You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES DIVISION OF CITY SCHOOLS OF MALOLOS

DEPARTMENT OF EDUCATION CITY OF MALOLOS INTEGRATED SCHOOL - ATLAG


REGION III

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: __________________________________________________________________ Pangkat: _______________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Nilalayon ng pagsusulit na ito na mataya ang antas ng iyong kabihasaan sa kontribusyon ng mga pangyayari sa
Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa sa daigdig.

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin lamang ang pinakatamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang mga Mycenaean ay naniniwala sa mga diyos at diyosa. Sino ang pinakamakapangyarihang diyos na sinasamba nila?
a. Ares b. Athena c. Poseidon d. Zeus

_____2. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa isla ng Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano
ang pangunahing dahilan nito?
a. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
b. Napakalakas ng mga pwersang pangmilitar ng mga Minoan.
c. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
d. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.

_____3. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang
dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado dito?
a. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
b. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Gresya kaya iba-iba ang kabihasnang umusbong dito.
c. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europa na isang mabundok na lugar.
d. Mahaba ang mga daungan sa Gresya kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado.

_____4. Ano ang tawag sa sentro ng politika at relihiyon na matatagpuan sa pinakamataas na bahagi ng mga sinaunang lungsod-estado sa Gresya?
a. Acropolis b. Agora c. Chora d. Polis
_____5. Ano ang lungsod-estado sa Gresya na mayroong pinakamagaling na sandatahang lakas sa buong daigdig?
a. Athens b. Corinth c. Dorian d. Sparta

_____6. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Roma bilang pinakamakapangyarihans a Mediterranean?
a. Natalo at nasakop ng Roma ang malalakas na kabihasnan ng Mediterranean tulad ng Carthage at Greece.
b. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Roma kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
c. Naipagpatuloy ng Roma ang kalakasan ng kulturang Griyego.
d. Wasto ang lahat ng nabanggit.

_____7. Ang Roma ang nagtatag ng pamahalaang Republika. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. Kinasuklaman nila ang masalimuot na karahasan sa pamamalakad ng mga malulupit na hari.
b. Nais nilang gayahin ang pamahalaang demokratiko ng Athens.
c. Gusto nilang subukan ang ibang sistema ng pamahalaan.
d. Wala sa nabanggit.

_____8. Ano ang sanhi kung bakit natakot ang mga Patrician sa pagrerebelde ng mga Plebian?
a. Mawawalan ng silbi ang Republika at ang mga Plebian ay maaaring magtatag ng sarili nilang pamahalaan.
b. Mas malaki ang populasyon ng mga Plebian kaysa sa Patrician.
c. Mawawalan sila ng mga alipin at manggagawa.
d. Lahat ng nabanggit ay wasto.

_____9. Upang maibalik ang tiwala ng mga Plebian sa Republika, ano ang ginawa ng mga Patrician?
a. Pinayagan silang umupo bilang mga senador at konsul.
b. Binigyan sila ng mas maraming karapatang pantao.
c. Pinatawag ang dati nilang utang.
d. Lahat ng nabanggit ay wasto.

_____10. Bakit mas pinili ng mga Romano na maghalal ng dalawang konsul sa halip na pumili ng isang hari?
a. Upang maiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan ng iisang pinuno.
b. Upang maging kakaiba sa iba pang kabihasnang nabuo noong sinaunang panahon.
c. Upang higit na maging bukas sa pamahalaan sa pakikipagdayalogo sa mga mamamayan.
d. Upang higit na mapalakas ang pamahalaan sa pamamagitan ng dalawang malakas na pinuno.
_____11. Bakit naghimagsik ang mga Plebian laban sa mga Patrician?
a. Dahil sa kawalan nila ng kinatawan sa republikang Romano.
b. Dahil sa mababang pagtingin sa kanila ng mga Patrician.
c. Dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kanila.
d. Lahat ng nabanggit ay wasto.
_____12. Ang Romano ay nakilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ano ang batas na nagbibigay ng pantay na karapatan
sa lahat ng mamamayan ng Roma?
a. Center Table b. Pax Romana c. Stola d. Twelve Tables

_____13. Alin ang pinakamahalagang pamana ng Roma sa kabihasnan?


a. Batas at pamahalaan b. Inhinyera c. Panitikan d. Sining

_____14. Ano ang kalaban ng Roma sa Digmaang Punic?


a. Carthage b. Messina c. Pergamum d. Sicily

_____15. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
a. Napalilibutan ito ng anyong tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka.
b. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara.
c. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mananakop.
d. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa,
at ng mga Arab sa Sahara.

_____16. Bakit tinawag na ‘Dark Continent’ ng mga Kanluranin ang Africa?


a. Hindi nila agad ito nagalugad. c. Limitado ang alam nila dito.
b. Mahirap marating ang Africa. d. Malayong kontinente ito.

