You are on page 1of 32

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Modyul 1- 4

Manunulat:

Welma G. Artoza at Angelita L. Ribalde– LPENHS- Main


Kathlyn B. Recacho – CAA- ANNEX
Leodelice J. loayon – LPCNSHS
Rowena S. Ross – LPCNSHS
Mary Cristine M. Duran at Elizabeth B. Valencia – LPENHS-TVA

Balideytor sa Nilalaman:
Ma. Eirish Zulueta at Nancy G. Verana – LPNHS
Zonia Nirza – LPCNSHS
Mark Joseph Arsenio – LPNHS
Marilou A. Perdigon - LPNHS
Michelle C. Fenis – LPENHS- TVA
Mary Ann C. Rascano – LPNHS

Balideytor sa Wika:
Erlinda E. Gozum-LPNHS-SHS

Balideytor sa Pagkakaangkop:
Desiree G. Medina- LPNNHS

Konsolideytor:
Marietta P. Paa– LPCTVHS

2
Paano Gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, kailangang isantabi muna ang lahat ng iyong
mga pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusan ng pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung
may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-
araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

3
Aralin Panahon ng Renaissance
1
5
Layunin sa Pagkatuto
Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politika, ekonomiko at sosyo-
kultural sa panahon ng Renaissance.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, iyong masusuri ang mahahalagang pagbabagong politika,
ekonomiko, at sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance.

I. Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba.

4
Pamprosesong Tanong

Bakit sa Italy nagsimula ang paglinang at pag-usbong ng mga bagong


kalaaman ng tao?

II. Isaisip

Isaisip ang mga sumusunod na mahahalagang konsepto ng aralin at


sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 300 –
307 upang mapalalim pa ang iyong kaalaman.
Dahil sa mga kaganapan sa Europe sa huling bahagi ng Middle Ages,
nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin ng mga Europeo sa daigdig at pumasok
ang Europe sa panahon ng Renaissance.
Ang Renaissance ay tumutukoy sa kilusang intelektuwal o kultural na
nagtangkang muling buhayin ang kaalaman at kultura mula sa sinaunang
kabihasnan ng mga Griyego at Romano sa pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan, kultura at wika nito. Ito rin ay nangangahulugang muling pagsilang o
“rebirth”
Ang Renaissance ay nagsimula sa mga lungsod sa Hilagang Italy tulad ng
Florence.Venice at Milan dulot ng magandang lokasyon ng mga ito, pinagmulan
ng kadakilaan ng sinaunang Rome at mga unibersidad na naitaguyod upang
manapanatiling buhay ang kulturang klasikal, mga teknolohiya at pilosopiyang
kaalaman.
Ang mga tagapagtaguyod ng Renaissance ay nakilala bilang mga Humanist o
Humanista dahil ang pinagtuunan nila ng pansin ay ang mga asignatura sa
humanidades gaya ng wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan,
agham, matematika, pilosopiya, sining at maging sa musika. Si Francesco
Petrarch ang itinuturing na “Ama ng Humanismo”.
Ilan sa mga kilalang humanista na kilala sa iba’t ibang larangan ay sina Leonardo
da Vinci, Michelangelo, Niccolo Machiavelli, William Shakespeare, Galileo Galilei
at marami pang iba.
Ang impluwensya ng Renaissance ay matatagpuan sa humanistikong
pananaw sa daigdig.
Pinagtuunan ng pansin ng Renaissance ang kakahayan ng taong maabot
ang pinakamataas na potensyal nito sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at
talento.
Bagamat limitado sa pagkakataon at karapatan, may mga kababaihan
ding nagkaroon ng ambag sa Humanism. Ilan dito ay sina Isotta Nogarola, Laura
Cereta at iba pa, na nakilala sa larangan ng sining, panitikan at mga kaisipang
teolohikal at sekular.

5
III. Mga Gawain

A. Gawain1: Break the Code


Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng
tamang sagot sa patlang. Ang unang tatlong letra ng tamang sagot ay
malalaman sa pamamagitan ng pagsira/pagtingin sa code. Matapos masira
ang code, isipin ang kasunod na mga letra upang mabuo ang tamang sagot.
Halimbawa:

Ang 2 -1 –14 ___ ___ ___ ang nagmamay-ari o namamahala ng bangko.


