You are on page 1of 1

Tatlong Salik sa Pagsasalita

1. Enerhiya
2. Resonador
3. Artikulador

Ponolohiya ay ang pag-aaral sa mga ponema, paghinto, pagtaas-pagbaba, diin at


pagpapahaba ng tunog.

Ponemang Segmental ay ang makahulugang tunog na inirerepresenta ng simbolo at mga


titik na maaring katinig o patinig.

/a,e,i,o,u/ at /b,k,d,g,h,l,m,n,p,r,s,t,w,y/

Ang Diptonggo ay ang magkatabing patinig at malapatinig na mga tunog sa isang


pantig.

Ang Klaster ay ang dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig na binibigkas ng


sabay.

Ang Pares Minimal ay salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad ang


pagbaybay.

Ang Ponemang Malayang Nagpapalitan ay isang pares ng salita na katatagpuan ng


magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakaaapekto o
nakapagpapabago sa kahulugang taglay ng mga salita.

Ang Ponemang Suprasegmental ay tumutukoy sa makahulugang tunog na kung saan


makatutulong sa pagpapahayag ng damdamin, saloobin, at kaisipan na nais ipahiwatig
ng nagsasalita.

(3) Uri ng Ponemang Suprasegmental


1. Tono
2. Haba at Diin:
* Malumay
* Malumi
* Mabilis
* Maragsa
3. Antala

Ang Pagpapantig ay ang paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.

You might also like