You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS


LAOANG KAMPUS
Laoang, Hilagang Samar

Paksa : MORPOLOHIYA
Tagapag-ulat : Dula, Natalie A.
Gines, Jamaica P.
Asignatura : Fil 104 – Estruktura ng Wikang Filipino
Akademikong Taon : Ikalawang Semestre, 2022 – 2023
Instruktor : G. Jovan A. Giray

ANO ANG MORPOLOHIYA?


• Ito ay ang tinatawag natin na pag-aaral ng estruktura at pagkakabuo ng isang salita.
• Ito ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita.

URI NG MORPEMA BATAY SA WIKANG FILIPINO

1. MORPEMANG PONEMA

• Nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa pandagdag ng ponemang /a/ at /o/.

Halimbawa:

• Gobernador = Gobernadora

• Kapitan = Kapitana

• Konsehal = Konsehala

2. MORPEMANG PANLAPI

• Ito ay uri ng morpema na dinurugtong sa salitang-ugat na maaaring makapagpabago ng


kahulugan ng isang salita.

Halimbawa:

MORPEMANG PANLAPI SALITANG-UGAT BAGONG


MORPEMA

Ma- Bait Mabait

-an Aklat Aklatan


5 URI NG PANLAPI

UNLAPI

• Ito ay matatagpuan sa unahang bahagi ng salitang ugat.

Halimbawa

• Nagsikap

• Uminom

• Maglakad

GITLAPI

• Ito ay matatagpuan sa gitang bahagi ng salitang ugat.

Halimbawa:

• Sumikap

• Tumulong

• Kumain

HULAPI

• Ito ay matatagpuan sa hulihang bahagi ng salitang ugat.

Halimbawa:

• Kainan

• Sikapin

• Bitawan

KABILAAN

• Ito ay matatagpuan sa unahan at hulihan ng salitang ugat.

Halimbawa:

• Magbahayan

• Pagsikapan

• Magtawanan

LAGUHAN

• Ito ay matatagpuan sa unahan, gitna, at hulihang bahagi ng salitang ugat.

Halimbawa:

• Pagsumikapan
• Magdinuguan

3. MORPEMANG SALITANG-UGAT

• Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na anyo ng isang salita.

Halimbawa:

• Sayaw

• Sulat

• Sipag

• Ganda

2 URI NG MORPEMA BATAY SA KAHULUGAN

1. MALAYANG MORPEMA

• Ay ang mga salitang may kahulugan na. Ito ay hindi na dinudugtungan o kinakabitan ng
iba pang ponema o panlapi.

Halimbawa:

• Tao

• Dagat

• Talon

2. DI-MALAYANG MORPEMA

• Ito ay kinakailangang dugtungan ng iba pang panlapi o ponema. Ito ay ang kabaligtaran
ng malayang morpema.

Halimbawa:

Mag + dasal = Magdasal

Mag = Panlapi

Dasal = Salitang Ugat


2 URI NG MORPOLOHIYA

MORPOLOHIYANG DERIVATIONAL

• Dito ay nagbabago ang kahulugan at ang kategorya ng gramatika ng salitang ugat


kapag ito ay dinugtungan ng panlapi o ponolohiya.

MORPOLOHIYANG INFLECTIONAL

• Dito ay hindi magbabago ang kahulugan ng isang salita kahit kabitan mo pa ito ng iba
pang morpema o ponolohiya.

Halimbawa:

INIT

• Derivational: Mainit

• Inflectional: Ininit

LAYO

• Derivational: Malayo

• Inflectional: Nilayo

LAMBING

• Derivational: Malambing

• Inflectional: Nilambing

2 URI NG MORPEMA BATAY SA KUNG PAANO GINAMIT SA ISANG PANGUNGUSAP O


PAHAYAG

1. PANGNILALAMAN

• Ito ay may tiyak na kahulugan. Ito ay ang morpemang may kahulugan na at hindi na
nangangailangan ng iba pang salita.

Nakapaloob dito ay mga:

PANGNGALAN

• Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

PANDIWA

• Nagsasaad o nagpapakita ng kilos o galawa.

PANG-URI

• Ay ang salitang naglalarawan o nagsasaad ng uri at katangian ng isang pangngalan.


PANG-ABAY

• Naglalarawan o nagbibigay turing ng pandiwa, pang-uri o maging kapwa pang abay.

2. PANGKAYARIAN

• Ito ay ginagamit sa gramatika. Ito ay ang mga salitang nangangailangan pa ng ibang


salita upang mabuo ang kanilang pangungusap o pahayag.

Nakapaloob dito ay ang mga:

PANLAPI

• Ang mga salitang nagdurugtong sa salitang ugat.

PANGATNIG

• Ito ay ang mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay.

PANG-UKOL

• Ito ay ang mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.

SANGGUINIAN:

https://youtu.be/E4WG7GwGjGc

https://www.slideshare.net/nathalielovitos/morpolohiya

You might also like