You are on page 1of 3

LESSON 3: GININTUANG PANAHON NG ATHENS

A. PERICLES
 Isang strategos o heneral na inihalal ng mga kalalakihang mamamayan na namuno sa Athens
 Maraming pinairal na mga programang pampubliko na naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang
Athens
 Lahat ng mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o
mahirap
 “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng
iilan” – (itinala ni Thucydides)
B. MGA AMBAG NG ATHENS
 Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian (Pagbabasa, matematika, musika, palakasam)
 Ang mga kababaihan ay itinuturing na mas mababa kaysa sa mga kalalakihan
 Ang mga akda ng natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa mundo tulad ng “The
Republic” ni Plato at “Politics” ni Aristotle
 Kahanga-hangang arkitektura tulad ng estilo na Ionian, Doric at Corinthian
 Parthenon – isang marmol sa templo sa Acropolis sa Athens; itinayo ni Ictinus at Calicrates na inihandog
para kay Athena
 Phidias- pinakadakilang Greek na iskultor; (Statue of Athena in Parthenon and Zeus in Olympia)
 Colossus of Rhodes ni Chares at Tomb of Mausolus of Halicarnassus ni Praxiteles na parehong itinanghal
na Seven Wonders of the Ancient World
 Herodotus – ama ng kasaysayan
 Hippocrates – kilala bilang ama ng medisina
 Thales ng Miletus – kauna-unahang pilosopiya. Ayon sa kanya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig.
 Pythagoras – nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at
pito ay masuwerteng mga numero
 Socrates – ayon sa kanya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself), dapat na patuloy na
magtanong ang mga tao ukol sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga
katanungang ito. (Socratic Method)
 Plato – Republic- isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang uri ng pamahalaan na
makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito
 Aristotle – pinakamahusay na mag-aaral ni Plato; nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop,
astronomiya at pisika. Ama ng Biyolohiya; Ilan sa mga isinulat ay ang “Poetic”, “Rhetoric” at “Politics”

LESSON 4: IMPERYONG MACEDONIAN


 Philip – hari ng Macedonia na naghangad na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece; Tinalo ang Athens at
Thebes kaya ang buong Greece maliban sa Sparta ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia
 Alexander the Great – anak ni Philip at estudyante ni Aristotle. Naging hari sa edad na 21, matalino, malakas ang
loob at magaling na pinuno. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop
ang Afghanistan at Hilagang India. Pinalaganap ang kaisipang Greek sa Silangan, namatay sa gulang na 32 sa
Babylon dahil sa hindi matiyak na karamdaman

LESSON 5: IMPERYONG ROMAN


 Ang Rome ay itinanatag ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin.
 Ayon sa matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus
 Tinalo ng mga Etruscan ang mga Roman

A. ROMAN REPUBLIC
 Lucius Junius Brutus – nagtaboy sa mga Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari
 Sa halip na maghalal ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihan tulad ng hari
at manunungkulan sa loob lamang ng isang taon
 Maharlika o Patrician ang namumuno, konsul at diktador
 Plebian - walang kapangyarihan, mandirigmang mamamayan
B. TAGUMPAY NG PLEBIAN LABAN SA PATRICIAN
 Nagsimulang maghimagsik ang mga plebian noong 494 BC upang magtayo ng sariling lungsod
 Sa takot ng mga patrician, sinuyo nila ang mga plebian sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang,
pagpapaplaya sa mga nagingb alipin at ang paghahalal ng mga plebian ng dalawang mahistrado o tribune na
magtatanggol ng kanilang karapatan.
 12 Tables – kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman, sa pamamagitan nito
nabawasan ang panlilinlang sa mga plebian.

C. PAGLAGANAP NG KAPANGYARIHANG ROME


 Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunod-sunod na digmaan mula pa noong
490 BC
 Nagana pang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 BC
 Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great. (Pyrric
Victory)
 Naging kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga
hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong Roman
 Nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito ang mga Carthagenian

D. DIGMAANG PUNIC
 Rome VS. Carthage
 Unang Digmaang Punic – Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang mga sundalo nito na maging magagaling
na tagapagsagwan; Nanalo ang Rome laban sa Carthage
 Ikalawang Digmaang Punic – Nagsimula ng salakayin ni Hannibal, ang heneral ng Carthage, ang lunsod ng
Sagantum, Spain
 Scipio Africanus – sinalakay ang hilagang Africa upang pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at tumungo sa
Carthage upang sagipin ang kaniyang mga kababayan
 Sa isang kasunduang pangkapayapaan, pumayag ang Carthage na sirain ang plota nito , isuko ang Spain
at magbayad ng buwis taon-taon sa Rome.
 Ikatlong Digmaang Punic – matapos ang 50 taon, sumiklab dahil sa isang pinuno at manunulat na si Marcus
Porcius Cato. Kinuha ng Rome ang lahat ng pag-aari ng Carthage sa Hilagang Africa

