You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 3 – Pagbasa

Grade 3 – Emerald
February 6, 2019

I. Layunin:
1. Nakapagbibigay ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa kuwento. F3WC –
Ivcd – 4
2. Nakikibahagi sa talakayan at nakatugon ng angkop at wasto sa mga tanong.
3. Nagagamit ang mga salitang naglalarawan sa sariling pangungusap.
II. Paksang – Aralin
- Pagbibigay ng mga Salitang naglalarawan (Pang-uri) F3WC – Ivcd – 4
- Paggamit ng mga salitang naglalarawan sa pagsulat ng pangungusap.
Sangguian: “Sina Nina at Nonoy” (Leveled Reader Text)
Gabay sa Pagtuturo ng Filipino – Yunit 4 ph. 68-69
Kagamitan: Larawan
Pagsasanib: Sining E.P.P, E.S.P
III. Gawaing Pagkatuto:
1. Ipakita ang larawan ng dalawang bata. Ilarawan ang bawat isa.
- Pagganyak na Tanong:
Sino – sino kaya ang dalawang bata? Ano kaya ang kanilang ugali o katangian?
- Pagbibigay pamantayan sa pagbasa at pakikinig sa kuwento.
- Paglalahad sa Leveled Reader Text na babasahin.
- Pagbasa ng guro nang malakas sa kuwento.
- Pagtatalakay tungkol sa aralin.
- Pagsagot sa mga tiyak na tanong tungkol sa napakinggan kuwento.
- Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa dalawang bata sa kuwento.
- Magbigay ng mga bagay at iba pang pangalan sa kuwento
-Ano – ano ang salitang naglalarawan sa mga ito?
Hal. Pista – Masaya
Banga – Makinis
2. Paglalahad sa mga salitang naglalarawan sa pisara.
Hal. Matamis Matigas Mabait
Malambot Maganda Mapagmahal
3. Pagpapayamang Gawain
Magbigay ng iba pang salitang naglalarawan na nabubuo sa kuwento.
Hal. Bayan – Mapayapa Nina – Maparaan
Tao – Masipag Banga – Bilog, Manipis
4. Pagbubuod sa Aralin
Ano ang tawag sa salitang naglalarawan?
IV. Pagtataya ( Pangkatan )
1. Gamitin ang mga nailalahad na salitang naglalarawan sa sariling pangungusap.
2. Iguhit ang banga at isulat sa palibat ang mga salitang naglalarawan nito.
V. Pagbasa/Pag-uulat sa mga isinulat na outputs

Itinuro ni :

EVANGELINE P. SILAWAN
Teacher – III
Iniwasto at Pinagtibay ni:

JUDY O. CADANO
Master Teacher – II

Pinagtibay ni:

LORELYN M. CORTEZ
School Principal – I

You might also like