You are on page 1of 9

Paaralan PANITAN NATIONAL HIGH SCHOOL Antas Baitang 9

Guro JESSA MAE BALCENA Asignatura Filipino


Petsa May 22, 2023 Markahan Ikaapat na Markahan
Oras 9:45- 10:45

I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-


Pagganap unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t-ibang uri ng teksto at
saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.

C. Mga  Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela- F9PN-IVc-57


Pinakamahagang  Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinatalakay na mga pangyayaring naganap sa
Kasanayang buhay ng tauhan- F9PN-IVd-58
Pampagkatuto (MELC)

II. NILALAMAN A. Panitikan: Noli Me Tangere: Kabanata 17: Si Basilio


B. Gramatika:
III. KAGAMITANG Laptop, projector, tarpapel, speaker, white screen
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa
Kagamitan Pang-
mag-aaral

3. Karagdagang
kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B. Iba pang
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A.Panimulang
Gawain
a.) Panalangin Tumayo ang lahat at tayo ay Sa ngalan ng Ama, ng anak, at ng
manalangin. Espirito Santo
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa
para nang sa langit. Bigyan mo kami
ngayon ng aming kakanin sa araw
araw; At patawarin mo kami sa
aming mga sala, Para nang
pagpapatawad namin sa
nagkakasalaan sa amin; At huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, At
iadya mo kami sa lahat ng masama.
Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang
kaharian, ang kapangyarihan at ang
kaluwalhatian magpasawalang
hanggan. Amen.

b.) Pagbati Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga po Bb. Balcena


at magandang umaga rin sa lahat.
Bago ang lahat, paki ayos muna ng
mga upuan at pulutin ang mga
basura na makikita ninyo. (inayos ang mga upuan at pinulot
ang mga basura)
Maaari na kayong umupo. Sabihing
“narito po” kung kayo ay naririto. Masusunod, binibini.
c.) Pagtala ng liban
Isang mapagpalang araw na naman
sapagkat may bagong kaalaman
d.)Pagbabalik-aral tayong matutunghayan sa araw na
Balik-aral sa ito. Pero bago tayo tumungo sa ating
nakaraang aralin bagong aralin, balikan muna natin
at/o pagsisimula ang ating naging talakayan noong
ng bagong aralin nakaraang araw.

Ano ang aralin natin noong nakaraan


kung inyong natatandaan? Ang ating tinalakay na aralin noong
nakaraan ay tungkol sa kabanata 16
Magaling! ng Noli Me Tangere na may
pamagat na Si Sisa.
Anong aral ang iyong natutunan sa
nakaraang talakayan? Natutunan ko na ang pagmamahal
ng isang ina ay dakila. Kahit na kung
minsan ay marami na siyang
naisasakripisyo para sa
pamilya,hindi iindahin ng isang ina
ang hirap na dinaranas.

Mahusay at naaalala pa ninyo ang


leksyong ating tinalakay kahapon.
Bago tayo tuluyang tumungo sa
ating bagong aralin ay pakibasa
muna ng mga layuning dapat nating
matamo pagkatapos ng aralin.
B. Paghahabi ng Matapos ang isang oras na talakayan
layunin ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang kahalagahan ng
bawat tauhan sa nobela- F9PN- (Babasahin ng mga mag-aaral ang
IVc-57 mga layunin)
 Naibabahagi ang sariling
damdamin sa tinatalakay na mga
pangyayaring naganap sa buhay
ng tauhan- F9PN-IVd-58

C. Pag-uugnay ng mga “ANG MAGITING-TING”


halimbawa sa
bagong aralin Sinasabi nila na walang silbi ang
walis kapag ito’y nag-iisa lamang
mahirap mo itong gamitin ngunit
kapag ito buo, marami at sama-sama
ay tiyak na magiging mas
makabuluhan ito. Tulad ng isang
walis, ito’y maihahalintulad natin sa
isang pamilya, pamilya na kapag
sama-sama ay mas nagiging magiting
at matibay.
Sa loob ng kahon na ito,
tukuyin ninyo kung ano-ano ang mga
sangkap ng isang mabuting pamilya
at idikit ito sa walis ting-ting bilang
simbolo ng isang masaya at
mabuting pamilya.

