You are on page 1of 2

Mojica, Crisha O.

Panitikang Filipino
BSED 1- ENGLISH

Ito ang inyong asaynment komprehensibong saliksikin ang mga sumusunod:


A. Apat na kahulugan ng Panitikan (8 pts)
 Kahit anong nasusulat na gawa ng tao.
 Ginagamit ng tao upang mapahayag ang kanilang nararamdaman, naiisip, at mga
hangarin sa pamamagitan ng pagsulat.
 Makabuluhang Kasaysayan
 Nagpapakita ng Panlahing Pagkakakilanlan.

B. Limang Katangian ng Panitikan


 Likha ng Tadhana: Nagpapakita ng kwento na naglalarawan ng mga pangyayari at
karanasan ng tao.
 Ekspresyon ng Damdamin: Ipinakikita ang iba’t ibang emosyon tulad ng lungkot,
saya, galit at pag-ibig
 Paglalakbay sa Iba’t Ibang Panahon at Lugar: Nagbibigay- daan sa paglalakbay sa
iba’t ibang panahon at lugar, reyal o imahinaryo.
 Tunggali: Ipinapakita ang tunggalian, hindi lamang sa pagitan ng tauhan, kundi
maging sa kanilang sariling mga pagnanasa at Lipunan.
 Pagpapahalaga sa Wika at Sining: Nagpapahalaga sa tamang paggamit ng wika at
sining.

C. Uri ng Panitikan at Kahulugan nito


1. Ayon sa Paghahalin ay uri ng panitikan kung saan ipinapahayag ng manunulat ang
kaniyang personal na opinion o pananaw batay sa sariling karanasan.
2. Ayon sa Anyo ay isang uri ng panitikan kung saan ang kahulugan ng teksto ay batay
sa estruktura o paraan ng pagkakabuo nito.

D. Isa- isang ilahad ang tatlong uri ng tula (Pasalaysay, Liriko, at Padula) at magbigay ng
halimbawa sa bawat isa.
 Ang Pasalaysay ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng mga kwento na
sumusunod sa isang sunud-sunod napagkakasunod- sunod ng mga pangyayari. Ang
Halimbawa nito ay “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal.
 Liriko ay uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin o personal na karanasan
gamit ang awit, tula, o iba pang anyo ng sining. Ang Halimbawa nito ay
“Pakundangan” ni DEMI.
 Ang Padula ay uri ng panitikan na naglalarawan ng pangyayari ar karanasan sa
pamamagitan ng pasalaysay na mga taludtod. Ang Halimbawa nito ay ang “Florante
at Laura” ni Francisco Balagtas.
Pasanaysay: (5pts bawat isa)
1. Bakit sinasabi na ang panitikan ay salamin ng lahi?
 Panitikan ang salamin ng lahi dahil ito ay nagpapakita ng mga saloobin, karanasan at
kultura ng lahi o bansa. Sa pamamagitan ng panitikan, nakikilala at naiintindihan ng mga
tao ang kanilang kultura at kasaysayan.
2. Bakit sinasabi na ang panitikan ay kapatid ng kasaysayan?
 Sinasabi na ito’y magkapatid dahil kapag tiningnan natin ang sulat ng panitikan, makikita
natin ang mga saloobin, karanasan, at kultura ng isang Lipunan sa iba’t ibang panahon.
Ito ay nagpapahayag ng mas malalim na pag- unawa sa kasaysayan at sa ating
persperktiba sa mga pangyayari at mga tao sa nakaraan.

You might also like