Sagot: BAN K E R

A-1 B-2 C-3 D-4 E-5 F-6 G-7

H-8 I-9 J-10 K-11 L-12 M-13 N-14

O-15 P-16 Q-17 R-18 S-19 T-20 U-21

V-22 W-23 X-24 Y-25 Z-26

1. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang”


o 18- 5- 2____________.

2. Umusbong ang Renaissance sa bansang 9-20-1____________.

3. Ang 8-21-13____________ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance


na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome.

4. Sa larangan ng sining at panitikan ang kinikilalang“Ama ng


Humanismo”ay si 6-18-1____________.

5. Ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” at sumulat ng tanyag na


dulang “Romeo at Juliet ay si 23-9-12____________.

6. Si 12-5-15____________ay nakilala sa kanyang obra maestra na “Huling


Hapunan” (Last Supper)

6
7. Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance na gumawa ng estatwa ni
David ay si 13-9-3__________.

8. Ang teoryang Heliocentric ay inilahad ni 13-9-3____________.

9. Ang astronomo at matematiko na si Galileo Galilei ang nakaimbento


ng 20-5-12____________.

10. Ang higante ng siyentipikong Renaissance at nakatuklas ng “Law of


Gravity” ay si 19-9-18____________.

B. Gawain 2: I-Tweet Mo!

Panuto: Suriin ang sining at panitikan ng Pilipinas. Gumawa ng isang mensahe


sa iyong TWITTER Account na magpapakilala sa sining at panitikan na akda
ng mga Pilipino upang makilala sa buong daidig. Basahin ang rubric upang
maunawaan ang pamantayan sa gawaing ito at basahin ang paliwanag sa
ibaba upang maunawaang mabuti ang gawain.

10 8 6 4
Nilalaman Ang text ay Ang text ay Ang text ay Ang text ay
napakaayos maayos na medyo hindi maayos
na inilahad at nailahad maayos na na nailahad
naipaliwanag at nailahad at at
naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
Originality/ Ang tweet ay Di gaanong Medyo hindi Hindi
Creativity nagpapakita makita ang gaanong makitaan ng
ng orihinalidad at makita ang orihinalidad at
orihinalidad at at di gaanong orihinalidad at hindi
nakakukuha nakakukuha medyo di nakakukuha

7
ng atensyon ng atensyon gaanong ng atensyon
ng ng nakakukukha ng
magbabasa magbabasa ng atensyon magbabasa
ng
magbabasa

Pagbuo ng Walang mali May ilang mali Apat ang mali Higit sa apat
mensahe sa gramatika sa gramatika sa gramatika ang mali sa
at baybay ng at baybay ng at baybay ng gramatika at
salita salita salita baybay ng
salita

IV. Tayahin: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” at sumulat ng “Romeo at


Juliet”?
A Leonardo da Vinci C Nicollo Machiaveli
B Miguel de Cervantes D William Shakespeare

2. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?


A. dahil sa magandang lokasyon nito
B . dahil sa mayayaman ang mga Europeo.
C. dahil ito pinagmulan ng mga sinaunang Europeo.
D. dahil sa maraming mga intelektwal na Europeong naninirahan dito.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng paglaganap ng Renaissance sa


labas ng Italy?
A. dahil sa mga batang iskolar
B . dahil sa pagkakaroon ng digmaan.
C. dahil sa mga negosyante o mangangalakal.
D. dahil sa mga diplomatikong palabas-labas ng bansa dahil sa trabaho at
interes.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa epektong dulot ng Renaissance?


A . Nagpaningas sa Rebolusyong Intelektual.
B . Nagpaunlad sa doktrinang pansimbahan.
C . Nagpasulong ng paglago ng mga pambansang estado.
D. Tumulong sa mga tuklas ng heograpiya at mga eksplorasyong maritime.

8
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kinakitaan ng katangian ng Renaissance?
A. Pagkilala sa mga dakilang humanista.
B . Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan.
C . Paglikha ng iba’t ibang anyo ng sining.
D . Pagbibigay halaga sa tao at sa ikabubuti nito.

V. Karagdagang Gawain : Concept Frame


Panuto: Suriin ang panahon ng Renaissance sa pamamagitan ng paglagay ng
mga impormasyon sa Frame.

KAHULUGAN SALIK SA PAGSIBOL NG RENAISSANCE SA ITALY


1. 2.