E. TAGUMPAY SA SILANGAN
 Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, tinalo ng Rome ang Macedonia kaya naman naging lalawigan ito ng
Rome.
 Sa pagsapit ng 100 BC lahat ng lupain sa baybayin ng Mediterranean sea ay nasakop ng Rome kaya tinawag nila
itong Mare Nostrum o Aming Dagat

F. KABIHASNANG ROME
 Batas – Ang Rome ay kinilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon.
 Panitikan – Cicero – isang manunulat at orador na nagpapahalaga sa batas
 Inhenyeriya – Appian Way – nag-uugnay sa Rome at timog Italy
 Pananamit
 Tunic – kasuotang pambahay ng mga lalaki na hanggang tuhod
 Toga – isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay
 Stolla – kasuotang pambahay ng ng babae at Palla ang isinusuot sa ibabaw nito
 Arkitektura – Roman ang tumuklas sa semento, gumamit ng stucco – isang plaster na pampahid at pantakip sa
labas ng pader. Ilan pa sa kanilang ginawa ay ang arch, at aqueduct
 Basilica – isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng assembly
 Coliseum – isang amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator

G. ANG BANTA NG DIGMAANG SIBIL


 Tiberius – nagpanukala ng batas sa pagsasaka kung saan ang mga lupang nakamit sa pamamagitan ng digmaan
ay ipapamahagi upang magkaroon ng bukirin ang mahihirap; ipinapatay siya ng isang grupo ng mayayaman
 Gaius Gracchus – kapatid ni Tiberius, ipinagpatuloy niya ang sinimulan ng kaniyang kapatid ngunit hindi din
sang-ayon sa kanya ang mayayaman; Ipinapatay ng senate ang tagasunod niya habang siya naman ay
nagpatiwakal
H. SI JULIUS CAESAR BILANG DIKTADOR
 Noong 60 BC, binuo ni Julius Caesar, Pompey at Marcus Licinius Crassus ang First Triumvirate, isang union ng
tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan. May kapangyarihang political at military
 Crassus – pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin
 Pompey – kilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain
 Caesar – isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan ng Rome
hanggang France at Belgium; kilala sa reporma ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga beterano ng
hukbo
 Nangamba ang Senate na maaaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang republika. Binuo
ang sabwatan upang patayan si Caesar.
 Marcus Brutus – matalik na kaibigan ni Caesar na isa sa mga kasabwat sa pagpatay sa kanya.

I. AUGUSTUS: UNANG ROME EMPEROR


 Bago namatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian.
 Second Triumvirate – Mark Antony (Egypt), Marcus Lepidus (Gaul at Spain) at Octavian (Rome)
 Napamahal si Antony kay Cleopatra at binigyan niya ito ng lupa. Nang malaman ito ni Octavian, bumuo siya ng
malaking hukbo upang labanan si Antony.
 Bilang pinuno ng hukbo si Octavian ay tinawag na imperator at iginawad ang titulong Augustus (banal na
lugar/akto)
 Ang Rome ay napagbuklod sa ilalim ng isang pinuno

J. PAX ROMANA
 Panahon ng katahimikan at kasaganahan sa Rome
 Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo, ang daan at karagatan ay ligtas at sagana sa lahat ng uri ng pagkain.
 Umunlad ang panitikan. Nakilala ang mga makata na sina Virgil, Horace at Ovid

K. MGA EMPERADOR PAGKATAPOS NI AUGUSTUS


 Tiberius – isang magaling na administrador ngunit isang diktador
 Caligula – nilustay niya ang pera ng imperyo sa maluluhing kasayahan at palabas tulad ng labanan ng gladiator.
May sakit siya sa isip at iniisip niyang siya’y isang gladiator
 Claudius- nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador
 Nero – ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan, kabilang ang kanyang sariling ina at asawa.
Inakusahan siya ng panunog sa Rome at natutuwa pa siya diumano habang ginagawa ito.
 Vespasian – may maayos na patakarang pananalapi at pagpapatayo ng imprastraktura katulad ng pampublikong
paliguan at amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator

L. ANG LIMANG MAHUHUSAY NA EMPERADOR


 Nerva – nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva at ang kinitang interes ay inilaan para sa mga ulila
 Trajan – narrating ang pinakamalawak na hangganan ng imperyong Roman
 Hadrian – pinalakas ang hangganan at lalawigan ng imperyo
 Antoninus Pius – ipinagbawal ang pagpapahirap sa mga Kristiyano
 Marcus Aurelius – iskolar at manunulat. Tinaguyod ang pilosopiyang stoic, paghahanap ng kaligayahan sa
pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban

You might also like