_____17. Maliban sa kabihasnang Egypt, naitatag din sa Aprika ang mga imperyong Ghana, Mali, at Songhai. Ano ang naging daan sa pagsibol at
paglakas ng mga imperyong ito?
a. Malawak ang kanilang sakahan at pastulan.
b. Mayroon silang malakas na pwersang military.
c. Nasakop nila ang maliliit na pamayanan ng mga katutubo sa Aprika.
d. Mayroon silang masiglang kalakalan sa iba’t ibang bahagi ng Aprika.

_____18. Ang mga imperyong Ghana, Mali, at Songhai sa Kanlurang Aprika ay lubusang naging maunlad at makapangyarihan. Ano ang naging
pangunahing dahilan nito?
a. agrikultura b. pagmimina c. pakikipagkalakalan d. turismo

_____19. Paano ipinakita ng mga taga-Mesoamerika ang pagpapahalaga sa kanilang agrikultura?


a. Nagtayo sila ng mga imbakan ng pagkain.
b. Ipinagbawal nila ang pag-aaksaya ng mga pagkain.
c. Bayani ang turing nila sa kanilang mga magsasaka.
d. Paniniwala sa diyos na may kaugnayan sa pagtatanim.

_____20. Ano ang tawag sa isang pangritwal na laro ng mga Olmec na kahalintulad ng basketbol subalit hindi maaring hawakan o gumamit ng
kamay?
a. Kop-po-tak b. Pok-a-tok c. Speak Takraw d. Tlacopan

_____21. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
a. Itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
b. Nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
c. Higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tagaMesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
d. Nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang
buhay.

_____22. Ano ang magpapatunay na ang pamana ng kabihasnang Mesoamerica ay kapaki-pakinabang sa kasalukuyang panahon?
a. Ang mga Mayan ay may mahusay na sistema sa aspeto ng agrikultura.
b. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
c. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan.
d. Pagpapaunlad ng mga armas na yari sa bakal at pagbili ng mga kabayo upang gamitin sa pakikidigma.
_____23. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng
Micronesia?
a. Maraming isla c. Maitim na mga isla
b. Maliliit na mga isla d. Maitim ang mga tao
_____24. Bakit tinabunan ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas o floating garden?
a. Upang hadlangan ang pagbaha.
b. Upang dagdagan ng mga lupang taniman.
c. Upang maging proteksyon sa mga kalaban.
d. Upang mapalawak ang teritoryong nasasakupan.

_____25. Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon o pamana ng Kabihasnang Roma?


a. Kaligrapiya – sistema ng pagsusulat gamit ang mga simbolong panlarawan
b. Ang sining ng terracotta ay para sa napaka-maingat na pagmomolde ng mga figure ng hayop.
c. Sa Twelve Tables nakasaad ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas.
d. Inilahad ng Iliad ang mga pangyayari sa digmaan at naipakilala ang kahusayan ng mga mandirigmang tulad nina Achilles ng Greece
at Hector ng Troy.
_____26. Sa pamahalaang demokrasya, ang kagustuhan ng nakararami ang nasusunod. Ano ang naidudulot nito sa mga mamamayan?
a. Pamumuhay na malaya.
b. Pamumuhay na mapayapa.
c. Pagtanggap sa mga dayuhan.
d. Pagyaman ng mga mamamayan.

_____27. Ang Roma ang nagtatag ng pamahalaang Republika. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. Kinasuklaman nila ang masalimuot na karahasan sa pamamalakad ng mga malulupit na hari.
b. Nais nilang gayahin ang pamahalaang demokratiko ng Athens.
c. Gusto nilang subukan ang ibang sistema ng pamahalaan.
d. Wala sa nabanggit.

_____28. Ano ang mga artipisyal na pulo sa Mesoamerica na ang tawag din ay mga floating garden na matatagpuan sa gitna ng lawa kung saan ito
ay may matabang lupa na mainam pagtaniman.
a. Chinampas b. Halach Uinic c. Teotihuacan d. Ziggurat
_____29. Paano ipinakita ng mga Aztec ang kanilang kahusayan sa larangan ng inhinyerya?
a. Sa paggawa ng mascara
b. Sa paggawa ng mga matayog na bahay
c. Sa kusang pag-aalay ng kanilang sarili para sa kanilang diyos
d. Sa paggawa ng mga kanal o aqueduct, irigasyon, liwasan, at pamilihan

_____30. Paano nakaimpluwensya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Romano?


a. Ito ang nagsilbing institusyong nangalaga sa pangangailangan ng mga tao.
b. Ito ang nag-iisang institusyon na kinatakutang pakialamanan ng mga barbaro.
c. Ito ang nakipaglaban para sa Karapatan ng mga mamamayan sa panahon ng kaguluhan.
d. Ito ang naging tagapagtanggol ng mga mamamayan mula sa mapang-abusong mananakop.

_____31. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Romano. Sino ang dakilang emperador noong panahong ito?
a. Charlemagne b. Clovis c. Constantine d. Peppin the Short
_____32. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang
proteksyon kaya itinatag ang sistemang Piyudalismo. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. Magulo ang Europa dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.
b. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
c. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon.
d. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro.

