You are on page 1of 5

GROUP 2 ( 10 - RIZAL )

PEOPLE BEHIND THE CAMERA

Flora Mikaela S. Sayo - Leader, Director, Photographer, Photo-editor, Scriptwriter & Wardrobe

Sophia Blanca D. Villamia - Secretary, Director, Videographer, Scriptwriter, & Editor

Shin Hye Hannah Erikka F. Remigio - Videographer & Editor

Renniel Alrenz F. Galus - Poster Illustrator, Photo-editor, Wardrobe & Scriptwriter

Samantha Nicole R. Adrineda - Hair & Make-up, Scriptwriter

Ranliv P. Lozano - Photographer

Cheska Lorraine C. Vicente - Hair & Make-up

Angelica P. Pangilinan - Hair & Make-up

ACTORS (Members & Roles)

Romeo - Marco Lauren P. Lagarta

Juliet - Jareca G. Capili

Paris - Hezekiah S. Ramos

Nars - Kalix Kherby B. Ico

Tybalt - Renniel Alrenz F. Galus

Mercutio - Angelica P. Pangilinan

Benvolio - Albert June D. Salvador

Padre Laurence - Albert June D. Salvador

Balthasar - Cheska Lorraine C. Vicente

Butikaryo - Samantha Nicole R. Adrineda

Ginoong Capulet - Job Isaiah J. Dizon

Ginoong Montague - Dwight Miguel C. Martin

Ginang Capulet - Sandra Marie P. Niegos

Ginang Montague - Mihkyla Joy P. Macapagal

Rosaline - Sophia Blanca D. Villamia

Prinsipe Escalus - Ranliv P. Lozano


Padre John - Job Isaiah J. Dizon

Gregory - Elaijah Vera M. Aduna

Sampson - Arianna V. Del Rosario

Abram - Shin Hye Hannah Erikka F. Remigio

Peter - Renniel Alrenz F. Galus

Narrator - Flora Mikaela S. Sayo

SCRIPT

Speaker (Sophia)

-Pag-ibig. Isang bagay na wika nila'y masayang ipakalat at tamuhin. Sabi nila, ang bagay na ito'y iyong
makakamtan din, hindi man ngayon ngunit tiyak na mararanasan mo rin. Ngunit, totoo nga bang
masarap ito sa pakiramdam? Masaya't nakagaganda ba ito para sa ating lahat? Tiyak nga bang ito'y hindi
pagmumulan at babalutin ng kalungkutan? o di kaya nama'y pagmumulan ng mga trahedyang tanging
pag-ibig lamang ang makagagawa?

-May isang indibidwal raw ang nakalaan para sa bawat isa. Ito'y makikilala natin sa panahong itinakda ng
may likha. Indibidwal na siyang makakasama natin sa dulo ng walang hanggan, sa hirap at ginhawa.
Ngunit paano natin ito makakapiling hanggang sa ating mga huling hininga kung ang tadhana't panahon
na ang siyang gumagawa ng paraan upang paghiwalayin ang dalawang nilalang. Tayo'y may laban pa ba?

-Sa mundong mapaglaro, mayroon pa rin talagang mga nilalang na hahangarin ang iyong ikasasaya. Kahit
pa, ito'y patagong ikasal sa iyong minamahal. Mga nilalang na susuportahan ka kahit pa ang tawag nila
sa pagmamahal na mayroon kayo ay ipinagbabawal. Mga nilalang na papayuhan ka patungkol sa pag-
ibig na ipinaglalaban niyo laban sa mundo.

-Mayroon rin namang mga nilalang ang hindi pinaburan ng tadhana. Marahil mahal niya ito nang
lubusan, ngunit hindi naman siya ang piniling makasama habang buhay. Kung iyong iisipin, napakapait
ng tadhana. Mahal naman natin ang ating mga sinisinta ngunit hindi pa rin nito magawa-gawang pag-
isahin ang ating pag-ibig para sa isa't isa.

-Ngunit, aminin man natin o hindi, maraming indibidwal ang nakakulong sa isang relasyong hindi naman
talaga nila ginusto. Marahil hindi naman talaga nila ito minahal kaya sila'y napilitan nang kumalas sa
relasyong iyon sapagkat hinding hindi sila magiging masaya kung sila'y magpapatalo na lamang sa
kalungkutang idinudulot ng relasyong kinabibilangan nila.

O mahal kong romeo, tayo ma'y hindi pinahintulutan ng tadhana sa kasalukuyang panahon, aking
ipinapangako sa iyo, ako'y naririto lamang naghihintay na makasama ka sa kabilang panig ng buhay.
Palagi mo sanang tatandaan na ang pagmamahal ko sayo'y pangmatagalan at hindi basta-bastang
nawawala. Nawa'y umayon na ang tadhana sa ating pag-iibigan, wala na sanang tumutol at hayaan na
lamang nila tayong maging masaya, malayo sa mundong mapanghusga't puno ng hinanakit. Ako sana'y
iyong hanapin, tuparin ang iyong mga ipinangako sa akin. Ika'y aking hihintayin, hanggang sa muli't
magpakailanman, aking tinatangi't kalakasan sa libo-libong hadlang at husga sa ating pagmamahalan.
Iyong minamahal, Julieta.

