You are on page 1of 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

ARALIN 13.2
Morpolohiya
Talaan ng Nilalaman

Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Morpema 4
Mga Uri ng Morpema 4
Mga Anyo ng Morpema 5
Pagbabagong Morpoponemiko 6

Sagutin Natin 8

Subukan Natin 8

Isaisip Natin 9

Pag-isipan Natin 9

Dapat Tandaan 10

Mga Sanggunian 10
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

Aralin 13.2
Morpolohiya

Lar. 1. Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng pagbubuo ng mga salita.

Introduksiyon
Kapag ponema ng wika ang pinag-aaralan, ponolohiya ang pag-aaral sa wika. Kapag
morpema naman ang paksa, morpolohiyang mga salita ang pag-aaral sa wika. Sa pag-aaral
ng morpolohiya, malalaman natin ang mga morpema ng Filipino.

Saklaw ng araling ito ang pag-aaral ng mga uri at anyo ng morpema, gayundin ang
pagbabagong morpoponemiko.

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang natatalakay mo ang mga estruktura ng mga salita at
ang relasyon nito sa iba pang salita.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang mga angkop na salita,
pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa
radyo at telebisyon (F11PN – Ild – 89).

Simulan

Punan ang Patlang

Mga Panuto
1. Punan ang mga patlang ng mga salitang bubuo sa diwa ng talata tungkol sa
ponolohiya at morpolohiya.
2. Sagutin ang mga gabay na tanong.
3. Maghandang basahin nang malakas ang mabubuong talata.

Kapag __________ ng wika ang pinag-aaralan, ponolohiya ang pag-aaral sa wika.


Ang ponema ay ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang __________ ng isang
__________ .

2
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

Kapag morpema naman ang paksa, __________ ng mga salita ang pag-aaral sa
wika. Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga __________ at ang relasyon nito
sa iba pang mga __________. Bawat salita ay binubuo ng __________, ang
pinakamaliit na yunit na bumubuo sa salitang may taglay na kahulugan.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang ponolohiya?
2. Ano ang morpolohiya?
3. Ano ang kaugnayan ng ponolohiya sa morpolohiya?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
● Ano ang morpolohiya?
● Ano ang morpema?
● Paano maaaring nagbabago ang anyo ng morpema sa isang salita?

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng estruktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba
pang salita sa wika. Ito ay ang palabuuan ng mga salita. Sa pag-aaral ng morpolohiya,
malalaman natin ang mga morpema ng Filipino.

Alamin Natin
paraluman dalaga; musa; diwata

ilapi isama; idagdag

3
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

kahulugang leksikal kahulugan sa diksiyonaryo

Morpema
Bawat salita ay binubuo ng morpema, ang pinakamaliit na yunit na bumubuo sa salitang
may taglay na kahulugan.

Halimbawa:
Ang salitang mayaman ay may dalawang morpema (ang panlaping “ma-“ at ang salitang-
ugat na “yaman”). Taglay ng “ma-“ ang kahulugang “pagkamayroon” o “pagiging marami.”

Kung gayon, ang salitang mayaman ay may kahulugang “maraming yaman.”

Mga Uri ng Morpema


May iba't ibang uri ng morpema na may kani-kaniyang katangian at gamit.

1. Malaya - Ang malayang morpema ay mga salitang may sariling kahulugan na hindi
na maaaring hatiin. Ito ay mga salitang-ugat o tinatawag ding payak ang anyo o
kayarian dahil may taglay itong tiyak na kahulugan.

Halimbawa:
● paraluman
● dag-im (maitim na papawirin at babagsak nang ulan)
● lawas (katawan)

2. Di-malaya - Ang morpemang di-malaya ay mga salitang binubuo ng salitang-ugat at


panlapi. Kinakailangan pa itong ilapi sa ibang morpema upang magkaroon ng iba
pang kahulugan.

4
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

Halimbawa:
● bentahan (benta + -han)
● panlipunan (pan- + lipon + -nan)
● mabangis (ma- + bangis)

Mga Anyo ng Morpema


Bukod sa uri, ang morpema ay mayroon ding iba't ibang anyo.

1. Morpemang kataga - may iisahing pantig at walang sariling kahulugan, maliban


kung kasama sa pangungusap.

Halimbawa:
● po ● ha ● nga
● ba ● na ● raw

2. Morpemang salitang-ugat at panlapi - itinuturing na pinakaina ng mga salita ang


salitang-ugat. Sa anyong ito, nagtataglay ng kahulugang leksikal ang salitang-ugat at
nagbibigay ang panlapi ng ibang kahulugan sa salitang-ugat.

Halimbawa:
● Salitang-ugat: am (sabaw ng sinaing), patpat, kordon
● Panlapi: lutuan (makangalan), matao (makauri), ipanghiram (makadiwa)

3. Morpemang ponemang /O/ at /A/ - ang anyong ito ay nagbibigay ng kahulugang


pangkasarian, babae o lalaki. Ito ay nagagamit nang limitado sa ilang piling sitwasyon
lamang.

