You are on page 1of 6

Learning Area Filipino 6

Learning Delivery Modality MODULAR

Paaralan PUTING LUPA Baitang 6


LESSON Guro ADELAIDA A. BOBADILLA
EXEMPLAR Petsa Hunyo 10, 2022 Markahan Ikaapat
Oras Bilang ng Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-
ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap a. Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang-
isip/piksyon at di-kathang isip/ di-piksyon.
b. Naibibigay ang kahulugan ng
kathang- isip/piksyon at di-kathang-isip/di-
piksyon.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-
(MELC) kathang-isip na teksto. F6PB-IVc-e-22
(Kung mayroon, isulat ang inakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagkakaiba ng Kathang –isip at Di-kathang-isip
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian Pinagyamang Pluma V pahina 242
MISOSA Filipino V Modyul 18

b. Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Power point presentation, tsart
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Sa araling ito ay mapapalawak ang kasanayan sa
pagtukoy ng pagkakaiba ng kathang-isip at di-
kathang isip na teksto.

Tukuyin ang mga larawan sa pamamagitan


ng pagsasaayos ng mga ginulong letra upang
mabuo ang mga salita.

SIPNKYO

IDIPKOYNS

Itanong:
1. Ano ang inyong nabuong salita? Basahin ito.

2. Ibigay ang pagkakaiba ng mga


salitang nabuo.

Ang kwento ay may dalawang uri. Ang mga


alamat, fairy tales, mga pabula, nobela at mga
tula ay nabibilang sa kwentong piksyon. Ito ay
kathang isip o sariling imbento ng mga manunulat.
Isinusulat ito upang magbigay aliw sa mga
bumabasa.
Ang kwentong pangkasaysayan,
talambuhay, sariling karanasan at kwento tungkol
sa pagtatagumpay ng mga kilalang tao sa
lipunan ay nabibilang sa kwentong di-piksyon o
di-kathang isip. Ito ay naglalayong magbigay ng
impormasyon sa nagbabasa.
Ang mahalagang salita sa pamagat ay
sinisimulan sa malaking titik.

B. Pagpapaunlad Marahil ay lubos na ninyong naunawaan


ang dalawang uri ng kwento. Subukan mo ng
sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa patlang


kung ang mga sumusunod na pamagat ng
kwento ay piksyon/kathang-isip o di-piksyon/di-
kathang isip.

1. Ang Talambuhay ni Apolinario Mabini.


2. Ang Leon at ang Unggoy
3. Ang Kasaysayan ng Bansang Hapon
4. May Panauhin sa Alimango
5. Si Josefa Llanes Escoda

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng / ang


sumusunod na pamagat ng kwento kung piksyon
at X kung di—piksyon.

1. Maria Paz Mendoza Guanzon,


Unang Pilipinong Manggagamot
2. Ang Utak ng Katipunan, Emilio Jacinto
3. Ang Alamat ng Damong Makahiya
4. Si Juan Tamad
5. Pia Adelle Reyes, Kampeon sa
Gymnastic

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriing mabuti ang


E. Pakikipagpalihan mga nakatalang pamagat ng kwento. Pangkatin
ito katulad ng nasa halimbawa.

PIKSYON O DI-PIKSYON O
KATHANG-ISIP DI-KATHANG-ISIP

- Ang Alamat ng - Yamang Tubig sa


Pinya Bansa

 Ang Unggoy at ang Buwaya


 Ang Batas Militar sa Pilipinas
 Rebolusyon sa EDSA
 Ang Mahiwagang Lampara
 Melchora Aquino, Ina ng Katipunan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang sumusunod na


mga talata ay hinango sa iba’t ibang seleksyon.
Suriin kung ito ay piksyon o di-piksyon.

