You are on page 1of 1

Pasulit 4 sa Filipino 9 Q3

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot s ainyong sagutang papel.( Isang Libo’t Isang Gabi)

1. Ano ang pagpapakilala ng babae sa lalaking nakakulong?


2. Ano ang hanapbuhay ng babae sa nobela?
3. Sino ang nagsalin ng nobela sa wikang Filipino?
4. Sino ang nagsabi ng mga salitang ito,” Kapag nalaman ko kung magkano ang kabayaran para sa kaniyang
kalayaan, babayaran ko ng sarili kong pero upang ako’y mapaligaya mo, sapagkat napakalambing ng iyong
tinig”.?
5. Ano ang ipinagawa ng babae sa karpentero?
6. Magkano ang halaga ng ipinapagawa ng babae sa karpentero?
7. Ano ang pagpapakilala ng babae sa mga kumakatok sa kanyang pintuan?
8. Sino ang nagkunwaring genie para makalabas sa cabenit?
9. Ano ang sinakyan ng babae at kanyang mangingibig sa kanilang pag-alis?
10. Ilanga raw nakakulong ang 5 lalaki sa loob ng compartment ng cabinet?

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. paratang a. palalayain
2. pakakawalan b. nakapiit
3. nakakulong c. ipinanukala
4. iminungkahi d. layon
5. pakay e. bintang
6. bonnet f. Banal na Aklat
7. turban g. guwantes
8. Qur’an h. gora
i. yari sa telang
ipinupulupot o
ibinibilot sa paligid
ng ulo
Kaantasan ng Pang-uri
II. Panuto: Tukuyin ang pang-uri at isulat kung lantay, pahambing o pasukdol ang kaantasan ng pang-uring napili.

_________ 1. Ang bata ay mabait.


_________ 2. Pinakamaganda si Carrie sa mga bata.
_________ 3. Mabango ang mga bulaklak sa hardin.
_________ 4. Si Gabe ay mas mabilis kaysa kay Ethan.
_________ 5. Higit na malakas si Joaquin kaysa kay Miguel.
_________ 6. Ang kotse ni Kevin ay mas mabilis kaysa sa kotse ni Lino.
_________ 7. Malabo ang tubig sa ilog Pasig.
_________ 8. Ang bulkan Taal ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.
_________ 9. Iyang hawak mo ang pinakamatamis na mangga sa lahat.
_________ 10. Ikaw pala ang pinakamapayat sa buong klase.
_________ 11. Mas maliit ang aso ni Henry kaysa sa aso ni Bea.
_________ 12. Laging maputi ang damit ni Jose.
_________ 13. Kaninong proyekto ang pinakamakulay sa lahat?
_________ 14. Higit na mabigat amg bag ko kaysa sa bag niya.
_________ 15. Sila ang pinakamaiingay na grupo sa klase.
__________ 16.Bibo ang mga mag-aaral ng 2-C.
__________ 17.Pinakamalakas ang boses ni Samantha sa lahat.
__________18.Walang mapapala ang taong tamad.
__________19. Gabundok ang labahan naming tuwing sabado.
__________20.Malinis na malinis ang paligid ng kanilang bahay.

You might also like