Halimbawa:
● maestro, maestra
● abogado, abogada

5
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

● katipunero, katipunera

Pagbabagong Morpoponemiko
Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang pagbabago sa anyo ng morpema, dahil sa
impluwensiya ng kaligiran nito. Pag-aralan ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko:

1. Asimilasyon - may pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil naaasimila o


nagagaya ng isang morpema ang tunog ng katabing morpema. Ito ay may dalawang
uri.

Talahanayan 1: Di-ganap at ganap na asimilasyon

Di-ganap Ganap

may karaniwang pagbabagong nagaganap bukod sa pagbabagong nagaganap sa


lamang sa pailong na /ŋ/ sa posisyong ponemang /ŋ/ ayon sa puntong artikulasyon
pinal ng isang morpema ng kasunod na tunog, nawawala rin ang
unang ponema ng nilalapiang salita

Halimbawa: Halimbawa:
● pangbata → pambata ● pangbato → pambato → pamato
● pangretoke → panretoke ● pangsayaw → pansayaw → panayaw
● pangradyo → panradyo ● pangtahi → pantahi → panahi

Nagiging tunog pangngipin na pan- ang pang- kapag naisama sa mga salitang
nagsisimula sa /d/, /l/, /r/, /s/, at /t/.

2. Pagpapalit ng ponema - sa uring ito ay napapalitan ang ponema sa loob ng salita.

6
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

Halimbawa:
● ka- + bukid + -an → kabukidan → kabukiran (ang /d/ ay nagiging /r/)
● tawa + -han → tawahan → tawanan (ang /h/ ay nagiging /n/)
● biro + -in → biroin → biruin (ang /o/ ay nagiging /u/)
● ka- + babae + -han → kababaehan → kababaihan (ang /e/ ay nagiging /i/)

3. Pagkawala ng ponema - sa uring ito ay may nawawalang ponema sa loob ng salita.

Halimbawa:
● kuha + -nan → kuhanan → kunan (nawala ang ponemang ha)
● kitil + -in → kitilin → kitlin (nawala ang ponemang i)
● tupad + -in → tupadin → tupdin (nawala ang ponemang a)

4. Metatesis – nagkakapalitan ng posisyon ang mga ponema, kung minsan, may


nawawala pa.

Halimbawa:
● tanim + -an → taniman → tamnan
● yari + -in → yariin → niyari
● atip + -an → atipan → aptan

5. Paglilipat-diin - Sa ganitong uri, may mga salitang nagbabago ng diin kapag


nilalapian.

Halimbawa:
● luto /luTO/ (to cook)
● lutuan /lutuAN/ (place for cooking)

Tandaan, mahalagang maunawaan natin ang estruktura ng mga salita at ang relasyon nito
sa iba pang salita. Dahil dito, higit nating maiintindihan ang kahulugan at mensahe ng salita

7
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

o wika.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang morpolohiya?
2. Anong uring asimilasyon ang nagaganap sa sa pagbabagong morpoponemiko? Bakit
nagkakaroon ng pagbabago sa isang morpema?
3. Bakit mahalagang maintindihan ang estruktura at relasyon ng mga salita?

Subukan Natin
Ibigay ang hinihinging sagot.

A. Dalawang uri ng morpema :


1. ____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________

B. Tatlong anyo ng morpema:


3. ____________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
5. ____________________________________________________________

C. Limang uri ng pagbabagong morpoponemiko:


6. ____________________________________________________________
7. ____________________________________________________________
8. ____________________________________________________________
9. ____________________________________________________________

8
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

10. ____________________________________________________________

Isaisip Natin
Bakit mahalagang pag-aralan ang morpolohiya?

Pag-isipan Natin
Gamit ang gabay sa ibaba, talakayin ang estruktura ng salitang nakadiin at ang relasyon nito
sa iba pang salita sa pangungusap.

Balang araw, nais kong makamtan ang tamis ng tagumpay ng aking


pagpupursigi sa kasalukuyan.

1. Ilan ang morpema ng salitang nakadiin?


2. Anong uri ng morpema?
3. Anong anyo ng morpema?
4. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap? Ipakita.
5. Gamit ang context clues, ano ang kahulugan?

Dapat Tandaan

● Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga salita.

9
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 13: Kakayahang Lingguwistiko

● Tinatawag na morpema ang ang pinakamaliit na yunit na bumubuo sa salitang may


taglay na kahulugan. Ang bawat saltia ay binubuo ng morpema na maiuuri sa dalawa:
malaya o di-malaya.
● Ang tatlong anyo ng morpema ay mga kataga, salitang-ugat at panlapi, o
ponemang /o/ at /a/.
● Ang pagbabago sa anyo ng morpema ay maaaring sa bisa ng asimilasyon,
pagpapalit ng ponema, pagkawala ng ponema, metatesis, o paglilipat-diin.

Mga Sanggunian
Arrogante, Jose A., Lakandupil C. Garcia, Myrna A. Torreliza, at Angelica H. Ballena. 2007.
Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mandaluyong City: National Book
Store.

Alcaraz, Cid et. al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik. Quezon City: Educational Resources
Corporation.

Villafuerte, Patrocinio V. et. al. 2005. Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1. Quezon City:
Lorimar Publishing Co. Inc.

Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. 2013. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.

10

You might also like