ang ginawa ng mga Amerikano upang maipalaganap ang edukasyon?
A. Nagpatayo ng pantay ng bilang ng paaralan sa iba’t-ibang bayan
B. Sapilitan ang ginawang pagpapalista ng mga batang may sapat na taong
gulang.
C. Nagbigay ng libreng gamit sa mga bata upang mahikayat ang
magulang na magpaaral sa anak
D. Lahat Nang Nabanggit
5. Alin ang katotohanan sa mga pangyayaring naganap tungkol sa edukasyon sa
sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano?
A. Ang mga Thomasites ang unang guro ng mga kabataang Pilipino.
B. Ang mga Amerikanong sundalo ang unang guro ng mga mag-aaral na
Pilipino.
C. Ang mga Pensionado ang naging unang guro ng mga Pilipinong kabataan.
D. Ang mga Paring Amerikano ang nagturo sa mga mag-aaral na Pilipino

SUSI SA PAGWAWASTO
5. B 5. Di-katotohanan 5. Thomasites 5.
4. D 4. Katotohanan 4. Ingles 4.
3. D 3. Di-Katotohanan 3. University 3.
2. C 2. Katotohanan 2. Pensyonado 2.
1. D 1.Katohanan 1. Sundalo 1.

Panapos na Gawain C. B. A.

Pagsasanay:
William Walter Grayson 5.
Pagbaril ng sundalong Amerikano sa isang Pilipinong sundalo 4.
Emilio Aguinaldo 3.
Pasong Tirad, Ilocos Sur 2.
Pinangalagaan ang pagtakas ni Emilio Aguinaldo 1.
Paunang Gawain:

Sanggunian

A. Powerpoint Presentation
Santos , Mary Gabrielle, www.slideshare.net.com.ppt.presentation
B. Digitized Images
cbrainard.com.ph
Filipino scrbbles.wordpress.com
https://www.slideshare.net/GabbieAllTheWay7/edukasyon-noong-panahon-ng-
amerikano
https://ipba6fidelity20162ndmidtermallainekevinmartina.wordpress.com/2016/11
/09/mga-pagbabago-sa-edukasyon-sa-panahon-ng-mga-amerikano/
http://mattleephotography.blogspot.com/2012/10/re-history.html
https://philippines1900.tumblr.com/post/264595846/education-as-a-colonial-
tool

https://www.slideshare.net/TristanNavarrosa/impluwensya-ng-mga-amerikano
www.elaput.com
https://brainly.ph/question/911041
C. cartoon image
https://help.thesubservice.com/blog/how-to-become-a-substitute-teacher-in-
pahttps://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrxhWjHcvFeUBwATAXfSQx.;_ylu=X3oDM
TB0N2poMXRwBGNvbG8Dc2czBHBvcwMxBHZ0aWQDBHNlYwNwaXZz?p=cartoon+images

You might also like