KABABAIHAN AMBAG SA KABIHASNAN (Sino ang may akda-


SA RENAISSANCE DECAMERON, IN PRAISE OF FOLLY, THE PRINCE,
DON QUIXOTE DE LA MANCHA MADONNA
AND THE CHILD)
3. 4.

9
Aralin Dahilan at Pangyayari ng
2 Unang Yugto ng
5 Kolonyalismo
Layunin sa Pagkatuto:
• Nasusuri ang dahilan at pangyayari ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, ating susuriin ang mga naging dahilan at mahahalagang
pangyayari noong Unang Yugto ng Kolonyalismo.

I. Tuklasin

https://tinyurl.com/y6lkbu5k

10
Pamprosesong Tanong:

Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa bawat isa at anong kaisipan ang
iyong maaaring mabuo?

II. Isaisip
Isaisip ang mga sumusunod mahalagang konsepto ng aralin at
sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina
322-336 upang mapalalim pa ang iyong kaalaman.

Ika-15 hanggang 17 naganap ang unang yugto ng Imperyalismong


mga Kanluranin. Tatlong bagay ang itinuturing na para sa kolonyalismo
dulot ng eksplorasyon.
• Ang paghanap ng kayamanan
• Pagpalaganap ng Kristiyanismo
• Paghangad ng karangalan at katanyagan.

Mga Pangyayaring nagbunsod sa Unang Yugto ng Imperyalismo.


• Motibo at Salik ng Eksplorasyon – Napukaw ang interes ng mga
Kanluranin nang marating ni Marco Polo ang China at mayayamang lugar at
pamumuhay dito.
• Paghahanap ng Spices- Ang kalakalan ng mga spices ang
nagdadala ng mataas na demand para sa mga Kanluran na may malaking kita.
• Pangunguna ng Portugal sa Paggalugad- Sa panahong 1420-1528
naglalayag na ang mga mandaragat na Portuges at humahanap ng mga daan
patungong Asya.
• Paghahangad ng Spain sa Kayamanan mula sa Silangan – ito ang
nagbunsod na tumuklas ng mga lugar kaya narating ang India at ang tinatawag
na bagong daigdaig.
• Paghahati ng Mundo- Dahil sa lumalalang paligsahan ng Spain at
ng Portugal at ang Papa ng Roma ang namagitan na naglabas ng kautusan ng
papal bull.
• Paglalakbay ni Ferdinand Magellan- Nagpatunay ang mga
ekspedisyon na maaaring ikutin ang mundo at muling makabalik sa
pinanggalingan.
• Ang mga Dutch – Naging makapangyarihan sa pagpasok ng 17
siglo at napasakamay nila ang mga lupaing nasakop ng Poruges.

11
Maraming mahahalagang epekto ang Unang Yugto na naging salik ng
eksplorayon at kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya at Amerika ang
sumusunod:
Pag-unlad ng teknolohiya sa paglalayag
Suporta ng monarkiya sa bawat ekspedisyon
Kuryosidad at tiwala sa kakayahan ng tao dulot ng Renaissance
• Pinangunahan ng bansang Portugal ang Panahon ng
Paggagalugad.
• Nagpaligsahan ang mga bansang Portugal, Spain, Netherlands,
England at France sa pagtuklas ng mga bagong lupain sa Asya at Amerika.
• Umunlad ang pakikipagkalakalan sa pagitan ng Europe, Asya at
Amerika noong panahon ng kolonisasyon.

III. Mga Gawain

A. Gawain1: Balangkas ng Kaisipan


Panuto: Suriin at punan ng angkop na ideya ang grapikong talahanayan.

12
Pamprosesong Tanong:
Sa paanong paraan naging matagumpay ang pagtuklas ng mga
bagong lupain ng mga Kanluranin?

B. Gawain 2: Mapa-Suri
Panuto: Gamiting batayan ng pagsusuri ang mapa ng daigdig

https://tinyurl.com/y2ux6c5p

13
Punan ang tsart ng datos na hinihingi ng talahanayan.
Kanluraning Bansa Eksplorador Lupaing Nagalugad

❖ Pamprosesong Tanong:
Paano nakatulong sa Europe ang pagkakaroon ng kolonya sa Asya at
Amerika?

