Professional Documents
Culture Documents
Ang tula, o kilala sa panitikan bilang patula, ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang
pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm.
Nakabilang dito ang ritmo at metro o meter, na kung saan ang ritmo ay nagpapakita ng
pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at hindi
nagbibigay-diin na mga pantig; habang ang metro naman ay isang set ng mga patakaran na
namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.
Mga Uri
Tulang Pasalaysay
ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at
mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng
isang tauhan. Kabilang dito ang sumusunod:
Epiko – ito ay isang akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na
kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan
at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga
epikong binabasa.
Awit/Korido at Kantahin – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang
may tono na talagang magandang pinakikinggan.
Tulang Patnigan
isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang
mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:
Balagtasan – tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa
iisang paksa.
Karagatan – Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa
tawag na libangang tanghalan.
Duplo – Paligsahan namabn ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito
ay hango sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at
kasabihan.
Fliptop o Battle Rap – modernong uri ng Balagtasan na kung saan
nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol sa isang paksa.