You are on page 1of 1

BUHAY ESTUDYANTE

Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado balang araw. Pero
sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayahan na
makapag-aral siya ng kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na
makapag-aral ng kolehiyo.

Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho para
maypang-bayad siya sa kolehiyo at matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Nakahanap
naman ng trabaho si Mia. Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay pumapasok siya sa
pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya, ang pag-aabogado. Kahit nasa
pampublikong paaralan siya ay may malaking bayarin at hindi na niya kinaya ang mga gastos,
hindi na kasya ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya
huminto muna siya sa pag-aaral, at nagdesisyong mag-iipon muna siya.

Para kay Mia, hindi hadlang ang kahirapan sap ag-abot ng kanyang mga pangarap. Kaya naghanap
ng ibang trabaho si Mia na mas maganda at malaki ang sahod. Namasukan siyang katulong sa
mag-asawang pilipina at amerikano. Maayos naman ang trabaho ni Mia sa mag-asawa, mababait
ang kanyang amo. Nang napag-usapan nila ang buhay ni Mia, nasabi din niya sa kanyang amo
tungkol sa kanyang pangarap na makapag-kolehiyo at makapagtapos ng abogasya. Mapalad
naman si Mia dahil naghandog naman ang kanyang amo na pag-aralin siya ng kolehiyo kapalit ng
pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang saya ni Mia sa nangyari kaya nagpapasalamat si Mia sa kanila
dahil matutupad na rin ang kanyang pangarap.

Nagsipag at minabuti ni Mia ang kanyang pag-aaral para makatapos na siya ng kolehiyo sa pag-
aabogasya. Nag-aral siya ng mabuti, hindi niya sinayang ang oportunidad na binigay ng tadhana sa
kanya. May mga pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang pag-aaral.

Nakatapos si Mia sa pag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at tiyaga niya. Laking
pasasalamat niya sa kanyang amo dahil pinag-aral siya ng kolehiyo. Ngayon, isa na siyang sikat
na abogado sa kanilang lugar. Sinabi ni Mia sa kanyang sarili na kahit gaano kahirap ang buhay,
basta’t guto moa ng isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan mga ng mga
ito.

You might also like