Professional Documents
Culture Documents
Angel-W R
Angel-W R
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan inaasahan na ang bawat mag-aaral ay:
II. PAGTATALAKAY
Ano nga ba ang diskurso? Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong
ito. Ayon Sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o
pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng
pagpapahayag ngideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus
sa komunikasyon.
• Mula sa salitang Ingles medya na discourse na galing din naman sa salitang Latin na discursus na
nangangahulugang diskusyon o argumento, o kaya’y kumbersasyon.
• Ito ay kakayahang maunawaan at makabuo ng sasabihin o isusulat sa iab’t ibang genre tulad ng
pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad, pangangatwiran at panghikayat.
• Ito ay kilala bilang isang berbal na pagpapahayag na pasalita o pasulat; isang berbal na palitan; isang
kombersasyon; isang pormal at mahabang diskusyon o talakay sa isang partikular na paksa, isang
proseso ng berbal na pag-uusap gamit ang pangangatwiran.
• McCarthy (1991) – isang natural na paggamit ng wika na ang kahulugan ay tinataglay o matatagpuan sa
mga pangungusap na ginamit sa teksto at konteksto. Ang pag-aaral ng diskors o diskors analisis ay nakatuon
sa pagkilala ng relasyon
PANGASINAN sa pagitan ng wika at ng konteksto, kung paano ito ginamit. Lumitaw ang pag-aaral
STATE UNIVERSITY
nito mula sa mga pag-aaral ng iba’t ibang disiplina ng linggwistiks – semiotiks, pragmatiks, sikolohiya,
antropolohiya at sosyolohiya noong 1960-1970.
COURSE GUIDE IN LIT 103: SANAYSAY AT TALUMPATI 2