You are on page 1of 4

Department of Education Division of Quezon

Panuto:Basahin nang tahimik ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel

SAKIT
ni: Maybel A. Astoveza
Pambansang Mataas na Paaralan ng Infanta

“Iuwi mo na lang ako sa atin. Hindi ako magpapaopera, ayaw kong


magpaopera. Hindi ako gagaling dito, walang sariwang hangin, lalo lang akong
magkakasakit,” wika ni Tatay Nilo sa kanyang bunsong anak.
Ito ang katwiran na lagi niyang naririnig sa kanyang tatay. May pera naman
sila para sa operasyon pero hindi niya makumbinsi ang kanyang tatay. Sinunod
na lamang ng anak ang kagustuhan ng kanyang tatay. Umuwi silang bitbit niya
ang pag-aalala ngunit katuwaan naman ito para sa kanyang ama. Tunay na
mahirap iwaglit ang nakasanayang buhay ng mga Pilipino.
Si Tatay Nilo ay tubong Infanta, Quezon. Siya ay masipag, matiyaga atmay
prinsipyo sa buhay. Pinalaki niyang maayos at magalang ang kanyang mga anak.
Sa kanyang pagtanda ay nagkaroon siya ng karamdaman. Dugo ang lumalabas sa
kanyang pag-ihi dahil namamaga ang kanyang prosteyt. Siya’y iniluwas agad sa
isa sa mga ospital sa Maynila.
Ayaw na niyang magpagamot sa doktor, pinilit na lamang ng kanyang mga
anak na siya’y pagalingin sa tulong ng mga halamang gamot sa paligid na
namana pa sa kanilang mga ninuno. Tulad ng ugat ng pako, dahon ng guyabano,
salay, at damong parang.
Isang patunay lamang na may mga bagay pa rin na mahirap bigyan ng
solusyon tulad ng iba’t ibang karamdaman o sakit. Ang sakit ay maaaring kritikal
at hindi kritikal. Ngunit sa mga mahihirap parehas itong dagok sa kanilang buhay.
Sadyang bahagi na ng buhay ang pagkakaroon ng sakit o karamdaman.

Baitang: 8
Bilang ng salita: 240

1
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong:

1. Batay sa teksto, saan gustong umuwi ng ama? (Literal)

A. probinsiya B. Maynila

C. pamilya D. magulang

2. Alin sa mga katangian ng ama ang hindi nabanggit sa teskto? (Literal)

A. matiyaga B. magalang

C. maaalalahanin D. masipag

3. Sa inyong palagay, ano ang naging sakit ng ama? (Literal)

A. Pamamaga ng prosteyt B. Matagal na paglabas ng ihi

C. Pag-ihi ng dugo D. Lahat ng nabanggit

4. Sa pagtanggi ng ama sa gaganaping operasyon, anong naging damdamin

ng anak dito? (Literal)

A. nag-alala B. nagalitt C. natuwa D. nainis

5. Batay sa teksto, anong kalagayan sa buhay ng pamilya ni Tatay Nilo?

(Paghihinuha)

A. mayaman B. mahirap

C. may kaya D. mahirap na mahirap

6. Bakit ayaw pumayag ng ama na operahan siya sa kanyang sakit?

(Paghihinuha)

A. walang tiwala sa doktor

B. mas naniniwala sa herbal na gamot

C. natatakot sa anumang mangyari

D. Aayaw ipagalaw ang loob ng katawan

7. Sa wakas ng teksto, gumaling ba ang ama sa kanyang sakit? (Paghihinuha)

A. Oo, dahil napilitan siyang magpaopera sa doctor


2
Department of Education Division of Quezon
B. Oo, dahil naging mabisa ang halamang gamot

C. Hindi, dahil walang bisa ang halamang gamot

D. Hindi, dahil malala na ito at hindi na kayang gamutin

8. Ano ang kaisipang nais ipahiwatig ng teksto sa mga mambabasa? (Kritikal)

A. Ang sakit ay ginagamot hindi binabalewala

B. Ang halamang gamot ay nakatutulong pa rin sa sakit

C. Mahirap iwaglit ang nakasanayang gawi ng mga Pilipino

D. Sa buhay ng tao maraming dumadating na problema

9. Sa paanong paraan masusuklian ng isang anak ang pagmamahal at

sakripisyo ng kanilang magulang? (Kritikal)

A. Alagaan ang magulang sa kanilang pagtanda

B. Sundin ang lahat ng kagustuhan ng magulang

C. Hayaan na lamang ang magulang sa kanilang desisyon

D. Ibili ng materyal na bagay na ikatutuwa ng magulang

10. Bakit ang ilang mga Pilipino ay patuloy na naniniwala sa natural na paraan

ng panggagamot? (Kritikal)

A. Nakasanayan na ito ng katawan ng mga Pilipino

B. Pinamulat ito sa atin ng mga ninunong Piipino

C. Wala itong halong kemikal

D. May sakit na hindi nadadala sa reseta ng doktor

3
Department of Education Division of Quezon

SAKIT
ni: Maybel A. Astoveza
Pambansang Mataas na Paaralan ng Infanta

Susi sa Pagwawasto

1. A
2. C
3. D
4. A
5. C
6. C
7. B
8. C
9. A
10. D

You might also like