IV. Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat aytem at itiman ang bilog na may titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi naging motibo ng kolonyalismo?


Ⓐ paghahanap ng kayamanan
Ⓑ pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Ⓒ pag-unlad ng teknolohiya sa paglalakbay
Ⓓ pagpapalawak ng kapangyarihan at makamit ang hinahangad na
katanyagan

2. Alin sa sumusunod ang nakatulong sa matagumpay na paglalayag ng mga


Europeo?
Ⓐ aklat ni Marco Polo
Ⓑ talaan ng paglalakbay nina Marco Polo at Ibn Batuta
Ⓒ mga unibesidad na ipinatayo ng mga hari at aristokrata
Ⓓ teknolohiya sa palalakbay tulad ng compass at astrolabe

14
3. Alin ang wastong pagkasunod-sunod ng mga bansang nag-unahan sa
paggalugad ng mga lupain sa Asya at Amerika?
Ⓐ Portugal, England, Spain, France, Netherlands
Ⓑ Portugal, Spain, England, Netherlands, France
Ⓒ Portugal, Spain, Netherlands, France, England
Ⓓ Portugal, Spain, Netherlands, England, France

4. Bakit mahalaga ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan?


Ⓐ dahil nabago nito ang pananaw tungkol sa daigdig
Ⓑ dahil naipakita nito ang kahalagahan ng paglalakbay
Ⓒ dahil naging pangunahing pamilihan ng mga produktong Europeo ang
Asya
Ⓓ dahil nagkaroon ng malalim na pag-unawa
ang mga Europeo tungkol sa Asya

5. Bakit hinangad ng mga Kanluranin na marating ang Spice Islands?


Ⓐdahil isang karangalan na marating ang Spice Islands
Ⓑ dahil ang mga produkto dito ay kakaiba at hindi matatagpuan sa
pamilihan ng Europa
Ⓒ dahil ang alinmang bansang may kontrol sa
sa Spice Islands ay maaaring maging mayaman at makapangyarihan
Ⓓ dahil may malawak itong plantasiyon ng mga pampalasa na kailangan
ng mga Europeo sa kanilang mga pagkain

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Halimbawang ikaw ay nabuhay noong ika-15 siglo. Naatasan ka ng
iyong hari na maglakbay at tumuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan
ng inyong bansa. Iyong ipakikita ang naging paglalakbay sa pamamagitan ng
komik strip. Sundan lamang ang template at rubrik sa paggawa.

15
Aralin Epekto ng Unang Yugto
3 ng Kolonyalismo
5
Layunin sa Pagkatuto
• Nasusuri ang Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito iyong masusuri ang epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.

I.Tuklasin
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na pamprosesong katanungan.

16
❖ Pamprosesong Tanong:

Paano ito nakatulong sa mga manlalayag na makatuklas ng mga bagong


lupain?

II. Isaisip
Isaisip ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at
sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 337
upang mapalalim pa ang iyong kaalaman.

Maraming mahahalagang epekto ang Unang Yugto ng Kolonyalismo

• Pinangunahan ng mga Español at Portuguese ang mga eksplorasyon na


naging dahilan ng pagkakatuklas ng mga bagong lupain at ruta.
• Ito ang nagpalakas sa ugnayan ng Asya at Europa.
• Nagkaroon ng inobasyon sa mga kagamitan at teknolohiya sa paglalayag
katulad ng Astrolabe at Compass. Nagkaroon din ng makabagong
kaalaman sa heograpiya at pamamaraan ng palalayag.
• Nagkaroon ng impluwensyang kanluranin sa Asya at iba pang bagong
tuklas na lupain.
• Ito ay nagdulot ng negatibong epekto sa mga bansang nasakop tulad ng
labis na pagsasamantala sa likas na yaman.
• Nagkaroon ng pagpapalitan ng mga hayop, halaman, maging ng mga
sakit sa pagitan ng Old World at New World.

III. Mga Gawain


A. Gawain1: Positibo o Negatibo
Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang
kolumn batay sa pangungusap kung ito ay positibo o negatibong epekto ng
kolonyalismo.

