You are on page 1of 16

Monolinggwalismo,

Bilingwalismo at
Multilingwalismo
LAYUNIN

• Natutukoy ang mga kahulugan at


kabuluhan ng mga konseptong
pangwika
Pangganyak
Panuto: Itapat ang mga termino sa Hanay A sa mga kahulugan nito sa
Hanay B. Isulat lamang ang titik ng inyong sagot

Hanay A Hanay B
   

1. Wika A. makaagham na pag-aaral ng mga morpema o


pagbuo ng salita.
2. Ponema B. pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog
3. Morpema C. Makaagham na pag-aaral ng mga ponema.
D. makaagham na pag-aaral o pagbuo ng mga
4. Morpolohiya pangungusap.
5. Sintaksis E. makabuluhang pagsasama ng mga tunog/maliit
 
na yunit ng salita.
F. isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.
“Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o
pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique
o natatangi lamang sa tao. Ang pagkamalikahain ng
wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at
walang sa ibang nilalang tulad ng mga hayop”
Monolingwalismo

• Ito ang tawag sa pagpapatupad ng isang


wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa
mga bansang England, Paransya, South
Korea, Hapon at iba pakung saan iisang wika
ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng
larangan o asignatura.
Monolingwalismo
• Ayon kay Richards at Schmidt (2002), ang monolingguwal ay
isang indibiduwal na may iisang wika lamang ang nagagamit.
• Sa isang bansa o nasyon, kung ito ay isang monolingguwal
bansa nangangahulugang iisang wika ang umiiral bilang wika ng
komersiyo, negosyo atpakikipagtalastasan sa pangaraw-araw na
buhay ng mamamayan nito.Bukod rito,ang gagamiting wikang
panturo sa lahat ng asignatura o larangan ay iisang wika.
Bilingwalismo
Bloomfield
• Ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang
wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
Macnamara
• Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan isa sa apat na
makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang
unang wika.
Bilingwalismo

• Weinrich
•Ang paggamit ng dalawang wika nang
magkasalitan ay tinatawag na bilingguwalismo
at ang taong gumagamit nito ay bilingguwal.
Balanced Bilingual

Nagagamit ang ikalawang wika ng matatas


sa lahat ng pagkakataon at nagagamit ng
mga bilingguwal ang dalawang wika ng
halos hindi na matutukoy kung alin sa
dalawa ang una at ikalawang wika.
Bilingwalismo sa Wikang Panturo

• “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng


mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t
hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas” -
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng
1973
Multilingwalismo

• Ang Multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan


ng isang tao o indibidwal na makaunawa at
makapagsalita ng ng iba’t-ibang wika.  Alam nyo ba na
ayon kay Stavenhagen ay iilan lamang daw sa buong
mundo ang monolinggwal, Ibig Sabihin lamang nito na
mas laganap ang mga lipunan na multilinggwal at kung
hindi man ay bilinggwal.
Multilingwalismo

• Base rito, maaaring tawaging mulitilingguwal ang


isang tao kung siya ay may kakayahang makapagsalita
ng dalawa o higit pang wika ng hindi sinusukat ang
kanyang kasanayan at kagalingan sa mga wikangito na
kanyang sinasalita. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa
kakayahan ng isang indibiduwal na magsalita ng isang
wika kung hindi sa kakayahan rin nitong makaunawa.
Gawain 1
Panuto: Gamit ang salita sa unang Hanay ay isulat sa ikalawa at ikatlong hanay ang alam mong salin nito.
Halimbawa: Mahal – Love – Iddu (Ivanag)

Unang Wika Ikalawang Wika Ikatlong Wika

   
1. Ama
   
1. Ina
   
1. Paaralan
   
1. Pagsasaliksik
   
1. Kaibigan
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na magpapakita ng iyong
karanasan kung saan ay epektibo mong nagamit ang Wikang alam
mong gamitin maliban sa iyong unang wika. Ipaliwanag din ang
naging kabuluhan nito sa iyo. Sundan ang pamantayan sa ibaba.

Maayos na naibabahagi ang naranasang pangyayari at


naisusulat ito ng malinaw
Ang sanaysay ay dapat na binubuo ng hindi bababa sa 3
talata at bawat talata ay nagtataglay ng hindi bababa sa 5
pangungusap
Naipapakita ang kabuluhan ng pagkaalam sa dalawa o
higit pang wika base sa karanasan
Pagtataya
Panuto: Piliin sa kahon ang kasagutan na hinihingi sa bawat bilang.

Monolinguwalismo
Multilingguwalismo
Balanced Bilingual
Bilingguwalismo
Bloomfield
Macnamara
Chomsky
• ___________1. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa tulad ng
isinasagawa sa mga bansang England, Paransya, South Korea, Hapon at iba pakung saan iisang
wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
• ___________2. tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at
makapagsalita ng ng iba’t-ibang wika.
• ___________3. Ito ay nangangahulugan na nagagamit ang ikalawang wika ng matatas sa lahat
ng pagkakataon at nagagamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika ng halos hindi na
matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ikalawang wika.
• ___________4. Sinong dalubwika ang nagpahayag na Ang bilingguwal ay isang taong may sapat
na kakayahan isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.
• ___________5. Sinong Dalubwika ang nagpahayag na ang bilingguwalismo bilang paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.

You might also like