You are on page 1of 21

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

ni Mike James Palay

I. LAYUNIN

Learning Competency:
• Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao at tao vs. sarili) sa kuwento batay
sa napakinggang pag-uusap ng mga tauhan. F9PN-IIId-e-52
• Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang (tao vs. tao at tao vs.
sarili) napanood sa programang pantelebisyon. F9PD-IIId-e-51

Mga Layunin (KSA):


Matapos ang pagtalakay sa paksang-aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
A. Natutukoy ang mga tunggaliang (tao vs. tao at tao vs. sarili) kakikitaan sa
kuwentong napakinggan;
B. Nakalilikha ng masining na presentasiyon batay sa napanood na
programang pantelebisyon; at
C. Nakapagpapahayag ng sariling pananaw hinggil sa kahalagahan ng
tunggalian sa kuwento.

II. PAKSANG-ARALIN / NILALAMAN

Paksa: Tunggalian (Tao vs. Tao at Tao vs. Sarili)


Sanggunian: DepEd Learning Module sa Filipino 9
Kagamitang Panturo: PowerPoint presentation, extension wire, laptop, Smart TV,
HDMI, at activity kits.

III. PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin
“Magandang araw sa lahat!”
“Magandang araw po, G.
Palay!”
“Bago tayo magsimula sa ating talakayan,
inaanyayahan ko ang lahat na kung maaari ay
iyuko natin ang ating mga ulo upang
manalangin na pangungunahan ni Mag-aaral
A.” “Mahal naming Ama at
makapangyarihan sa
lahat, maraming salamat
po sa araw na ito.
Maraming salamat po sa
mga biyayang
ipinagkakaloob ninyo sa
amin. Salamat sa
panibagong araw ng
pagtuklas sa mga bagay
na magdudulot ng
importansiya at
kasigasigan sa aming
buhay.

Sa puntong ito, Ama, nawa


po ay patawarin po ninyo
kami sa aming mga sala.
Patawarin po ninyo ang
bawat isa sa amin kung
may pagkakataon mang
pakiramdam namin ay
lumalayo na kami sa iyo.

Ama, ikaw ang pundasiyon


ng lakas at tibay sa bawat
araw ng pagtuklas. Sa
pagsisimula po ng aming
talakayan, bigyan ni’yo po
sana kami ng sapat na
kaalaman at kaliwanagan
upang maproseso namin
ang talakayang
tatalakayin sa araw na ito.
Bigyan ni’yo po kaming
lahat ng katiwasayan at
kadalisayan sa puso’t isip.
Buksan ni’yo po nawa ang
aming kamalayan upang
malasap namin ang
esensiya ng edukasiyon

Ama, wala kami kung wala


ka; kung kaya’t ang lahat
ng pagpupuri ay ibibigay
namin sa iyo. Ama, ang
lahat ng ito ay aming
pinasasalamatan,
pinagpapatawad,
pinagninilayan, at hinihingi
sa pamamagitan ng iyong
anak na si Hesus, aming
hari. Amen.”
“Tunay nga, mapalad tayong lahat sapagkat
binigyan na naman tayo ng ating Ama ng
panibago na namang araw ng pagtuklas sa
mga hiyas na mayroon tayo. Bago kayo
umupo, klas, pakipulot muna ang mga kalat sa
ilalim ng inyong mga upuan.”
Established safe Pagbasa ng mga tuntunin bago magsimula
and secure ang talakayan
learning
environments to Upang maging maayos at banayad ang daloy
enhance ng ating talakayan, narito ang mga dapat
learning through nating isaalang-alang:
the consistent
implementation 1. Makilahok at makiisa sa mga gawain
of policies, nang may disiplina at paggalang sa
guidelines, and
procedures.
kapuwa.
2. Komprehensibong makinig sa klase
Maintained nang sa gayon ay maunawaan nang
learning lubos ang kaalamang ibinahagi.
environments
that promote
3. Sa gitna ng talakayan, maging maalam
fairness, respect, sa paggamit ng hand signals.
and care to
encourage
learning.