EPEKTO NG UNANG YUGTO NG


KOLONYALISMO POSITIBO NEGATIBO
1. Pagpapalitan ng produkto sa pagitan ng
kanluranin at mga bagong tuklas na lupain

17
2. Naging bukas ang mga nasakop na lupain
sa mga mabubuting impluwensya tulad ng
sistemang pampolitika, relihiyon at sistemang
panlipunan
3. Nagkaroon ng palitan ng mga sakit tulad
syphilis, Malaria at Tuberculosis.

4. Malabis na paglinang at pang-aabuso ng


mga kanluranin sa mga likas na yaman ng
mga nasakop

5. Nagkaroon ng bagong kaalaman at


inobasyon sa teknolohiya, heograpiya at
paglalayag.

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga mabubuti at di-mabuting epekto ng Unang Yugto ng
Kolonyalismo?

2. Bakit nagpapaligsahan ang mga bansang tulad ng Portugal at Espanya sa


paghahanap at pananakop ng mga bagong lupain?

3. Paano nakaapekto ang pananakop ng kanluranin sa Asya, Africa at iba pang


bagong tuklas na lupain?

B. Gawain 2: Happy Face and Sad Face


Panuto: Lagyan ng kung ang ipinapahayag ng bawat bilang ay mabuting
epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at naman kung hindi mabuting
epekto.

1. Inobasyon sa mga kagamitan sa paglalayag.


2. Pagkakaroon ng mga sakit tulad ng Syphilis, Malaria at Tuberculosis.
3. Paglakas ng pangangalakal at komersyo
4. Pananamantala sa mga likas na yaman ng lupaing nasakop
5. Pagkakaroon ng mga banyaga at bagong produkto sa mga nasakop na
lupain.
6. Pang-aabuso sa mga mamamayan ng lupaing nasakop.
7. Impluwensya sa lupaing nasakop ng mga bagong kaisipang kanluranin.

18
8. Pagkawala ng mga kinagisnang kultura at tradisyon.
9. Sapilitang pagpapatrabaho sa mga mamamayan ng lupaing nasakop.
10. Pag-unlad ng transportasyon at sistema ng paglalayag.

IV. Tayahin
Panuto: Suriin ang mga pangungusap at itiman ang bilog ng tamang kasagutan.

1. Ano- ano ang dalawang bansa na nanguna sa paggalugad at naging dahilan


upang lumakas ang ugnayan ng silangan at kanluran?
Ⓐ. Britain at France Ⓒ. Spain at Britain
Ⓑ. Britain at Portugal Ⓓ. Spain at Portugal

2. Anong kontinente ang itinuturing na New World?


Ⓐ. America Ⓒ. Asia
Ⓑ. Africa Ⓓ. Europa

3. Anong kasangkapan ang ginagamit ng mga manlalayag sa pagtukoy ng


direksyon?
Ⓐ. Astrolabe Ⓒ. Galyon
Ⓑ. Compass Ⓓ. Teleskopyo

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mabuting epekto ng unang yugto ng


kolonyalismo?
Ⓐ. Pag-unlad ng komersyo at kalakalan
Ⓑ. Inobasyon sa teknolohiya at paglalayag
Ⓒ. Sapilitang pagpapatrabaho sa mga nasakop
Ⓓ. Pagpapalitan ng mga produkto at kaalaman sa pagitan ng kanluranin
at mga nasakop.

5. Bakit nagdulot ng mga suliranin sa mga lupaing nasakop ang Unang Yugto ng
Kolonyalismo?
Ⓐ. Sinamantala ang mga likas na yaman ng mga lupaing nasakop
Ⓑ. Umunlad ang kaalaman sa paglalayag ng mga kanluranin
Ⓒ. Nagkaroon ng palitan ng produkto at kaalaman
Ⓓ. Nabago ang pananaw sa daigdig

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Sa isang oslo paper ay gumawa ng isang poster tungkol sa naging
epekto ng unang yugto ng kolonyalismo sa mga lupaing nasakop ng kanluranin.
Gamitin ang rubrics sa ibaba upang maging gabay sa paggawa ng poster.

19
Aralin Epekto ng Rebolusyong
4 Siyentipiko, Enlightenment,
5 at Industriyal
Layunin: Nasusuri ang dahilan, kaganapan, at epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito iyong masusuri ang dahilan, kaganapan, at epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal.

I. Tuklasin: DEPICT a PIC

Panuto: Suriin ang mga larawan at isulat ang konseptong nais iparating nito sa
kahon sa ibaba. Gamiting gabay ang mga letra sa pagtukoy ng tamang salita.

