You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
DIVISION OF DAVAO DEL SUR
DISTRICT OF SULOP
KIBLAGON ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6
SY: 2022-2023

Pangalan________________________________Baitang at Pangkat____________Iskor_____

PANUTO: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.Bilugan ang titik
ng iyong sagot.

Kapahamakan sa Kalusugan ng Processed Food

Mabilis ihanda ngunit mapanganib sa katawan. Ganito ilarawan ang Processed


Food na nagdudulot ng sakit sa katawan o maging kamatayan. Kahit sino naman
gusto ng mas konbinyenteng bagay lalo kung sa oras subalit hindi natin nakikita
ang mga negatibong maaaring idulot nito sa katawan at kalusugan.
Ayon kay Mark Lawrence, public health and nutrition professor, mataas ang
sugar, fat, at empty calories ng processed foods. Nagdadala ng sakit sa puso,
obesity, high blood pressure, cholesterol, cancer, depresyon at pagkamatay ang
labis na pagkonsumo nito.
Itinuturong dahilan kaya apektado ang kalusugan ang mga dinadagdag na
kemikal upang mapatagal ang expiration date nito at ang industrial processing na
nagiging dahilan ng pagbabago ng cellular structure ng mga pagkain.
Sa kasalukuyan, bilang na bilang sa kamay ang mga mag-aaral na may ulam
na lutong bahay na kung aalamin at susuriin masasabing kulang sa sustansya at
hindi nakabubuti sa kalusugan lalo na kung aaraw-arawin ito.
Palibhasa walang sapat na oras sa paghahanda ng pagkain, mas pinipili ng
mga magulang na ihain ang mga processed food gaya ng hotdog, tocino,
longganisa, at iba pa. Hindi na nila kilala ang mga gulay at mga isda na mas
malinamnam sanang kainin kaysa sa mga pagkain na puno ng preserbatibo at
hindi makabubuti sa kalusugan.
Kung panay processed food ang ihahain ng magulang, darami pa ang kaso ng
mga batang malnourished at obese dahil sa kakulangan ng nutrisyon sa mga
instant na pagkain. Mas bababa ang edad ng mga namamatay dahil sa hindi
magandang eating habits.
May oras pa, kaya pa namang mabago ang lifestyle na kinalakihan sa tamang
pagkain at nutrisyon. Kaya pang mapalakas ang mga katawan upang humaba pa
ang mga buhay. Paminsan-minsan, hindi naman masama kumain ng mga
processed food, dapat alam natin na hindi ito pagkain na inaaraw-araw. Mas
mainam pa rin ang pagkain ng lutong ulam na walang preserbatibo at mayroong
natural na sangkap na punong-puno ng nutrisyon.

1
1. Tungkol saan ang nabasang teksto?
A. pagpapalakas ng katawan
B. nutrisyong nakukuha sa tamang pagkain
C. batang kulang sa sustansiya ang kinakain
D. kapahamakan sa kalusugan ng processed food

2. Sino ang public health and nutrition professor na nagpahayag na masama ang labis
na pagkain ng processed food sa katawan?
A. Mark Bautista C. Mark Lawrence
B. John Lawrence D. John Mark Lawrence

3. Alin ang halimbawa ng isang processed food?


A. gulay C. manok
B. itlog D. hotdog

4. Ano-anong sakit ang makukuha sa labis na pagkain ng processed food?


A. Cancer C. highblood pressure
B. sakit sa puso D. lahat ng nabanggit

5. Kailan dapat kainin ang processed food?


A. lagi-lagi C. maya-maya
B. araw-araw D. paminsan-minsan

6. Ayon sa teksto, paano tumatagal ang expiration date ng processed food?


A. nilalagyan ito ng asin C. nilalagyan ito ng asukal
B. binibilad ito sa araw D. nilalagyan ito ng kemikal

7. Bakit karaniwang inihahanda ang processed food?


A. Nagpapalusog ito ng katawan.
B. Mas mura ang mga pagkaing ito.
C. Masarap ito at paborito ng mga bata.
D. Mabilis itong ihanda lalo na kung kulang sa oras.

8. Ano ang maaaring mangyari kung palaging ihahain ng mga magulang ang processed
food sa kanilang anak?
A. darami ang kaso ng batang obese C. letrang A at B
B. darami ang kaso ng batang malnourished D. wala sa nabanggit

9. Bakit mas mainam na ihain ang pagkaing walang preserbatibo?


A. Mas madali itong lutuin.
B. Ito ang payo ng mga doctor.
C. Maraming nabibili nito sa pamilihan.
D. May natural na sangkap na punong-puno ng nutrisyon.

10. Ano ang tawag natin sa mga sumusunod na makikita natin sa silid aklatan?

2
A. mga aklat C. kagamitang panturo
B. Ensiklopedya D. pangkalahatang sanggunian

11. Anong sanggunian ang gagamitin mo kung nais mong makuha ang detalyadong
impormasyon tungkol sa anyong tubig at anyong lupa?
A. Atlas C. Diksiyonaryo
B. Almanac D. Ensiklopedya

12. Anong uri ng sanggunian ang Tesawro?


A. Talaan ito ng mga salitang may kahulugan.
B. Nagtataglay ito ng kasingkahulugan at mga kaugnay na konsepto ng mga salita.
C. Nagtataglay ito ng mapang nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng lugar.
D. Taunang aklat na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang
bansa sa loob ng isang taon.

13. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan?