Pagtsek ng liban at hindi liban


“Ngayon, aalamin muna natin kung sino ang
lumiban at hindi lumiban sa klase. Simulan na
ang pagbilang nang paalpabeto.”
(Magsisimulang magbilang
ang klase.)
“Mahusay! Mabuti naman at walang lumiban
sa araw na ito. Dahil kompleto tayo, klas,
maaari ko bang asahan ang inyong buong
pusong pakikinig sa araw na ito?”
“Opo, G. Palay!”
“Magaling!”

Balik-aral
“Bago tayo magsimula, may takdang-aralin ba
tayo?”
“Wala po.”
“Sino sa inyo ang makapagbabalik-aral kung
tungkol saan ang paksang tinalakay natin
noong nakaraan?”
“Ang paksang tinalakay po
natin noong nakaraan ay
hinggil sa pagbibigay ng
puna sa pagbigkas ng
elehiya.”
“Mahusay! Ang paksang tinalakay natin noong
nakaraan ay hinggil sa elehiya; gayundin ang
pagbibigay ng puna sa pagbigkas nito.”

“Ano naman ang inyong natutuhan hinggil sa


paksang tinalakay natin, klas?”
(Magbabahagi pa ang
klase.)
“Maraming salamat sa komprehensibong
pagbabahagi, klas! Batid kong may natutuhan
nga kayo sa paksang tinalakay ko. Ako’y
nagagalak sapagkat naalala pa rin ninyo ang
tinalakay ko noong nakaraan. Talaga nga
namang nakatataba ng puso. Ngayon, may
katanungan pa ba kayo o paglilinaw hinggil sa
nakaraang diskusyon?”
“Wala na po.”
“Kung gayon, indikasyon lamang iyan na kayo
ay may natutuhan talaga.”

Applied a range Motibasiyon


of teaching “Sa puntong ito, klas, magkakaroon muna tayo
strategies to
develop critical
ng isang maikling serye ng palaisipan. Ito ay
and creative tatawagin nating BUOIN MO, GULO-GULO.
thinking, as well Simple lang ang mekaniks. Magpapakita ako
as other higher-
order thinking ng mga larawan. Mula sa mga naturang
skills. larawan, bubuoin o aayusin ninyo ang mga
pinaghalong titik sa ilalim nito upang makabuo
ng salita o mga salita. Maliwanag ba, klas?”
“Opo.”
“Kung gayon, magsisimula na tayo.”

DOIENSYPRE
DEPRESIYON

NGBKSIO BOKSING
PALAKAPATIGPAW
PAGPAPATIWAKAL

OTRAKNDBIA
KONTRABIDA

LOTAATAGP PAGTATALO

“Maraming salamat sa pakikilahok. Ngayon,


klas, mula sa mga naisagot ninyo—depresiyon,
boksing, pagpapatiwakal, kontrabida, at
pagtatalo—ano sa tingin ninyo ang paksang
tatalakayin natin ngayon?”
“Sa tingin ko po, ang
paksang tatalakayin natin
ngayon ay hinggil sa
tunggalian.”
“Tama! Ang paksang tatalakayin natin ngayon
ay hinggil sa tunggalian. May ideya ba kayo
kung ano ang tunggalian?”
“Sa tingin ko po, ang
tunggalian ay tensiyon sa
pagitan ng iyong sarili o
kaya sa ibang tao.”
Used a range of
“Maraming salamat sa pagbabahagi. Tingnan
teaching natin kung tama nga ba ang iyong tinuran sa
strategies that pamamagitan ng ating talakayan. Upang tayo
enhance learner
achievement in ay magabayan sa ating klase, maaari ni’yo
literacy and bang basahin ang ating layunin?”
numeracy skills. “Mga Layunin (KSA):
Matapos ang pagtalakay sa
paksang-aralin, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga tunggaliang
(tao vs. tao at tao vs. sarili) kakikitaan
sa kuwentong napakinggan;
B. Nakalilikha ng masining na
presentasiyon batay sa napanood na
programang pantelebisyon; at
C. Nakapagpapahayag ng sariling
pananaw hinggil sa kahalagahan ng
tunggalian sa kuwento.”
B. Gawain
“Sa pagkakataong ito, klas, kikilalanin muna
natin ang ating paksa sa pamamagitan ng
isang pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa
tatlong pangkat. Sa hanay na ito, ay ang
unang pangkat. Dito naman, ang
pangalawang pangkat. Sa gilid naman, ay
ang pangatlong pangkat. Ngayon, simple lang
ang panuto ko, gamit ang grapikong
pantulong na word cloud, isulat ang kaisipang
nahihinuha ninyo sa tuwing naririnig ninyo ang
salitang tunggalian.”