E I T M T

20
R B S G

S Y I O

R B S G

I D R L

21
Pamprosesong mga Tanong:
Ano kaya ang naging dahilan ng mga kaganapang ito? Ito ba ay may
epekto sa kasaysayan ng daigdig?

II. Isaisip
Isaisip ang mga sumusunod na mahahalagang konsepto ng aralin at
sumangguni sa Kasaysayan ng Daigdig: Modyul ng Mag-aaral, pahina 342-
356 upang mapalalim pa ang iyong kaalaman.

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

• Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong


siyentipiko. Ito ay malaon ng ginagamit ng mga Greek bilang scientia na
nangangahulugang “kaalaman.”
• Binigyang-diin ni Nicolaus Copernicus, isang Polish, na ang mundo ay bilog
at ang araw ay ang sentro ng Sansinukuban na nakilala bilang teoryang
Heliocentric.
• Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer, natural scientist, at
mahusay na matematisyan ay bumuo ng isang pormula sa pamamagitan
ng matematika na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang
mga planeta at sa araw na hindi gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito ay
tinawag niyang ellipse.
• Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kanyang imbensyong teleskopyo at
naging dahilan ng kanyang pagdiskubre sa kalawakan.

ENLIGHTENMENT

• Ang Enlightenment ay isang kilusang intelektuwal noong ika-18 siglo sa


Europe na binuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo
mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng
pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
• Ang ambag ng mga intelektuwal o philosopher ang nagsilbing pundasyon
ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon,
demokrasya at maging sa sining.

22
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

• Ang panahon ng imbensyon ng maraming makinarya na kung saan naging


madali ang pagprodyus ng mga bagay o produkto at gawain ng mga tao.
• Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Nagdulot ito ng
pagdami ng tao sa lungsod at naging squatter na naging napakabigat na
suliraning panlipunan at pang-ekonomiya.

III. Mga Gawain


A. Gawain1: Guess Who
Panuto: Kilalanin kung sino ang inilalarawan sa bawat bilang. Ayusin ang mga
nakagulong letra upang mabuo ang pangalan na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Siya ay naniniwala na ang tao sa


kanyang natural na kalikasan ay may HOJN COLEK
karapatang mangatwiran, may mataas
na moral, at natural na karapatan ukol sa Sagot: __________________
buhay, kalayaaan, at pag-aari.

2. Siya ang sumulat ng aklat na


“Leviathan” noong 1651 na kung saan SAMOTH BESHOB
inilarawan niya ang isang lipunang walang
pinuno at posibleng maging direksyon nito
tungo sa magulong lipunan.
Sagot: __________________
3. Siya ay isang Aleman na astronomer,
natural scientist, at mahusay na JHONSENA PLEKER
matematisyan na nagpaliwanag sa pag-
ikot ng mga planeta sa araw na tinawag Sagot:
na ellipse.
___________________
4. Siya ang nakaimbento ng telegrapo na
nakatulong para makapagpadala ng LEMUAS ROSME
mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan
at kamag-anak sa ibang lugar.
Sagot:

___________________

23
5.Siya ay Amerikanong nakaimbento ng
cotton gin noong 1793 upang madaling LIE WHITENY
mapaghiwalay ang buto sa iba pang mga
materyal sa bulak. Sagot:

__________________

B. Gawain 2: Enlighten Me
Panuto: Ibigay ang iyong saloobin sa mga sumusunod na isyu hinggil sa mga
pangyayari sa kasalukuyan.

ISYU Tsek (/) Saloobin


Agree o Disagree
Pagpapatuloy ng klase sa
taong 2020-2021

Pagpapatupad ng Curfew
Mula 8pm to 5am

Pagtanggal sa mga
empleyado dahil walang
maipasahod ang mga
kumpanya

Pagdami ng mga online


seller sa internet

Pagsusuot ng face shield

Pagbabawal sa pag-
aangkas ng mga mag-
asawa sa motor

24
IV. Tayahin

Panuto: Basahin at suriin ang bawat pahayag.at itiman ang bilog ng titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pangyayari sa kasaysayan na nagkaroon ng malaking


pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at
sa United States noong 1700 at 1800.
A.
A Rebolusyong Industriyal
B.
B Rebolusyong Pantao
C.
C Rebolusyong Siyentipiko
D.
D Rebolusyong Agrikultural

2. Ito ay tinawag na panahon ng kaliwanagan na nagsimula sa batayang


kaisipan na iminungkahi ng mga pilosopo.
Ⓐ Enlightenment C Renaissance
B Reincarnation D Way of life

3. Sino ang nagsulong ng Teoryang Heliocentric na sinasabing ang mundo ay


umiikot sa sarili nitong aksis habang umiikot sa araw?

A Johannes Kepler C Nicolas Copernicus


B Leonardo Da Vinci D Thomas Hobbes

4. Paano nabago ang pamumuhay ng tao sa panahon ng Industriyalismo? Piliin


ang HINDI kabilang sa pangkat

A.
A Ang mga nasa wastong gulang lamang ang maaaring magtrabaho.
B. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod.
B
C
C. Nagdulot ito ng hidwaang pampolitika.
D
D. Sa kawalan ng hanapbuhay dumami ang mga palaboy.

5. Bakit hinangad ng mga Kanluranin na marating ang Spice Islands?

Ⓐdahil isang karangalan na marating ang Spice Islands


Ⓑ dahil ang mga produkto dito ay kakaiba at hindi matatagpuan sa pamilihan
ng Europa

25
Ⓒ dahil ang alinmang bansang may kontrol sa
sa Spice Islands ay maaaring maging mayaman at makapangyarihan
Ⓓ dahil may malawak itong plantasiyon ng mga pampalasa na kailangan ng
mga Europeo sa kanilang mga pagkain

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Maglibot sa inyong tahanan o kapaligiran. Ano ang iyong nakikitang
mga bagong bagay o kagamitan? Itala ito sa tsart sa ibaba at ibigay ang
epekto ng paggamit nito.

Mga Bagong Gamit o silbi ng Epekto ng Paggamit


Kagamitan kagamitan

26
Susi sa Pagwawasto

Paksa; Aralin1: Panahon ng Renaissance

Gawain 1: Break the Code


1. Rebirth
2. Italy
3. Humanismo
4. Francesco Petrarch
5. William Shakespeare
6. Leonardo da Vinci
7. Michelangelo Bounarotti
8. Nicolas Copernicus
9. Teleskopyo
10. Sir Isaac Newton

Tayahin
1. D 4. B
2. A 5. B
3. B

KARAGDAGANG GAWAIN
1. Ang Renaissance ay nangangahulugang muling pagsilang o rebirth.
2. A. Dahil sa magandang lokasyon ng Italy
B. Pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome
C. Pagtataguyod ng maharlikang angkan sa mga
taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-
aaral
D. Dahil sa mga Unibersidad sa Italy
3. Laura Cereta, Isotta Nogarola, Veronica Franco,
Vittoria Colonna, Sofonisba Anguissola at Artemesia
Gentileschi
4. Giovanni Boccacio
Desiderious Erasmus
Nicollo Machievelli
Miguel de Cervantes
Raphael Santi

27
Susi sa Pagwawasto:

Paksa; Aralin 2: Dahilan at Pangyayari ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

I.Tuklasin
Pamprosesong Tanong:
Kolonyalismo

III.Mga Gawain
A. Gawain1: Balangkas ng Kaisipan

Pamprosesong Tanong
Naging matagumpay ang mga Europeo sa paglalakbay at paggalugad ng
mga bagong lupain sa Asya, Africa at Amerika sa pamamagitan ng paggamit
ng mga makabagong imbensyon tulad na lamang ng compass at astrolabe.
Malaking tulong din ang mga pagbabago sa dating nakasanayang mapa at
suportang iginawad ng mga hari.

B. Gawain 2: Mapa-Suri

Kanluraning Eksplorador Lupaing Naggalugad


Bansa
Bartholomeu Dias Cape of Good Hope
Portugal Vasco da Gama Calicut , India
Pedro Cabral Brazil
Christopher Columbus Bahamas, Haiti,
Domincan Republic,
Cuba

Amerigo Vespucci Amazon River (Brazil –


Argentina)
Spain
Ferdinand Magellan Pilipinas, Guam

Fancisco Pizarro Peru ( Incan Empire)

Mexico (Aztecs)
Hernan Cortes

28
Hernando de Sotto Mississippi River
(Florida- North
Carolina)

Netherlands Henry Hudson Hudson River (New


York)
England John Cabot NewFoundland,
Southern Labrador

Francis Drake San Francisco


( California)
France Jacques Cartier Canada

Pamprosesong Tanong:
Nabuwag ang monopolyo sa kalakalan sa pagitan ng mga Turkong Muslim
at Venetian Merchants, dumagsa ang produkto ng Asya at Amerika sa
pamilihan ng Europe. Umunlad ang kalakalan at naging sentro ng
pandaigdigang kalakalan ang Europe.

IV.Tayahin
1. C 2. D 3. D 4. A 5. C

V.Karagdagang Gawain
Pagmamarka sa gawain ay nakabatay sa rubric

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


Puntos
Angkop ang napiling
NILALAMAN sitwasyon 8
Madaling maunawaan at
malikhain ang
KAANGKUPAN paglalarawan ng 6
sitwasyong nasa strip
Gumamit na angkop na
disenyo, larawan, kulay
PRESENTASYON upang maging kaaya-aya 6
ang comic strip

Kabuuan 20

29
Susi sa Pagwawasto:

Paksang Aralin 3: Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Gawain1: Positibo o Negatibo


Positibo Negatibo
1 /
2 /
3 /
4 /
5 /

Gawain 2: Happy Face and Sad Face


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

II. Tayahin
1. D
2. A
3. B
4. C
5. A

30
Susi sa Pagwawasto

Paksang Aralin 4: Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at


Industriyal.

I. Tuklasin. DEPICT a PIC


REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
ENLIGHTENMENT
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Pamprosesong sagot:
Dahil ang panahong ito sa Europe ay nakasentro sa pagtuon ng mga
tao sa edukasyon at agham. Ang Rebolusyong Siyentipiko ay pagsisimula
rin ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang
pagmamasid sa sansinukob. Naisilang ang mga siyentista. Naganap ang
panahon ng Enlightenment bunga ng pamamaraang makaagham na
maaaring gamitin upang umunlad ang buhay ng tao sa larangan ng
pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at edukasyon. Naisilang ang
mga pilosopo. Ang Rebolusyong Industriyal ay panahon kung saan ay
nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng
makinarya ang mga tao sa kanilang produksiyon. Naisilang ang mga
imbentor. Ang panahong ito ay may malaking kinalaman sa pag-unlad ng
kasaysayan ng ating daigdig dahil ang epekto nito ay nararanasan pa rin
ng mga tao sa kasalukuyang panahon.

III. Mga Gawain

A. Gawain 1: Guess Who


1. JOHN LOCKE
2. THOMAS HOBBES
3. JOHANNES KEPLER
4. SAMUEL MORSE
5. ELI WHITNEY

31
B. Gawain 2: Enlighten Me
Gamitin ang rubrics sa pagbibigay ng puntos sa pagwawasto

Pamantayan 5 3 1
Isyung pinag- May malalim na Mababaw lamang Walang kaalaman sa
uusapan kaalaman tungkol sa ang kaalaman sa isyung pinag-uusapn
paksa isyung pinag-
uusapan
Saloobin Naisulat nang Naisulat nang Maligoy ang
maayos at wasto maayos ang mga pagkakasulat ng
ang mga pangungusap hinggil mga pangungusap
pangungusap hinggil sa saloobin sa isyung hinggil sa isyung
sa saloobin sa isyung nakatala. nakatala.
nakatala.

IV.Tayahin
1. A
2. A
3. C
4. A
5. D

Sanggunian:

Aralin 1
Renaissace Period: Timeline, Art and Facts accessed August 7, 2020

Aralin 2
Blando, Rosemarie et.al. “Pag-Usbong at Pag-Unlad ng Klasikal at Transisyonal
Na Panahon”. In Modyul Ng Mag-Aaral Araling Panlipunan Kasaysayan Ng
Daigdig, 1st ed., 322-326. 2014. Pasig City: DepEd-IMCS, n.d

Aralin 3
Pag- Usbong at Pag- Unlad ng Klasikal at Transisyonal Na Panahon”. Modyul Ng
Mag- aaral

Aralin 4
Blando, Rosemarie et. al. 2014. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan
Modyul ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc. at DepEd-IMC

32

You might also like