Pananampalataya sa Diyos Pagsasakitan


Pagtitiwala Pagmamahal
Paggalang
Pagsisigawan Pagtitiwala
Pagmamahal
Pag-aalaga Paggalang

Pag-aalaga
Pananampalataya sa Diyos
D. Pagtatalakay ng Magaling sapagkat ay
bagong konsepto at mahusay ninyong natapos ang
paglalahad ng gawain. Ibig sabihin ay naniniwala
bagong kayo na ang mga salitang idinikit
kasanayan #1 ninyo sa ting-ting ay siyang mga
katangian na dapat taglayin ng
isang mabuting pamilya.

Ngayon bago natin


umpisahan ang pagtatalakay ay
ating munang bibigyang
pagpapakahulugan ang mga
mahihirap na salita na maari
ninyong madaanan sa pagtatalakay
natin sa ating bagong aralin pero
bago iyan ay pakibasa muna ng
panuto.

Panuto: Punan ang mga kulang na


titik upang mabuo ang mga salita na
may kasingkahulugan sa bawat
salitang may salungguhit sa
pangungusap. Pagkatapos ay gamitin
ito sa inyong sariling pangungusap.

1. Nang makita ni Sisa ang dugong


umaagos sa noo ni Basilio’y halos
napahiyaw si Sisa.

2. Napaiyak ang mag-ina. Inakala


niya na ito’y pang-aapi sa kanila
dahil sa sila’y dukha.

3. Nang mabatid ni Basilio na


dumating ang kanyang ama’y
siniyasat ang mukha at kamay ng
kanyang ina.

4. Isang malalim na buntong-hininga


ang namulas sa mga labi ni Sisa
upang hindi na lumawig ang usapan
nila tungkol sa ama.

5. Nanalangin si Basilio at nahigang


kasiping ng kanyang ina.

Napakagaling sapagkat
mabilis niniyong nasagutan at
napunuan ang mga salitang
hinahanap natin at ito’y mabisang
nagamit ninyo sa pangungusap.
Ngayon ay handa na ba kayo para sa
ating bagong aralin? Kung gayon
pakikuha ng inyong mga kwaderno
at ballpen isulat at tandaan ang
sumusunod na mga gabay na
tanong.

Sino ang makabagbabasa ng


unang tanong?

E. Pagtatalakay ng  A. Panitikan: Noli Me


bagong konsepto at Tangere: Kabanata 17: Si
paglalahad ng Basilio
bagong
kasanayan #2 Ngayong araw ay ating tatalakayin
na bahagi ng Noli Me Tangere ay
tungkol sa Kabanata 17: Si Basilio

 Gabay na Tanong

1. Sino-sino ang mga tauhan sa


kwento? (Ipapabasa sa mga piling mag-aaral)

2. Ano ang nangyari kay Basilio?

3. Ayon kay Basilio, bakit naiwan si


Crispin sa kumbento?

4. Anong damdamin ang namayani


sa iyo matapos mong mapanood ang
bidyu?

5. Matapos mong mapanood ang


bidyu, may pagbabago ba na
nagamap sa iyong pag-uugali?

6. Anong aral ang napulot mo sa


akda?

7. Ano sa tingin ninyo ang mga


pangyayaring sa kwento na may
kaugnayan sa tunay na buhay?
Nangyari na ba ito sa inyo?

 Pagpapanood ng bidyu
tungkol sa Kabanata 17: Si
Basilio

 Pagsagot sa Gabay na Sagot:


Tanong

1. Sino-sino ang mga tauhan sa


kwento?

2. Ano ang nangyari kay Basilio? Siya ay hinabol ng mga guwardiya


sibil at pinahihinto sa paglakad.
Pero siya ay kumaripas ng takbo
sapagkat nangangamba siyang
kapag nahuli siya ay parurusahan
siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil
sa hindi niya paghinto siya ay
binaril. Dinaplisan siya ng bala sa
ulo.

3. Ayon kay Basilio, bakit naiwan si Siya ay pinagbintangan na


Crispin sa kumbento? nagnakaw ng ginto.