1. Ang globo ay nahahati sa iba’t ibang


bahagi ng daigdig. Ang mapa ay
walang mga bahagi tulad ng nakikita
sa globo. Ang ordinaryong mapa ay
nagpapakita ng isang bahagi lamang
ng daigdig samantalang ang globo ay
nagpapakita ng lahat ng bansa ng
daigdig.
2. Isang umaga tumawag ng pulong
ang pinuno ng mga hayop na si
Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang
mga
hayop-gubat, mga ibon at maging ang
mga hayop sa kapatagan sa sapa na
nasa may bundok. May mahalaga
silang pagpupulong.
3. Sa kahahanap ng pagkain,
nahulog ang lobo sab along
walang tubig.
Nakita niya ang kambing na nakatingin
sa kanya. “Ano ang ginagawa mo
diyan kaibigang Lobo?” tanong ng
kambing . Sagot ng Lobo, “Hindi mo ba
alam na nagagalit si Tigre at ako ay
nagtatago ditto?” Lumundag sa balon
si kambing dahil sa takot. Biglang
sumampa sa likod ng kambing ang
Lobo at nakalabas siya sa balon.
4. Ang pagtatanim ng punongkahoy ay
makatutulong sa lumalaking suliranin sa
tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng
DENR na ito ang sagot sa matagal
nang suliraning ito.
5. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang
pangatlong pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo,
siya ay ilang ulit nang pinarangalan sa
ibang bansa dahil sa mga nagawa niya
sa ating bansa. Tinagurian siyang
Idolo ng Karaniwang Tao dahil sa
kanyang katapatan at
pagmamalasakit sa kapakanan ng
mahihirap.

A. Paglalapat Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang


upang mabuo ang diwa ng talata.

Ang kwento ay may dalawang uri. Ito ay


o na kwento na kung
saan sariling ng manunulat at
o na mga kwentong
nangyari sa totoong buhay o sariling karanasan.

PAGTATAYA: Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na


mga kwento ay kathang-isip o di-kathang isip.

1. Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


2. Bakit Yumuyuko ang Kawayan?
3. Ang Pagong at ang Matsing
4. Ang Ibong Mandaragit
5. Makabagong Balarilang Pilipino

Inihanda ni:

ADELAIDA A. BOBADILLA
Teacher III
Binigyang pansin :

JESSIE U. DIMAANO
Head Teacher
PAKIKIPAGPALIHAN Ipagawa ang Isagawa
Gumawa ng isang poster na nagpapakita at
nanghihikayat sa mga Pilipino na ipakita sa bansa
ang pagiging makabayan sa gitna ng
kinakaharap na pandemya (COVID -19). Gawin
ito sa ¼ ng kartolina.

Ipagawa ang Linangin


Gumawa ng graphic organizer na tulad ng nasa
ibaba. Itala sa loob ng kahon ang mga epekto
ng kaisipang liberal tungo sap ag-usbong ng
damdaming nasyonalismo.

EPEKTO NG

KAISIPANG

LIBERAL

TUNGO SA

PAGUSBONG

NG

KAMALAYANG

Ipagawa ang Iangkop

Lumikha ng isang tula na naglalaman ng


epekto ng ideyang liberal sap ag-usbong ng
damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino sa
kasalukuyang panahon. Isulat sa bond paper
ang
likhang tula at bigkasin ito sa harap ng iyong
pamilya.

D. Paglalapat Ipagawa ang Isaisip

Punan ng angkop na salita ang mga pahayag sa


ibaba upang mabuo ng maayos ang kaisipan.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (Tingnan
sa Modyul)

Ipagawa ang Tayahin


Panuto: Suriin ang bawat pahayag at tukuyin ang
konteksto ng pag-usbong ng liberal na ideya
tungo sa pagbuo ng kamalayang Nasyonalismo.
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

a. Pangkabuhayan c. Lipunan
b. Edukasyon d. Wikang Pambansa

1. Tagalog ang ginagamit na wika sa


mga aralin sa paaralan.

2. Pagpapataw ng buwis.

3. Pagkakaroon ng maayos na pamayanan.

4. Libreng pag-aaral itinadhana ng Saligang


Batas.

5. Pagpapahalaga sa kabutihang asal.

Gawain 2 – Isulat sa patlang ang T kung ang


pangyayari na nakasaad ay epekto ng kaisipang
liberal tungo sa pagusbong ng damdaming
nasyonalismo at M kung hindi.
1. Pag-unlad ng kalakalan.
2. Pagbubukas ng mga daungan.
3. Pagpapagawa ng mga daan.
4. Pagpapatayo ng mga pabrika.
5. Pagmamalupit sa mga katutubo.

V. PAGNINILAY Nauunawaan ko na
(Pagninilay sa mga Uri ng Formative Assessment
na Ginamit sa Araling Ito)

Nabatid ko na

You might also like