You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino

Ikaapat na baiting

I - Layunin :

1. Naibibigay ang pagkakaiba ng pang-abay at pang-uri sa pamamagitan ng isang talata.

II - Paksang Aralin :

A. “Ang pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay”


B. Pagpapahalaga : Pagmamahal sa Sariling Atin
C. Kagamitan
▪ Filipino textbook 4
▪ Mga Larawan, Flashcards, Worksheet, Manila Paper, Pental Pen

D. Kontekswalisasyon
▪ Talata

III - Pamamaraan :

A. Balik-aral :
▪ Ano ang mga Yaman ng ating Pilipinas na nakapagpapaganda nito?

B. Pagganyank :
▪ Basahin ng tahimik ang isang talata tungkol sa isa sa mga magagandang pasyalan dito lungsod
ng Socorro sa loob ng sampung minute. (10 min.)

▪ Itala sa Talahanayan ang mga pang-abay at pang-uri na nakukuha ninyo sa nabasang talata.

Pang-abay Pang-uri

▪ Patayuin ang batang maganda at matapang. Ipabasa sa kanila ang mga nakatalang sagot nito.

▪ Sa iyong nabasa at naisulat na kaalaman tungkol sa talata, Ano ang tawang sa mga salitang
Ito?

C. Paglalahad
A. Pangkatang Gawain : Balikan ang talata, Isulat sa manila paper ang mga pang-abay at
pang-uri, Ano ang pagkakaiba nito. ( 5 min. )

B. Bigyan ng flashcard ang bawat bata na may nakasulat na salita. Ihanay sa pisara kung saan
ang pang-abay at pang-uri.

Sabihin ng kaklase kung tama baa ng kanilang mga sagot.


C. Pangkatang Gawain ( Differentiated Instructions ) (15 min. )
I. Basahin ang talata, Sagutin ang mga tanong, Bilugan ang mga salitang
pang-abay at salungguhitan ang pang-uri.

II. Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagbibigay ng pang-


abay at pang-uri.

III. Isulat ang pagkakaiba ng pang-abay at pang-uri.

IV. Ihanay sa talahanayan ang mga naisulat sa flashcards kung alin ang pang-
abay at pang-uri.

▪ Iulat ng bawat pangkat ang kalabasan ng kanilang pagsasanay.

D.Paglalahat
a. Sa inyong palagay, Ano kaya ang ating paksang aralin ngayon?
b. Ano ang kaibahan ng pang-uri at pang-abay?

IV - Pagtataya ;

Panuto : Basahin ang talata, Bilugan ang mga salitang pang-uri at salungguhitan ang pang-abay.

V - Takdang Aralin :

Gumupit ng isang larawan na may kuwento mula sa lumang diyaryo o magasin, Idikit ito sa isang malinis na
band paper. Isulat ang mga salitang pang-abay at pang-uri.

Inihanda ni:

MALOUH CANTA CONSIGNA


Guro
Basahin ang buong talata na ito. Sagutin ang mga tanong nasa ibaba, Pagkatapos
bilugan ang mga salitang pang-abay at salungguhitin ang pang-uri.

Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bulkang Mayon.


Matatagpuan ito sa Legazpi, Albay. Dinarayo ito ng mga turistang galing sa iba’t-
ibang bansa.

Sinasabing isang kababalaghan ang hugis balinsusong nitong walang pingas.


Kahit saan mang panig tingnan, hindi nagbabago ang hugis nito.

Dating isang bulkang natutulog ngunit nang minsang sumabog ito, daan-daang
tao ang nasawi at nalibing nang buhay sa kumukulong putik nito. Sa di-kalayuan sa
bulkan, naroroon ang simbahan ng Cagsawa. Natabunan ang simbahan ito at ang
pinakamataas na bahagi lamang ng tore nito ang naiwang saksi sa malagim na
pangyayari.

Sa kasalukuyan, nagiging aktibo na naman ang Bulkang Mayon.

Sagutin:
1. Alina ng itinuturing na isa sa mga pinakamagandang tanawin sa bansa?
2. Saan ito matatagpuan?
3. Bakit sinasabing kakaiba ang bulkan na ito?

You might also like