4. Anong damdamin ang namayani Nagalit at nalungkot. Nagalit sa


sa iyo matapos mong mapanood ang sakristan mayor dahil sa
bidyu? pagbibintang na hindi naman totoo
gayundin kay Sisa na
nagpapakamartir sa kanyang asawa.
Nalungkot sa sinapit ng magkapatid
na ang nais lamang sana ay
makatulong sa kanilang ina.

5. Matapos mong mapanood ang Oo, dahil marami akong napagtanto


bidyu, may pagbabago ba na tungkol sa aking napanood at maari
nagamap sa iyong pag-uugali? ko ihambing sa aking pag-uugali na
6. dapat baguhin.

7. Anong aral ang napulot mo sa Ang aral na napulot ko sa akda ay


akda? habang nabubuhay pa ang ating
mga ina ay mahalin natin sila ng
walang katulad. Iparamdam natin sa
kanila na sila lamang ang tanging ina
na mayroon tayo at hindi na
mapapalitan ng kahit na sino man.

8. Ano sa tingin ninyo ang mga Ang pagmamalupit ng asawa, ang


pangyayaring sa kwento na may pagmamahal ng isang ina at ang
kaugnayan sa tunay na buhay? panghuhusga ng mga tao sa mga
Nangyari na ba ito sa inyo? taong may mababang antas sa
lipunan. Oo, ilan sa mga ito ay
nangyari na sa amin.

 B. Gramatika: Mga Bisang


Pampanitikan

Napakagaling sapagkat
mahusay ninyong nasagutan ang
mga katanungan. Kung ating
babalikan ang inyong mga kasagutan
ay napuna kong may iilan sa inyong
naiyak, may ilan namang nainis,
nayamot, naawa at higit sa lahat ay
napamahal sa mga tauhan sa Hindi po!
kwento. Alam niyo ba kung ano ang
tawag sa mga damdamin at
kabisaang iyon?

Iyon ay ang tatlong


kabisaang Pampanitikan. Una ay ang
Bisang Pandamdamin, Bisang
Pangkaasalan, Bisang Pangkaisipan

Kailan magiging mabisa ang isang


panitikan? Kailan nga ba?

1. Bisang Pandamdamin- tumutukoy


ito sa naging epekto o pagbabagong
naganap sa iyong damdamin
matapos mabasa ang akda.

Halimbawa:
Inalok ni Sisa ng kanin at tuyo ang
anak subalit tumanggi si Basilio at
humingi na lamang ng isang basong
tubig. Malungkot na sinabi ni Sisa na (Ipapabasa sa mga piling mag-aaral)
naghanda siya ng masarap na
hapunan kaya lamang, dumating ang
kaniyang ama at inubos ang pagkain.

Sa pagbabasa niyo ng kwento, anong


damdamin ang nangingibabaw sa
inyo o ano ang naging epekto nito sa
inyo?

2. Bisang Pangkaasalan- tungkol


naman ito sa pagbabago sa isang
kaisipan dahilan na natutunan sa
mga pangyayaring naganap sa
binasa.

Halimbawa:
Nasalubong ko sa bayan ang mga
guwardya sibil at ako’y pinaputukan.
Tumakbo ako dahil ayokong matulad
kay Pablo na pinaglinis ng kwartel at
ginulpi pa.

3. Bisang Pangkaisipan- may


kaugnayan naman ito sa
pagkakaroon ng pagbabago sa iyong
pananaw sa mga kaisipang
nakapaloob sa akda matapos itong
mabasa.

Halimbawa:
Si Sisa ay isang martir na asawa
na kahit binubugbog na siya ng
kaniyang asawa ay hindi niya pa rin
ito makuhang hiwalayan. Ngunit
nang makita niya ang kaniyang anak
na si Basilio na duguan ay labis ang
kaniyang pag-aalala at yinapos ito
ng yakap.

F. Panlinang sa
Kabihasaan (Tungo Ngayon para sukatin ang inyong
sa Formative kaalam ukol sa ating naging
Assessment) talakayan ngayong umaga ay
magkakaroon tayo ng pangkatang -
gawain. Kayo ay hahatiin sa tatlong
pangkat, bawat pangkat ay pipili ng
isang lider, tagasulat at taga-ulat.
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
iba’t ibang gawain. Kayo ay
bibigyan lamang ng 5 minuto para
sa paghahanda at 3 minuto naman
pa sa paglalahad at presentasyon ng
inyong mga gawa. Narito ang
pamantayan sa pagbibigay puntos.
Sino ang makapagbabasa?

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Kaisahan at kaangkupan -- 25
puntos
Kalinawan sa paglalahad -- 10
puntos
Pagiging malikhain -- 15 puntos
Kabuuan -- 50 puntos

Gawin ito sa isang matiwasay at


tahimik na paraan. Maar

 PANGKATANG GAWAIN:
Pangkat 1
Panuto: Gamit ang isang paru-paro,
ihambing si Basilio sa iyo bilang isang
anak.

Pangkat 2
Panuto: Gumawa ng maikling iskrip
tungkol sa isang anak na nagpapakita
ng pagmamahal sa kaniyang ina.

Pangkat 3:
Panuto:

G. Paglalapat ng aralin Sa pagkakataong ito, naiparamdam Opo! Hindi ninais ni Basilio na mag-
sa pang-araw-araw ba ni Basilio ang pagmamahal niya sa alala pa ang kaniyang ina, kung
na buhay kaniyang ina? Sa paanong paraan kaya’t tinago na muna niya ang
niya ito ipinadama? nangyari sa kanila ni Crispin at ang
tungkol sa kaniyang panaginip.

Kung kayo ang tatanungin, (ISULAT GID KUNG ANO ANG


naipadama niyo rin ba ang inyong POSSIBLE ANSWER)
pagmamahal sa inyong mga ina?

H. Paglalahat ng aralin Sino-sino nga ulit ang mga tauhan sa Malalaman natin kung ang isang
kwento? Ano ang sa tingin ninyo ang panitikan ay naging mabisa kapag
kabuuan na nilalaman ng kabata 16 tinaglay nito ang tatlong kabisaan.
na may may pamagat na Si Basilio? Ito ay ang Bisang Pandamdamin,
Anong Aral ang napapaloob rito? Bisang Pangkaisipan, at Bisang
Anong damdamin ang nagibabaw sa Pangkaasalan.
iyo? Nabago ba nito ang iyong pag-
uugali at pananaw sa buhay?

Napakahusay! Dahil naintindihan


niyo na ang ating naging talakayan,
tayo ngayon ay magkakaroon ng
pagsusulit. Kumuha ng isang- kapat
na papel. Pakibasa ng panuto.
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Basahin at unawaing mabuti
ang sumusunod na tanong. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat ito sa
papel.

1. Siya ay isang mapagmahal na ina


na mas inuuna ang kapakanan ng
kanyang mga anak bago ang kanyang
sarili?
a. Sisa
b. Donya Pia
c. Donya Victorina
d. Gng. Perez

2. Isang maalalahaning anak na


handang gawin ang lahat para sa
kaniyang ina at kapatid. Sino ito?
a. Crispin
b. Crisostomo Ibarra
c. Basilio
d. Maria Clara

3. Ano ang damdamin ni Sisa


matapos na makitang sugatan ang
kanyang anak na si Basilio?

4. Ano ang katangian ni Sisa bilang


isang ina?

5.

J. Karagdagang
gawain Para sa inyong takdang-aralin ay
para sa takdang isaliksik ang kahulugan ng
aralin at sumusunod na mga salita at gamitin
remediation ito sa inyong sarling pangungusap.
Isulat ito sa isang buong papel.

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
Aaralna nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral
na
nangangailangan
ng iba pang
gawain
para sa
remediation
C. Nakatulong baa ng
remedial?
D. Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa
sa aralin
E. Bilang ng mag-
aaral
na magpapatuloy
sa
remediation
F. Alin sa mga
estratihiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos?
Paano ito
nakatulong?
G. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyonan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor
H. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro

Inihanda:

Nabatid:

You might also like