Romeo

-Ako'y anak ng isang Montague, parte ng pamilyang dakilang kalaban ng mga Capulet. Puso ko ay
kaylungkot pagka’t ito’y nasaktan nang hindi inaasahan. Hanggang sa ako'y may nasilayan sa sayawan,
isang binibini na may gandang kabigha-bighani. Romeo ang aking ngalan, ako'y napaibig ng tunay sa nag-
iisang anak ng dakilang kalaban ng aming angkan.

Juliet

- Oh mahal kong Romeo, nais kong mahagkan ka. Ako'y iyong mas napapaibig sa mga kahumaling-maling
mong salita para sa akin. Ang aking angkan ay mga Capulet, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang itigil
ang ating pagmamahalan. Ako si Juliet Capulet at aking iniibig si Romeo Montague.

Paris

-Juliet aking sinta. Ika'y aking pakakasalan. Tanggapin mo ako bilang iyong kabiyak at aking kayamanan
ay magiging iyo.

Nars

-Juliet, trabaho kong alagaan ka, pero ang turing ko sayo ay parang anak na. Ako ang iyong
tagapangalaga, Nars.

Tybalt

-Nasaan ang mga Montague. Akin sila'y papaslangin. Ulo ko'y nag-iinit at puno ng galit. Ako si Tybalt na
pinsan ni Juliet.

Mercutio

- Pag-ibig? Ako'y hindi naniniwala diyan. Isang pagsasayang ng oras. Ako si Mercutio ang matalik na
kaibigan ni Romeo.

Benvolio

-Ako ay tapat sa aking angkan, katahimikan ay aking laging ipaglalaban. Ako ang pamangkin ni Lord
Montague, palaging kasama ni Romeo, ako si Benvolio. 
Padre Laurence

-Tagapayo ng dalawang magkasintahan. Magkaibang panig ay nagsama at nagmahalan, hanggang saan


ito hahantong. Ako'y nangangamba at kabang-kaba. Padre Laurence.

Balthasar

-Ano ang inyong mensahe? Ito ay aking ipararating. Asahan niyong ang inyong nais sabihin ay kanilang
maririnig. Ako ang taga-abot ng sulat ni Romeo at Juliet sa isa’t isa, ako ang kanilang kaibigan na si
Balthasar.

Butikaryo

-Mag ingat sa lason, pagkat ito’y nakama-matay. Mahinhin na payo mula sa Butikaryo.

Ginoong Capulet

-Kapayapaan, katahimikan, yan ang aking nais para sa ating mga angkan. Nais ko rin na ang aking anak
na si Juliet, ay siyang maalagaan. Ako ang haligi ng tahanan ng Capulet, ako si Ginoong Capulet.

Ginoong Montague

-Aking kayamanan ang aking pamilya, gagawin ko ang lahat upang ma-protektahan sila. Ako ang Padre
De Pamilya ng Montague.

Ginang Capulet

-Ginoong Capulet, ang nais mo ay akin ring gusto. Bilang asawa mo, ako’y susunod, at laging mag
lilingkod sayo. Nag mamahal, Lady Capulet.

Ginang Montague

-Pamilya ang tanging yaman na walang katumbas, bilang Ginang Montague, ang pag mamahal ko para sa
mga Montague ay kailan ma’y hindi kukupas.

Rosaline

-“Mahirap kalimutan ang unang pag-ibig” Ito ang lagi nilang sinasabi. Romeo, ako’y dapat kalamutan mo
na, para sa iyong ikabubuti. Ako si Rosaline, ang unang inibig ni Romeo.
Prinsipe Escalus

-Itigil na ang laban! Marami na ang nasasaktan! Dapat manaig ang kapayapan! Bilang si Prinsipe Escalus,
lagi akong lalaban para sa katahimikan ng dalawang angkan.

Padre John

-Palabas pa lamang ako ng simbahan nang ako'y tutukan ng armas ni Romeo. Ako si Padre John ang
kapatid ni Padre Laurence.

Gregory

-Ako ay isa sa mga pakpak ni Tybalt. Isang alagad ng Capulet at nagsisilbi para kay Tybalt. Ako si Gregory.

Sampson

-Ako ay alagad din ng mga Capulet. Aking pinagsisilbihan si Tybalt na pamangkin ng mga Capulet.
Sampson ang ngalan ko.

Abram

-Kaaway ng mga Montague ay kaaway ko na rin. Ako si Abram na naglilingkod at kasama ng angkan ng
mga Montague.

Peter

-Tahanan niyo’y ligtas sa aking paningin, ako si Peter na taga pag-bantay ng tahanan ng mga Capulet.

You might also like