You are on page 1of 2

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod

Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila


PAARALANG ELEMENTARYANG AURORA A. QUEZON
Paaralang Distrito XV
Tel. No. 621 5477

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

Petsa: Setyembre 2, 2019


TANGUILE MOLAVE

I. Mga Layunin:
 Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay) sa paglalarawan ng
tao, lugar, bagay, at pangyayari. (F4WG-IIa-c-4)

II. Nilalaman:
A. Paksang Aralin:
 Paggamit nang wasto sa pang-uri (lantay) sa paglalarawan ng
tao, lugar, bagay, at pangyayari.
B. Sanggunian: Gabay Kurikulum sa Filipino, LAMP
C. Mga Kagamitan: PowerPoint, Batayang Aklat sa Filipino
D. Pagpapahalaga: Iba’t iba man ang pinagmulang lahi, ating kultura’y
mataas ang uri.
III. Pamamaraan:
A. Balik Aral
 Pumili ng ilang mag-aaral na magbibigay ng mga
halimbawa ng pangngalan.

B. Pagbabaybay
 Ipabaybay ang mga salitang inihanda ng guro.

C. Pagganyak
 Magpakita ng dalawang larawan sa klase.
 Ipalarawan sa mga bata ang panlabas na anyo ng nasabing
larawan.
 Ipasulat ito sa pisara at isa-isa itong basahin.

D. Pagtatalakay
 Sabihin:
Ang mga salitang nakasulat sa pisara ay mga
salitang naglalarawan. Ang mga ito ay nabibilang sa
bahagi ng pananalita na tatalakayin natin ngayon.
 Basahin ang isang maikling kwento tungkol sa unang tao
sa Pilipinas.
 Talakayin ang Pang-uri

Ang pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian


o uri ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari na
tumutukoy sa pangngalan o panghalip na kasama nito
sa loob ng pangungusap.

Pag-aralan ang mga sumusunod:


ss
unang dayuhan unang (pang-uri)
dayuhan (pangngalan)

matutulis na bato matutulis (pang-uri)


bato (pangngalan)

sila ay matatangkad matatangkad (pang-uri)


sila (panghalip)
IV. Pagpapayamang Gawain

E. Paglalapat
 Pangkatin sa tatlo ang klase.
 Magpasulat sa bawat pangkat ng tiglilimang salita na
naglalarawan sa mga sumusunod:
I : Pandama
II : Panlasa
III : Pang-amoy
 Ilalahad nila ito sa klase pagkatapos ng tatlong minuto.

F. Paglalahat
 Itanong:
Ano-anong mga salita ang pwedeng ilarawan sa
pangngalan?
Ano ang pang-uri?

G. Pagtataya
 Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap.
Salungguhitan ang pang-uring ginamit sa pangungusap at
bilugan ang pangngalan.
1. Maraming Pilipino ang nagpupunta ng ibang bansa

upang magtrabaho.
2. Tunay na kaibigan si Michelle.
3. Nasaan kaya ang nawawala kong makintab na sapatos?
4. Bibigyan kita ng malaking larawan ni Enzo.
5. Si James ay maramot kaya walang gaanong kaibigan.

V. Kasunduan
 Humanap ng isang maikling kwento at salungguhitan dito
ang mga pang-uring ginamit.

Antas ng Pagkatuto:

Tanguile: _______ Molave: _______

Puna:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pagninilay:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

MARLOU JAKE C. SALAMIDA


Guro sa Filipino

Iwinasto nina:

JOHNELLIE A. ARANZADO MARLOU JAKE C. SALAMIDA MA. CRISANTA A. GOCHANGCO


Chairman, Grade IV Filipino Coordinator Master Teacher In-Charge

Pinagtibay ni:

ANNABELLE D. TINGSON
Principal

You might also like