A. Sa palagay ko ay uulan mamayang hapon.
B. Matatagpuan sa probinsiya ng Davao del Sur ang Digos City.
C. Siguro nagbabad ka na naman sa ulan kaya ka nagkasakit.
D. Sa palagay ko dapat tayong kumilos ng sama-sama upang malutas natin ang
problema sa basura.

14. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng opinyon?


A. Sa tingin ko ay papasa ako sa aking pagsusulit.
B. Ang kalabaw ay katuwang ng magsasaka sa bukid.
C. Ang mga Kristiyano ay naniniwalang walang imposible kung sa Panginoon
magtitiwala.
D. Ang ahensiya ng DOH ay ginagawa ang kanilang tungkulin upang malampasan
natin ang pandemyang ito.

15. Si Jayson ay ____________________. Anong parirala ang bubuo sa pangungusap?


A. masunurin bata C. masunurin ng bata
B. masunuring bata D. masunuring ng bata

16. Binigyan ka ng takdang-aralin ng iyong guro patungkol sa kung kailan


magkakaroon ng meteor shower sa taong ito. Anong sanggunian ang dapat mong
gamitin?
A. atlas C. almanac
B. internet D. pahayagan

17. Lumikha ng pangungusap batay sa sitwasyon. Gawing batayan ang uri ng


pangungusap na nasa panaklong.

Ibabalita mo sa iyong magulang na nakakuha ka


ng mataas na marka sa pagsusulit. (pasalaysay)

A. Nay, mataas ba ang nakuha kong marka?


B. Yeheey, mataaas ang nakuha kong marka!
C. Inay, mataas po ang nakuha kong marka sa pagsusulit.
D. Mag-aaral ako nang mabuti upang makakuha ako ng mataas na marka.

3
18.
Uutusan mo ang iyong nakababatang kapatid
na iligpit ang kanyang mga laruan. (pautos)

A. Naku, nagkalat ka na naman!


B. Bakit nakakalat na naman ang mga laruan dito?
C. Nagalit ako kanina dahil nagkalat ang mga laruan ni Tommy.
D. May bisita akong darating kaya Tommy iligpit mo ang iyong mga laruan.

19. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
Anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap?
A. ng C. maraming
B. ang D. sakaling

20. Nakatakda siyang umani ng tagumpay (A. habang B. kapag C. sakaling D.


kahit na) maraming naninira sa kanya.

21. Piliin sa ibaba ang tamang argumento sa pahayag na ito:

Digos Water District may bawas singil sa Enero

A. Makababawas ng bayarin.
B. Laking tulong ito sa mahihirap lalo na’t kinakapos sa pangangailangan.
C. Tama lamang na bumaba ito dahil maraming mga tao ang naghihikahos sa
buhay.
D. Lahat ng nabanggit.

22. Hinanap nila si Juan. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang “hinanap”.
A. unlaping in- C. hulaping -in
B. gitlaping -in- D. kabilaang in-/-in

23. Umuwi ng bahay si Juan. Ano ang salitang ugat ng salitang umuwi?
A. umu B. muwi C. uwi D. umuwi

24. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang pagsumikapan?


A. unlapi C. kabilaan
B. gitlapi D. laguhan

25. “Huwag mo nang uulitin iyon, Henry, _______________ lalayo na ako sa iyo,” sabi ng
kaniyang kaibigan.
A. at C. kundi
B. nang D. gayunpaman

26. Nalungkot ako ______________ nalaman kong nagsisinungaling sa akin ang matalik
kong kaibigan.
A. o C. pero
B. nang D. subalit

4
27. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong
gagawin?
A. Hahayaan ang bata sa paglalakad
B. Ihahatid sa kanyang mga magulang.
C. Isusumbong sa kapitan ng barangay.
D. Tatanungin ang pangalan ng bata at kung taga-saan siya.

28. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?


A. Mag-aaral palagi. C. Matulog nang maaga.
B. Mangopya sa katabi. D. Uminom ng maraming vitamins na pampatalino

29. Ang bata___ inaantok ay humiga sa malambot _____ unan. Anong wastong pang-
angkop ang dapat ilagay sa puwang?
A. na-----ng C. g------na
B. ng-----na D. na-----g

30. Ibigay ang buod ng talata 5 ng iyong binasang sanaysay.

A. Palibhasa walang sapat na oras sa paghahanda ng Palibhasa


pagkain, mas pinipili ng mga magulang na ihain ang mga walang
processed food gaya ng hotdog, tocino, longganisa, at iba pa. sapat na
Hindi na nila kilala ang mga gulay at mga isda na mas oras sa
malinamnam sanang kainin kaysa sa mga pagkain na puno
ng preserbatibo at hindi makabubuti sa kalusugan.
paghahanda ng pagkain, mas pinipili ng mga magulang na ihain ang mga
processed food gaya ng hotdog, tocino, longganisa, at iba pa.
B. Hindi na nila kilala ang mga gulay at mga isda na mas malinamnam sanang
kainin kaysa sa mga pagkain na puno ng preserbatibo at hindi makabubuti sa
kalusugan.
C. Mas pinipili ng mga magulang na ihain ang mga processed food dahil madali
itong ihanda kaysa sa mga masusustansiyang pagkain.
D. Palibhasa walang sapat na oras sa paghahanda ng pagkain, mas pinipili ng
mga magulang na ihain ang mga processed food gaya ng hotdog, tocino,
longganisa, at iba pa. Hindi na nila kilala ang mga gulay at mga isda na mas
malinamnam sanang kainin kaysa sa mga pagkain na puno ng preserbatibo at
hindi makabubuti sa kalusugan.

You might also like