Reviewer sa Filipino 4 (3rd Periodic Exam) 03-15-23
Terms: (No Choices)
Tugma - tumutukoy sa pagkakatulad ng mga tunog sa huling pantig sa
dalawa o higit pang taludtod. Tula - anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin o saloobin ng isang makata sa pamamagitan ng masining na paglalarawan, ritmo, o tayutay. Pangatnig - tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay na magkasunod sa pangungusap. Talinghaga - mga salitang may malalim o natatagong kahulugan. Sukat - tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Editoryal - maikling artikulo na isinusulat ng editor na nagpapahayag sa opinyon o saloobin ng isang pahayagan tungkol sa mga napapanahong isyu o balita. Pang-angkop - tawag sa mga katagang nag-uugnay sa magkasunod na salita sa pangungusap. Wakas - ito ay ang lagom o kongklusyon ng may-akda. Bayanihan - tumutukoy sa pagkakaisa o pagtutulungan ng isang komunidad para sa isang layunin. Pang-abay - tawag sa bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Pamanahon – nagsasaad kung kailan nangyari ang kilos. Saknong – ito ang bilang ng pinagsama-samang taludtod.
Application: (Note: Pakirebyu po yung mga SW- REVIEW na nasa FIL.
notebook) > Mga Pang-abay – pp. 241-242 > Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay – pp. 258-259 > Mga Pang-angkop – pp. 293-294 > Mga Pangatnig – pp. 312-313 Understanding Question: