You are on page 1of 22

I.

Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naibibigay ang kahulugan ng Renaissance.

2. Naipapaliwanag ang mga salik sa Pagsibol ng Renaissance.

3. Napapahalagahan ang mga ambag ng Renaissance sa ibat-ibang larangan.

4. Nakagagawa ang bawat pangkat ng isang presentasyon patungkol sa Renaissance.

II. Nilalaman

A. Paksa: Pag-usbong ng Renaissance

B. Kagamitan: Laptop, LCD Projector at mga larawan.

C. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon 2014 pahina 300 – 307; at

Araling Panlipunan Serye III, Kasayasayan ng Daigdig – Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon, Bagong
Edisyon 2012 pahina 218 - 224

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro

Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na Panalangin

- Arjohn Regis, maari mo bang pangunahan sa maikling panalangin ang gagawin nating pag-aaral sa
hapon na ito?
2. Pagbati ng Guro

- Magandang Hapon seksyon Pythagoras.

- Bago maupo ang lahat maaari bang ayusin ninyo ang inyong mga upuan at pulutin kalat sa paligid.

3. Pagtatala ng lumiban sa klase.

- Mayroon bang liban sa klase ngayon?


- Magaling! bigyan ng tatlong (3) bagsak ang inyong seksyon. Simulan na natin ang ating aralin.

4. Balik-Aral

- Kahapon ay ating tinalakay ang paglakas ng Simbahan at ang papel nito sa paglakas ng Europe.
Ano nga ba ang gampanin ng isang Papa?

- Mahusay! Ano naman ang gampanin ng Simabahan sa paglakas ng Europe?

- Mahusay! May mga katanungan pa ba kayo hinggil dito?

- Kung wala na ay dumako na tayo sa susunod nating aralin.

5. Lunsaran/Pagganyak

- Anong mga larawan ang makikita ninyo sa pisara?

(Magpapakita ng mga larawan na may kinalaman sa paksang tatalakayin.)

Mona Lisa
Last Supper

Teleskopyo / Galileo Galilei


- Mahusay! Sa tingin ninyo tungkol saan ang tatalakayin natin sa araw na ito?

- Tama, ito ay patungkol sa Renaissance.

- Iyuko po natin ang ating mga ulo at damhin ang presensya ng ating Panginoon. Ama na aming
Diyos banal at makapangyarihan sa lahat kami po ay nagpapasalamat sa iyong kabutihan. Sana po sa
araw na ito buksan mo ang aming puso at isipan sa gagawin naming mga pag-aaral ikaw nawa ang
maghari sa bawat isa sa amin. Patawad po sa aming mga sala. Sa pangalan ng aming Panginoong Jesus
na dakila at aming Tagapagligtas. Amen

- Magandang Hapon rin po Ginoong Nava.

- (Aayusin ng mga mag-aaral ang upuan at pupulutin ang mga nakitang kalat.)
- Kinalulugod ko pong sabihin na wala pong liban sa ating klase.

- Siya po ang may pinakamataas na kapangyarihan sa ating simbahan.

- Sa pangunguna ng simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang
Kristiyano, ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.

- Wala na po.
- Mona Lisa

- Last Supper o Huling Hapunan


- Teleskopyo / Galileo Galilei

- Sir, tungkol po sa Renaissance.

B. Paglinang ng Gawain

1. Paglalahad
- Ano nga ba ang kahulugan ng Renaissance?

- Mahusay! May iba pa bang kasagutan?

- Magaling! Maari rin na ilarawan ang Renaissance sa dalawang paraan. Una bilang kilusang
intelektwal o kultural at Pangalawa bilang panahon ng transisyon mula Middle ages tungo sa modernong
panahon.

- Isa pa sa maikakabit natin sa Renaissance ay ang pag-usbong ng Humanismo. Ano ang kahulugan
ng Humanismo?

- Tama! Muli ang Renaissance ay nangangahulugang “Muling Pagsilang” at ang Humanista ay ang
nagsilbing tagapagpalaganap nito.

2. Pagtalakay
- Ngayon upang mas ganap nating maunawaan ang pag-usbong ng Renaissance ay hahatiin natin
ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng sampung minuto upang magkaroon ng
palitan ng kaalaman ang bawat miyembro. Pipili ang bawat pangkat ng isang kinatawan na
magpapaliwanag ng kanilang nagawa.

- Para sa unang pangkat ang inyong paksa ay Salik sa Pagsibol ng Renaissance gamit ang Discussion
Graphic Organizer.

- Para sa ikalawang pangkat ang inyong paksa ay ambag ng Renaissance sa larangan ng Sining at
Panitikan gamit ang Human Chart.

- Magkakaroon ng 2 mag-aaral na kung saan ang isa ang siyang gagaya sa bawat kilalang
personalidad sa panahon ng Renaissance at ang isang pang mag-aaral ang siya namang magpapaliwanag.
- Para sa ikatlong pangkat ang inyong paksa ay ambag ng Renaissance sa Larangan ng Pagpinta gamit
ang Panel Discussion.

- Sa pamamagitan ng Panel Discussion ay magsasagawa ang pangkat ng paraang pa-interbyu na


kung saan mayroong isang mag-aaral na magtatanong patungkol sa mga kilalang personalidad sa
larangan ng pagpinta at agham.

Narito ang batayan para sa pagmamarka.

Rubriks sa Pagmamarka

Kategorya

Nilalaman

Wasto ang nilalaman at naibigay ang lahat ng impormasyong hinihingi.

Wasto ang nilalaman ngunit medyo kakaunti lamang ang naibigay na impormasyon

Kulang ang nilalaman at hindi angkop ang impormasyong ibinigay.

Presentasyon

Maayos na naipakita at naipaliwanag ng lubusan ang paksa.

Maayos na naipakita ngunit hindi naipaliwanag ng maayos ang paksa.


Hindi naipakita ng maayos at hindi rin naipaliwanag ng maayos ang paksa

Pagkamalikhain

Malikhain sa paggawa ng biswal eyd o props.

Hindi gaanong malikhain sa paggawa ng biswal eyd o props.

Hindi malikhain sa paggawa ng biswal eyd o propsb

(Ipapaliwanag ng guro ang rubriks)

- May mga katanungan pa ba kayo?

- kung gayon pumunta na ng tahimik sa kani-kanilang pangkat.

- Tapos na ang nakalaang oras para sa inyong gawain. Tumayo na ang kinatawan ng unang pangkat.

- Mahusay!

(Magbibigay ang guro ng mga karagdagang impormasyon na hindi nabanggit ng pangkat)

- Magaling! (Magbibigay ang guro ng mga karagdagang impormasyon na hindi nabanggit ng


pangkat)
- Magaling! (Magbibigay ang guro ng mga karagdagang impormasyon na hindi nabanggit ng
pangkat)

C. Paglalahat

- Bilang paglalahat, patungkol sa ating tinalakay, Ano nga ang kahulugan ng Renaissance?

- Anu-ano ang mga naging salik sa pag-usbong ng Renaissance?

- Magaling!

D. Paglalapat
- Anong mga prinsipyo o kaalamang hango sa Renaissance ang maari nating iangkop sa kasalukuyan.

Halimbawa: Sa halip na Bandalismo, bakit hindi tayo gumawa ng Murals upang maging maganda ito.

E. Pagpapahalaga

Bilang mag-aaral, paaano mo mapahahalagahan ang mga naging ambag ng mga kilalang tao noong
panahon ng Renaissance?

- Ang Renaissance po ay nangangahulugan na

“Muling Pagsilang” o “Rebirth”.

- Ito po ay galing sa salitang Pranses na “Revival”

- Muling pag-usbong
- Ang humanismo po ay isang kilusang intelektwal noong panahon ng Renaissance na naniniwalang
dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Roma.
- Wala na po.

- Pangkat 1 – Pagtalakay ukol sa mga naging salik sa pagsibol ng Renaissance

- Pangkat 2 – Pagtalakay ukol sa mga naging ambag ng Renaissance sa larangan ng Sining at


Panitikan.

- Pangkat 3 – Pagtalakay ukol sa mga naging ambag ng Renaissance sa larangan ng Agham at


Pagpinta.
- “Muling Pagsilang” o “rebirth” po Sir.

- Ang Italy ay matatagpuan sa pagitan ng Gitnang Silangan at Kanlurang Europa.

- Sa Italya nahubog ang kadakilaan ng unang Rome at ang Italyano ay may higit na kaugnayan sa
mga naunang Romano kaysa alinmang bansa sa Europa.

- Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong makasining at masigasig sa pag-aaral.

- Ang sagot ng mag-aaral ay naka-ayon sa kanilang ideya.)


- Ang sagot ng mag-aaral ay naka-ayon sa kanilang ideya.)

IV. Pagtataya

PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang mga konseptong inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa
sariling papel.

Hanay A

Hanay B

1.Nagpanukala ng batas ng Universal Gravitational.

a. Francesco Petrarch

2. Siya ang nakaimbento ng Teleskopyo.

b. Galileo Galilei

3. Nagpanukala ng Teoryang Heliocentric

c. Leonardo da Vinci

4. Sino ang tinagurianag ganap na pintor o Perpektong Pintor.

d. Miguel de Cervantes

5. Siya ang may obra maestro sa Huling Hapunan.


e. Michelangelo Bounarot

6. Siya ang maylikha ng La Pieta.

f. Nicolas Copernicus

7. Siya ang may akda ng Nobelang “Don Quixote de la Mancha”

g. Nicollo Machievelli

8. Isang diplomatikong manunulat na taga Florence at may-akda ng “The Prince”

h. Raphael Santi

9. Nakilala bilang “Ama ng Humanismo”

i. Sir Isaac Newton

10. Tinaguriang “Makata ng mga Makata”

j. William Shakespeare

Takdang-Aralin

Basahin ang Modyul 3, Aralin 1 sa pahina 309-313 sa inyong aklat, Kasaysayan ng Daigdig – Modyul ng
Mag-aaral Unang Edisyon 2014 at sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang Repormasyon?

2. Ano ang Kontra-Repormasyon?

3. Ano ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga tao?

Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan - Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon 2014

You might also like