You are on page 1of 5

Pre-Test Filipino5

30 questions

1.
Ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa tala, pangyayari at impormasyon ng tunay na
buhay.
A. dokumentaryo B. journal
C. talambuhay D. talaarawan
2.
Kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na araw
at petsa.
A. talambuhay B. talaarawan
C. dokumentaryo D. journal
3. Ito ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan.
A. dokumentaryo B. talambuhay
C. journal D. talaarawan
4.
Maikling salaysay na nakawiwili, nakalilibang sa paraang patalambuhay na pagpapahayagng mga pangyayari.
A. dokumentaryo B. journal
C. talaarawan D. anekdota
5.
Isang uri ng sulatin na ginagamit ng isangindibidwal upang magbigay gabay, pag-alala sa mga bagay na
nangyari, nangyayario mangyayari
A. talaarawan B. dokumentaryo
C. journal D. anekdota
6.
Ito ay aklat na naglalaman ng mgasalita, kahulugan ng salita, paano bigkasin ang salita at anong uri ito
ngpananalita.
A. atlas B. dictionary
C. ensayclopedia D. internet
7.
Ito ay isang malawak na network ngmga kompyuter na ginagamit upang makapagbukas ng iba’t ibang klase
ngimpormasyon mula sa World Wide Web.
A. internet B. atlas
C. ensayclopedia D. dictionary
8.
Ito ay isang set ng mga aklat nanaglalaman ng maiikling artikulo o pangunahing impormasyon tungkol sa
iba’tibang paksa tulad ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Nakaayos ito ngpaalpabeto.
A. dictionary B. ensayclopedia
C. internet D. atlas
9.
Ito’y nagmumungkahi ng isang produktoo serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong
pangmadla.
A. islogan B. babala C. poster D. patalastas
10.
Ito ay isang maikling mensahe na nakakapukaw damdamin at madalas nagbibigay ng pangmatagalang
impresyon o leksiyon sa mambabasa.
A. poster B. babala
C. patalastas D.
islogan
11.
Ito ay mga nakasulat o nakapaskil na mga paalala na kadalasan nating nakikita sa ating kapaligiran. Ito ay
paalalang dapat nating sundin para sa ating kaligtasan at gayundin sa pangangalaga natin sa ating kapaligiran.
A. babala B. patalastas
C. poster D. islogan

12.
Ibigay ang wastong baybay ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Isa sa paborito kong pagkain ay
ang ispageti.
A. espagite B. Espageti
C. spaghetti D. espagiti
13. Ang masdyid ay isang sagradong lugar para sa mgamuslim. Alin ang wastong baybay?
A. masgid B. mashid
C. masjyid D. Masjid
14. Basahin ang talata at piliin ang angkop na pamagat.
Ang bawat parte ng niyog ay mahalaga. Ang dahon ay maaaring gawinglaruan tulad ng bola at pamaypay.
Ginagawa rin itong palaspas tuwing Mahal naAraw. Ang bunga nito ay nakakain at ang sabaw ay gamot sa
mga may UTI. Ang baonito ay maaaring gawing bunot, sandok at pandekorasyon. Ang katawan niya
aypuwedeng gawing poste ng bahay. Minsan, iyong balat ng puno ay ginagawangpanggatong.
A. Ang bunga ng niyog B. Mahalaga ang bawat parte ng
niyog
C. Masarap ang niyog D. Ang puno ng niyog
15.
Ang tubig ay mahalaga. Di lang tayong mga tao angnangangailangan nito. Ang mga hayop at halaman ay
kailangan din upang mabuhay.Ginagamit natin ang tubig sa pagluluto’t paglalaba. Kapag tayo ay naliligo
atnaglilinis ng bahay. Kinakailangan ito kapag tayo ay nauuhaw. Bawat ginagawanatin ay kinakailangan ito
maging sa mga hayop at halaman. Gamitin nang tama atpangalagaan ito. Alin ang angkop na pamagat sa
binasa?
A. Kailangan ang tubig B. Malinis ang tubig
C. Ang tubig D. Kahalagahan ng
Tubig
16.
Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng opinyon o reaksiyon sa pinakinggang balita, isyu o usapan MALIBAN sa
isa.
A. Nakakalito ito sa pagpapalawak ng kaalaman B. Isulat ang mahahalagangpangyayari
at sa pagpapahayag ngsaloobin, sumasangayon
o sumasalungat ka man.
C. Unawain ang pinapakinggan D. Pakinggang mabuti ang balita, isyu o
usapan
17.
Ito ay ginagamit dahil tanda ito ng pagpapakita ng respeto at paggalang sa sinomang kausap at upang maging
maayos lagi ang pakikipag-usap at maiwasan ang pagtatalo.
A. Pakikipagusap sa kapwa B. Magagalang na Pananalita
C. Bayanihan D. Pagsabi ng hinaing
18. Sa pagsasabi ng hinaing oreklamo, ginagamit natin ang mga sumusunod MALIBAN sa isa
A. pahintulutan ninyo po akong B. maaari po bang
ako’ypakinggan
C. wala sa nabanggit D. puwede po ba akongmagsalita
19.
Ito ay kinikilala bilang sine at pinilakang tabing na ang larangang sinasakop ay ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Sa panonood nito, madaling matandaan ang mga tauhan at ang tagpuannito kung panonoorin ito nang
mabuti.
A. komersyal B. a.
kuwento
C. patalastas D. pelikula
20. Ito naman ay ang lugar kungsaan naganap ang mga pangyayari sa pelikula
A. tauhan B. pananaw
C. tagpuan D. tema