_____33. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng mga Krusada?


a. Nagkaisa ang mga Muslim at Kristiyano.
b. Nabawi ng mga Europeo ang Banal na Lupain.
c. Naisakatuparan ng mga Muslim ang pagtatanggol sa Banal na Lupain.
d. Napalaganap ang kalakalan na naging salik sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod.

_____34. Ano ang itinuturing na pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Santo Papa sa Roma?
a. Pagbagsak ng Imperyong Romano.
b. Pagdating ng mga mananakop na Muslim.
c. Ang pagdami ng mga mananampalatayang Katoliko.
d. Pagsalakay ng mga barbaro sa iba’t ibang panig ng Imperyo.

_____35. Sa sistemang Piyudalismo sa Panahong Medieval, ano ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europa?
a. alahas b. ginto c. lupa d. salapi

_____36. Ano ang tawag sa ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo upang bawiin ang banal na lungsod mula sa mga
mananakop na Muslim?
a. Investiture c. Merkantilismo
b. Krusada d. Piyudalismo

_____37. Ang krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ng Santo Papa. Ano ang
pangunahing layunin ng krusada?
a. Mapalawak ang mga teritoryo ng mga Kristiyano.
b. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim.
c. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo.
d. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.

_____38. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng
Kapapahan (Papacy). Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o Papacy?
a. Tumutukoy ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
b. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
c. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong Medieval.
d. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan, at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang
Katoliko.
_____39. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero, at serf. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa
serf?
a. Itinuturing silang natatanging sektor ng lipunan.
b. May Karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
c. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
d. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.

_____40. Bakit bumagsak ang Imperyong Roma?


a. Kawalan ng kaayusan sa pamahalaan c. Pagsakop ng mga barbaro
b. Kawalan ng matatag na militar d. Lahat ng nabanggit

_____41. Bakit tinawag na Dark Age ang Panahong Medieval?


a. Halos hindi sumisikat ang araw.
b. Walang isinisilang na mahusay na lider.
c. Laganap ang gutom, kahirapan, sakit, kaguluhan, at kamatayan.
d. Wala sa nabanggit.

_____42. Sa kabila ng kasagsagan ng katanyagan at kapangyarihan ng Imperyong Roma, bakit dumarami rin ang mga naghihirap na Romano?
a. Laganap ang korapsyon.
b. Kawalan ng hanap-buhay dahil lahat ng trabaho ay ibinibigay sa mga alipin.
c. Paraan ito ng pagganti ng mga kaaway ng Roma sa mga karaniwang mamamayan.
d. A at B ang sagot.

_____43. Nang maitatag ang Imperyong Romano, naranasan ng Roma ang mahabang panahon ng kapayapaan, ngunit bakit biglang nagsimula ang
kawalan ng kaayusan sa lipunan?
a. Namatay ang mahuhusay na mga pinuno at ang mga pumalit ay walang kakayahan.
b. Nagsimulang maging maluho ang mga pinuno at binalewala ang mga mamamayan.
c. Dumami ang naging kaaway ng Imperyong Romano bunsod ng maraming pagsakop na kanilang ginawa.
d. Lahat ng nabanggit.

_____44. Dahil sa kakulangan ng sundalo, ang Imperyong Romano ay umupa ng mga mersenaryo para pumrutekta sa kanila laban sa mga kaaway,
subalit sa halip na maging kaibigan, ay naging kaaway. Ano’ng dahilan?
a. Traydor ang mga ito.
b. Mababa ang ibinabayad sa kanila ng mga Romano.
c. Inabuso sila ng mga Romano at hindi trinato nang maayos.
d. Wala sa nabanggit.

_____45. Sa huli, bakit bumagsak ang Imperyong Romano?


a. Pagsakop ng mga barbaro.
b. Kawalan ng matatag na militar.
c. Kawalan ng kaayusan sa pamahalaan.
d. Ang lahat ng nabanggit ay wasto at tama.

_____46. Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahon ng Piyudalismo. Alin ang hindi kabilang dito?
a. emperador b. kabalyero c. pari d. serf

_____47. Sila ay lumitaw dulot ng pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan sa Panahong Medieval. Sino sila?
a. burgis b. kabalyero c. pari d. serf

_____48. Isa ito sa kontribusyon ng Piyudalismo – banal at isang propesyon na pinagpala ng Simbahan. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol ang
Kristiyanismo. Sino sila?
a. burgis b. kabalyero c. pari d. serf

_____49. Ano ang tawag sa samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay?
a. burgher b. guild c. merchant d. middle class
_____50. Malaki ang kontribusyon ng panahong Klasikal sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga dito?
a. Gawin kung ano ang ginawa nila noon.
b. Puntahan ang mga lugar noong sinaunang kabihasnan.
c. Mas bigyang pansin ang may pinakamahalagang ambag sa kabihasnan.
d. Magsilbi itong batayan upang mas higit pa nating mapaunlad ang ating kabihasnan.

“Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.” – Mangangaral 3:1
#HonestAko

You might also like