You are on page 1of 49

PONEMANG

SUPRASEGMENTAL
Ginagamit sa pagbigkas ng mga
salita upang higit na maging mabisa
ang pakikipagtalastasan.
3 URI NG PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
DIIN
Ang diin ay ang lakas, bigat, o bahagyang
pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita.
Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga
salitang may iisang tunog o baybay, ang
pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito.
Maaari nating gamitin sa pagkilala ng pantig na
may diin ang malaking titik.
BU-hay
bu-HAY
PI-to
pi-TO
TA-sa
ta-SA
TONO
Ang tono ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng
iba’t ibang damdamin, makapagbigay kahulugan,
at makapagpahina ng usapan upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa
kapwa.
Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at
mataas na tono. Maaaring gamitin angbilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa
mataas.
PON
KA
2
HA 3
1
HA
KA
3 PON
2 1
GA
TA
2
LA 3
1
LA
TA
2
3 GA
1
NOG
May
2
SU 3
1
NOG
SU
May 3
1 2
ANTALA
Ang antala ay bahagyang pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ibig ipahatid
sa kausap.
Maaaring gumamit ng simbolong kuwit
( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o
gitling ( - ).
Hindi// ako si Joshua.
Hindi ako, si Joshua.
Hindi ako si Joshua.
Si Mark Anthony at
ako.
Si Mark, Anthony at
ako.
Si Mark, Anthony at
ako.
Morpolohiya
Nagmula sa salitang Griyego na "morph" na
nangangahulugang porma at hugis at "logia" na
ang ibig sabihin ay diskurso, teorya o siyensya
Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng
isang wika at ng pagbubuo ng mga ito sa salita.
Tinatawag din itong palabuuan.
Morpema
Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita
na nagtataglay ng kahulugan.
May tatlong uri ng morpema–istem/salitang-ugat,
panlapi at morpemang binubuo ng isang ponema.
Tatlong Uri ng Morpema
Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak na salitang walang
panlapi. Ang mga ito ay maaring pangngalan, pang-uri at
pandiwa.
Panlapi– tinatawag na di- malaya sapagkat nalalaman lamang
ang kahulugan nito kapag naisama na ito sa istem.
Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang nabubuong
salita ay pangngalan; panlaping makauri, kapag ang
nabubuong salita ay pang-uri at panlaping makadiwa, kapag
ang nabubuong salita’y pandiwa.
Morpemang binubuo ng isang ponema
Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa
Kastila–senado/ senadora; mayor/ mayora
sa mga salitang nagtatapos sa o na
nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang
nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae—
barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.

You might also like