“Malinaw ba?”
“Opo.”
“Kung gayon, maaari na kayong bumuo ng
bilog at magsimula.”
(Magiging abala ang klase
sa paggawa.)
“Ngayon, dahil tapos na kayo, ipaskil ang
inyong awtput sa harap. Pumili ng isang
representante sa bawat pangkat na siyang
mag-uulat.” (Makikinig sa pag-uulat
ang klase.)

“Kahanga-hanga! Ang bawat pangkat ay


nakakuha ng malaking marka! Kakikitaan
talaga na kayo ay may pauna ng kaalaman sa
ating paksa. Nang dahil diyan, bigyan ninyo ng
mahusay clap ang inyong mga sarili!” “M-A-H-U-S-A-Y
M-A-H-U-S-A-Y
Mahusay! Mahusay!
Napakahusay!”
C. Pag-aanalisa
“Maraming salamat sa pakikilahok, klas. Para
sa kaalaman ng karamihan, ang pangkatang
gawain natin kani-kanina lamang ay may
mahalagang ugnayan sa paksa natin sa araw
na ito.”

“Kung mapapansin ninyo sa ating gawain,


pinagawa ko kayo ng grapikong pantulong na
word cloud. At base sa ating pagwawasto,
nangangahulugan lamang na, mayroon na
kayong batayang kaalaman na siyang
palalalimin pa natin.”

(Bibigyang pansin ng guro ang mga salita sa


loob ng word cloud.)

“Kaya naman, klas, sa pagkakataong ito,


upang tuluyang mapalalim ang ating
kaalaman at pag-unawa, humayo na tayo
ngayon sa ating malayang talakayan. Handa
na ba ang lahat na makinig at maging
maalam?”
“Opo.”
“Kung gayon, magsisimula na tayo.”

Used a range of
D. Paglalahat
teaching “Ngayon, klas, maaari ni’yo bang basahin ang
strategies that kahulugan ng tunggalian?”
enhance learner
achievement in
literacy and Tunggalian
numeracy skills. • Ang tunggalian ay isang instrumento sa (Babasahin ng klase ang
madudulang tagpo. Ito’y ginagamit presentasiyon.)
para makapagbigay ng kapana-
panabik na mga pangyayari.

“Batay sa kahulugan, klas, maaari ko bang


malaman ang opinyon ninyo sa tunggalian?”
“Kumbaga, nagbibigay po
ito ng interest sa mga
mambabasa o
manonood. Kung walang
tunggalian, boring ang
daloy ng kuwento.”
“Mahusay! Maraming salamat sa
pagbabahagi.” (Magdaragdag ng
impormasiyon ang guro sa sagot ng klase.)

“Magpatuloy sa pagbabasa...”

• Ito ang pakikipagsapalaran o (Babasahin ng klase ang


pakikipagtunggali ng mga sentrong presentasyon.)
tauhan laban sa mga hamon na
kaniyang kinakaharap. Minsan, ito ay
mga problema sa kaniyang sarili, sa
kapuwa, o kaya sa mga kalikasan na
nagkapalibot sa kaniya.
“Ibig pong sabihin, ito
iyong dagok ng mga
tauhan. Mga problemang
hinaharap nila bago ang
kalutasan sa kuwento.”
“Siyang tunay! Maraming salamat sa
pagbabahagi.” (Magdaragdag ng
impormasiyon ang guro sa sagot ng klase.)

“Magpatuloy sa pagbabasa...”

• Ito rin ay humuhubog sa pagkatao ng (Babasahin ng klase ang


tauhan at siyang nagtutulak sa mga presentasiyon.)
pangyayari sa kuwento. Ngunit, sa isang
maikling kuwento, kadalasan isa lamang
ang problema o hamon na hinaharap
ng pangunahing tauhan. Samantala,
kung nobela naman, maraming hamon
ang hinaharap hindi lamang ng
pangunahing tauhan, kundi ang iba
pang karakter. “Ibig pong sabihin, ito rin ay
nag-uudyok sa mga
tauhan o bida upang
magbago. Gaya ng isang
bidang inaapi. Mula sa
pagiging api, ang isang
tauhan ay nagbabago
upang maghiganti o kaya
naman pagod nang
maging api-apihan.”
“Tama ang iyong tinuran. Maraming salamat sa
pagbabahagi.” (Magdaragdag ng
impormasiyon ang guro sa sagot ng klase.)

