You are on page 1of 17

MORPOLOHIYA

MORPOLOHIYA

• Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng makabuluhang kahulugan


ng isang salita, sa pamamagitan ng pinagsasamang tunog.
• Morpema ang pinakamaliit nay unit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan. Ang morpema ay galing sa salitang
griyego na “morph” na nagangahulgang anyo o yunit at “eme”
na ang ibig sabihin ay kahulugan.
MGA URI NG MORPEMA
MALAYANG MORPEMA
• Tumutukoy sa mga salitang nakatatayong mag-isa at may kahulugan. Kapag
hinati ang salita, masisira o mawawala ang kahulugan.
• Tinatawag ding mga salitang-ugat ang mga malayang morpema.

Halimbawa:
Aklat Tama Puso
Sulat Puno Mali
DI-MALAYANG MORPEMA

• Tinatawag ding morpemang gramatikal ang mga di-malayang morpema


sapagkat nagkakaroon ng pagbabagong-anyo ang salitang-uagat sa
kanyang istraktura at nagpapahiwatig din ng bagong kahulugan.
• Kung gayon tinatawag na di-malayang morpema ang mga panlapi dahil
ang mga panlapi dahil ang mga ito ay di nakakatayo nang nag-iisa
subalit nagtataglay ito ng sariling kahulugan
Halimbawa:
Panlapi salitang-ugat bagong salita

Um- + inom = uminom


Ma- + saya = masaya

Di-malayang morpema + Malayang morpema = Leksikal na


Morpema
LEKSIKAL NA MORPEMA

• Ito ay pinagsama-samang malayang morpema at di-malayang morpema


na nagbubunga ng panibagong anyo ng salita gayundin ang kahulugan.

Halimbawa:
Ang salitang AGAWAN ay binubuo ng malayang morpema na agaw
(salitang-ugat) at hulaping (-an) na tinatawag na di-malayang morpema.
Ang /agaw/ ay nangangahulugang pagkuha

Ang /-an/ ay nangangahulugang pagganap ng kilos

Kung gayon ang agawan ay ang pagkuha ng isang


bagay sa tao.

Kapag kinabitan naman ng /ma-/ isang di-malayang morpema

ang maagawan ay nangangahulugang sa taong nakukuhaan


ng isang bagay.
GRAMATIKAL NA MORPEMA
• Tulad ng mga salita, inaayos ayon sa panuntunang panggramatika ang
mga pinagsamasamang salita kaya nagkakaroon ng malinaw na
kahulugan.
• Sa morpemang gramatikal ang mga salita’y nagsusunod-sunod sa tulong
ng mga pangatnig, pang-ukol o pang-abay sa loob ng mga salita sa
isang pangungusap.
Halimbawa:
Naagawan ng bag ang babaeng naglalakad sa daan.

/ng/ /ang/ at /sa/


Halimbawa:
Naagawan bag babaeng naglalakad daan.

Makikita na kung ang mga salitang may kahulugan tulad ng nasa


itaas ang nagsama-sama ay wala itong malinaw na kahulugan.
Subalit kapag ikinabit ang mga salitang walang
tiyak na kahulugan tulad ng:

/ng/ /ang/ at /sa/

ay magiging ganap ang mabubuong


pangungusap.
INFLEKSYUNAL NA MORPEMA
• Sa aklat nila Franklin at Rodman (1978), sinasabing ang morpemang
infleksyunal ay ang paggamit ng mga morpemang panlapi sa pandiwang
pamanahon o aspekto ng pandiwa.
• Nangangahulugang hindi kakikitaan ng pagbabago sa kategoryang
sintatik ng mga salita o morpema kung saan sila nakakabit kundi sa
pamanahon o aspekto lamang.
Tingnan ang mga pangungusap sa ibaba na naglalarawan ng kaayusan ng
morpemang infleksyunal;

Tumawa si Kathleen Claire

Tumatawa si Kathleen Claire

Tatawa si Kathleen Claire


Sa unang pangungusap ipinahihiwatig sa pandiwang (tumawa)
ang kilos na nasa aspektong perpektibo o natapos ng gawin.

Tumawa si Kathleen Claire


Sa pangalawang pangungusap naman, ang pandiwang (tumatawa)
ay nasa aspektong imperpektibo na nagsasabi na patuloy pang
ginagawa ang kilos.

Tumatawa si Kathleen Claire


Ang pangatlong pangungusap ay nagpapahiwatig ng na ang
pandiwang tatawa ay gagawin o nasa aspektong kontemplatibo.

Tatawa si Kathleen Claire

Mapapansin walang pagbabagong leksikal na naganap pangungusap sa


itaas kundi ito ay nakatupad pa sa hinihingi ng sintaktikang kaayusan.

You might also like