You are on page 1of 13

MORPOLOHIYANG

PILIPINO
M O R PO LO H I YA
(PALABUUAN)

• Ang morpolohiya ay isang bahagi ng


linggwistika na nagsusuri sa kahalagahan ng
morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga
ito upang makabuo ng salita.
MORPERMA

• Galing ang salitang morpema sa katagang


morpheme sa ingles na kinuha naman sa salitang
griyego – morph (anyo o yunit) + eme
(kahulugan). Ang dalawang salitang ito’y ating
panghiram ng wika.
Uri ng Morpema

• 1. Malayang Morpema (Free Morpheme) –


tumutukoy ito sa mga salitang nakakatayong
mag-isa at may kahulugan.
• 2. Di – Malayang Morpema (Bound Morpheme)
tinatawag ding morpemang gramatikal ang mga di–
malayang morpema sapagkat nagkakaroon ng
pagbabagong anyo ang salitang–ugat sa kanyang
istraktura at nagpapahiwatig din ng bagong kahulugan.
Kung ganon, ang di–malayang morpema ay binubuo ng
mga panlapi at mga salitang–ugat.
• Halimbawa:
Masdan ang mga panlaping ikinabit na nagbibigay ng kahulugan sa
salitang – ugat na tabas.

Unlaping mag + salitang – ugat = magtabas


Gitlaping um + salitang – ugat = tumabas
Hulaping in + salitang – ugat = tabasin
• 3. Leksikal na Morpema – ito ang mga pagkakataon na pinagsasama
ang mga malaya at di – malayang morpema na nagbubunga ng
panibagong anyo ng salita gayundin sa kahulugan.

Halimbawa:
Ang katagang likhain ay binubuo ng salitang – ugat na likha at hulaping [ -in ].
Kapag ito’y kinabitang ng ma [ -in ] na isa isang malayang morpema, ito’y
magkakkaroon ng panibagong kahulugan.
Bagong morpema: malikhain
Ang likhain ay isang pandiwa; ang malikhain ay isang pang – uri.
• 4. Gramatikal na Morpema
–tulad ng mga salita, inaayos ayong sa panuntunang
panggramatika, ang mga pinagsamang mga salita’y
nagkakaroon ng malinaw na kahulugan. Sa kayarian ng
morpemang gramatikal, ang mga salita’y
nagpagsusunud-sunod sa tulong ng mga pangatnig at
mga pang–ukol upang madaling maintindihan.
Halimbawa:

lumikha ng kaguluhan sa Gulpo ng


mga Iraqi.
5. Infleksyonal na Morpema
– maliwanag sa aklat nila Franklin at Rodman
(1978: 153) ang katergoryang morpemang infleksyonal bilang
paggamit ng
mga morpemang panlapi sa pandiwang pamanahon o aspekto ng
pandiwa na
hindi kakikitaan ng pagbabago sa kategoryang sintaktika ng mga
salita o morpema kung saan sila nakakabit. Ang mga sumusunod ay
paglalarawan ng
kaayusan ng morpemang infleksyonal.
Halimbawa:
a. Nagmakinilya siya.
Ipinababatid ng pandiwang nagmakinilya ang aksyon ay nakaraan
na o nasa aspektong pangnagdaan.
b. Nagmamakinilya siya.
Ang pandiwa na nagmamakinilya ay nsgbabadya na patuloy ang
aksyon o nasa aspektong pang kasalukuyan.
c. Magmamakinilya siya.
Ang pandiwa na magmamakinilya ay nagpapahiwatig ng aksyong
gagawin pa o nasa aspektong panghinaharap.
Sa lahat ng kayarian ng pangungusap sa itaas, mapapansing walang
pagbabagong leksikal na naganap manapa’y nakatupad pa sa hinihingi ng
sintaktikang
kaayusan
6. Derivasyonal na Morpema
– nagkakaroon ng morpemang derivasyonal
kapag ang alinmang uri ng morpema o salitang kinakabitan ng
ibang
morpema ay nagbabago ng uring panggramatika. Nagbabago
rin ang
kahulugan sa pagbabago ng nabuong salita.
Halimbawa:
a. awit (song) - mang – await (singer)
b. sulat (letter) - manunulat (writer)
c. dula (drama) - mandudula (playwright)

Iba pang halimbawa: kapon (castrated)


a. Kapon = pang uri
b. Mangangapon = pangngalan
c. Kininakapon = pandiwa

You might also like