You are on page 1of 2

PANGATNIG

Ang mga pangatnig ay mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,


dalawang parirala,dalawang sugnay, o dalawang kaisipan at
pahayag. Maaaring ang pangatnig ay kataga, salita, o parirala.

TULA

Isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, tunog,


paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga
salita.

Sanaysay

Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang


komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-
kuro ng may akda. Sa ganitong paraan, naipapahayag ng may
akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. Isa rin itong
uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay
maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at
napapanahong paksa o isyu.

Pagkilatis sa Tono at Damdamin ng Akda

Ang tono at damdamin ay kapuwa tumutukoy sa emosyon


namamayani sa akda. Tinutukoy ng tono ang damdamin ng
mau-akda habang sinusulat niya ang seleksyon. Ang
damdamin ay tumutukoy sa naman sa nadarama ng bumabasa.
MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral
ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na
may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan
ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o
kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong
salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng
kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.

MORPEMA
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo
ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng
pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May
tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-malaya (kilala rin
bilang panlapi), ang morpemang malaya (kilala rin bilang
salitang ugat), at angmorpemang di-malaya na may kasamang
salitang ugat.

You might also like