You are on page 1of 3

Almondia, Jesa O.

Tomo, Jean-An T.

Audience: Ika-limang baitang na mga mag-aaral

I. LAYUNIN

Sa loob ng 45 minutos, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakabibigay ng iilang paglalarawan sa mga kagamitang ipapakita.

b. nasasabi ang kaibahan ng mga antas ng pang-uri.

c. nakatutukoy sa mga pang-uring ginamit sa pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: PANG-URI

Konsepto: Malaman ng mga mag-aaral kung ano ang gamit ng pang-uri, uri at mga antas
nito.

Kagamitan: mga larawan, biswal eyds

Sanggunian: Hiyas ng Lahi (panitikan, gramatika at retorika) 8, 184-185

III. PAMAMARAN (PABOUD)

A. Paghahanda

Mga Gawain:

1. Pagpapalinis ng silid-aralan
2. Panalangin at Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban
4. Balik-aral (tungkol sa Pandiwa)
5. Pagganyak
Tatawag ng tatlong mag-aaral at papupuntahin sa harap. Ipalarawan
sa mga kaklase ang mga ito.
B. Paglalahad

Magpapakita ang guro ng mga larawan, at ipapatukoy sa mga mag-aaral ang


mga katangian nito.

Pagkatapos ay magbigay ng mga halimbawa ng mga pangungusap na may mga


pang-uri.

Tatawag ng mga mag-aaral at tatanungin kung saan sa pangngusap ang mga


salitang naglalarawan at salungguhitan ito.

Tatanungin din kung ano ang inilalarawan ng mga salita, bilugan naman ang mga
ito.

Ipaliwanag na ang mga salitang naglalarawan ay tinatawag na pang-uri at ito ay


bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o
panghalip.

Magbigay ng mga halimbawa ng mga pang-uri.

C. Paghahambing at Paghahalaw

Gamit pa rin ang mga halimbawang pangungusap (yung pinasalungguhitan at


pinabilugan), ipaobserba sa mga mag-aaral kung ano ang kaibahan ng mga
salitang naglalarawan.

Ipaliwanag na may mga uri at antas ang pang-uri.

Ipaliwanag ang kaibahan ng mga ito.

D. Paglalahat

Ibuod ang paksang tinalakay, tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang
kaibahan ng mga ito.

E. Paggamit

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang antas ng pang-uri,
kung ito’y lantay, pahambing o pasukdol.

____________________1. Hari ng kakisigan si Sherwin.

____________________2. Mas makulit si Missy kumpara kay Liza.


____________________3. Si Jean-An ay mahinhin na bata.

____________________4. Si April ay mas matangkad kay Angela.

____________________5. Si Jecky ang pinakamahusay pagdating sa kalokohan.

Identipikasyon: Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat sa hdulo ng pangungusap ang sagot.

1. Ito ay nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng pangngalan.

2. Naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

3. Ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis at laki
ng pangngalan o panghalip.

4. Antas ng pang-uri na naglalarawan sa katangian ng pangngalan o panghalip.

5. Ito ay katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.

IV. TAKDANG ARALIN

Ipaguhit ang kanilang tahanan at ilarawan ito gamit ang tatllong antas ng pang-uri, na hindi
bababa sa limang pangungusap.

You might also like