21. Ito ay ang mga gumaganap sa pelikula. Sila ang nagbibigay ng buhay sa daloy ng kuwento.
A. tema B. tagpuan C. Tauhan D. pananaw

22.
Ito ay nagsalaysay ng mga makatotohanang pangyayari sa buhay ng mga tao, lugar at hayop na
kinapupulutanng aral. Ito ay isang paraan upang maipamulat sa mga manonood ang nagingkaranasan nila
A. dokumentaryo B.
paksa
C. tema D. tula
23.
Ito ay maaaring ang bahaging akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap.
Itoay tinatawag din na tema. Ito ay mahalaga sapagkat ito ang nagmumulat sa mgamambabasa kung ano ang
magiging epekto ng kilos ng isang karakter sa kuwento,nobela, o sanaysay sa kabuoang takbo ng kuwento
A. dokumentaryo B.
paksa
C. tema D. tula
24.
Sa pagbigkas nito, laging isaisip ang mararamdaman ng mga tagapakinig. Upang ganahan silang makinig,
marapat na bigkasin nang may wastong tono, diin, antala at damdamin. Sa ganitong paraan ay maramdaman
nila at mauunawaan ang mensahe nito.
A. tema B. dokumentaryo
C. paksa D. tula
25.
Ang Pagbabahagi ng isangpangyayari na nasaksihan o ________ ay isang malayang paglalahad ng tunay
attotoong pangyayari. Ito rin ay isang paraan para lalong lumawak ang kaalaman sapakikipagtalakayan o
pakikipagtalastasan
A. napakinggan B. nakita
C. naobserbahan D.
napanood
26.
Ang ______ay pagsulat ng impormasyong nakalap sa binasang teksto. Kinakailangang mabasa at maunawaan
ang binasa upang maitala ang mga importanteng detalye mula sa binasang teksto. Laging itatala ang mga
impormasyong sasagot sa tanong na ANO, SAAN, KAILAN, SINO, BAKIT at PAANO.
A. paglalahad B. pagtatala
C. pagtanong D.
panonood
27. Ugaliing _______ at itala ang mahalagang impormasyon upang makatulong sa madaling pang-unawa.
A. magtanong B. magsulat
C. magbilang D. magbasa

28 – 30 . Tukuyin kung anong uri ng form ang mga sumusunod.

28. ___________________________
29. ___________________________ 30. . ___________________________

A. form138 B. form
137
C. evaluation form D. biodata

You might also like