You are on page 1of 2

Francis Macabalos Panis

BSCpE 1A
Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Takdang Aralin

1. "MGA BARAYTI NG WIKA"

May ibat-ibang uri ng wika. Ito ay mga sumusunod;

• Sosyolek - barayti ng wika na batay sa katayuan ng spiker sa lipunan o sa grupo na kaniyang


kinabibilangan.

• Creole - ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging
likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad.

• Homogenous - ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti.

• Pidgin - barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag usap
subalit pareho silang may unang pinagkaibang wika at di nakakaalam sa wika ng isa't isa.

• Heterogenous - katangian ng wikang nagpapakitang ito'y hindi maaaring maging puro


sapagkat bawat wika ay binubuo ng ibat ibang barayti.

• Register - ito ang barayti ng wika kung naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit depende sa sitwasyon at kausap.

• Gay Lingo - lingguwage ng mga bakla o beki. Isang halimbawa ng grupo na nais mapanatili ang
kanilang pagkakakilanlan kaya binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita.

• Coño - isang baryant ng taglish.

•Idyolek - barayti na tumutukoy sa pansariling paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Dito


lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.

• Dayalek - isang barayti ng wika ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. Maaring gumamit ang
mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit nag-iiba ang punto o tono.

• Etnolek - barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo.


2. "KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKA"

Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog . Ang mga
tunog na ito ay tinatawag na ponema na matatalakay pa ng higit sa mga ka sunod na pahina.

1. Ponolohiya

Ang ponema ay tumutukoy sa mga makhulugang tunog ng isang wika. Ang makaagham na pag-
aaral nito ay tinatawag namang ponolohiya.

May dalawmpu't isang (21) ponema ang wikang Filipino, labing-anim (16) ang katin ig at lima
(5) naman ang patinig. Ang mga katinig ay ang mga sumusnod: /p,b,m,t ,d,n,s,l,r,y,k,g,n,ng,w,/.
Ang katinig naman ay ang /i,e,a,o,u,/.

2. Morpolohiya

Tumutukoy ang morpolohiya sa makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang


salita o morpema. Ang morpema ay maaring isang ponema.Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na
sa ating wika ay maaring mangahulugan ng kasarian.

Halimbawa:

Maestro Maestra

Paolo Paola

Abogado Abogada

Tindero Tindera

3. Sintaksis

Kumbinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at ang pagsasama-sama ng mga
pararilalang ito upang makabuo ng pangungusap. Maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
posible namang mauba ang panaguri sa paksa. Sa pinaikling salita, ito ay pag-aaral sa istruktura
ng pangungusap.

Halimbawa:

• Mataas ang puno.

• Ang puno ay Mataas.

You might also like