“Ngayon naman, klas, mayroon tayong


dalawang uri ng tunggalian. Magpatuloy sa
pagbabasa...”

Uri ng Tunggalian
1. Tao laban sa Tao: ang tunggaliang ito (Babasahin ng klase ang
ang pinakapangkaraniwang uri ng presentasiyon.)
tunggalian. Ang tunggaliang ito ay ang
pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan sa kapuwa niya tao. Tunggalian
ng lakas at talino.

Halimbawa: Magnanakaw laban sa


mga Pulis, Politiko laban sa Taong-bayan
(Magbabahagi ang klase
ng dagdag kaalaman.)
“Magaling! Maraming salamat sa
pagbabahagi.”

“Magpatuloy sa pagbabasa...”

2. Tao laban sa Sarili: itinuturing na ang (Babasahin ng klase ang


pinakamahirap na kalaban ng isang tao presentasiyon.)
ay ang kaniyang sarili. Ang suliraning ito
ay maaaring tumalakay sa kaniyang
sariling kahinaan sa pag-iisip at
damdamin.

Halimbawa: Tao laban sa kaniyang


pagkabaliw, tao laban sa pagkabigo
(Magbabahagi ang klase
ng dagdag kaalaman.)
“Napakahusay! Maraming salamat sa
pagbabahagi.”

“Ngayon, klas, mayroon tayong pakikinggang


awdyo presentasiyon. Ito ay isang maikling
kuwento mula sa India. Ang pamagat nito ay
Ang mga Paghahangad ni Siddartha na isinulat
ni Herman Hesse at muling isinalaysay ni Luoie
Jon A. Sanchez. Habang nakikinig, ibig kong
ilista ninyo ang mga tunggaliang narinig at
tukuyin kung alin sa dalawang uri ng tunggalian
ito. Maliwanag ba?”
“Opo.”
“Maraming salamat sa tugon. Bago natin
pakinggan ang kuwento, alamin muna natin
ang talasalitaan ng akda upang hindi tayo
maguluhan sa buong daloy. Basahin…”

Talasalitaan (Babasahin ng klase ang


Displayed
proficient use of 1. Bagabag – balisa, hindi mapakali, hindi presentasiyon.)
Mother Tongue, mapalagay, o mayroong
Filipino, and
English to
gumagambala sa isip.
facilitate 2. Brahmin – uri ng tao sa antigong Hindu
teaching and mula sa angkan ng mga pari, alagad ng
learning.
sining, guro atbp.
3. Kariwasaan – pagiging mariwasa o
pagkakaroon ng mayamang
pamumuhay.
4. Samana – mga palaboy na mistiko na
naglalagi sa kagubatan.
5. Upanishad – banal na aklat ng mga
Hindu.

“Ngayon, magsimula na sa pakikinig.”

[Narito ang teksto ng awdyo presentasiyon:]

Ang mga Paghahangad ni Siddartha (Makikinig ang klase.)


Isinulat ni Herman Hesse
Muling isinalaysay ni Louie Jon A. Sanchez
Isinilang sa isang marangyang buhay si (Makikinig ang klase.)
Siddartha, anak ng isang Brahmin. Lumaki
siyang nabububungan, naaalagaan, kasama
ng kaibigang si Govinda, kapuwa niya mula sa
angkan ng mga Brahmin. Napakagandang
lalaki ni Siddartha sa kaniyang panahon,
matipuno. Lumaki rin siyang babad sa pag-
aaral, sa pakikisangkot sa mga rituwal, maging
sa pakikipagtagisan sa katuwiran kasama si
Govinda. Marami na siyang natutuhan hinggil
sa pagninilay, at nagkakamalay, lumaki siyang
isang malusog at matalinong binatilyo. Para sa
kaniyang ama, itinakda na siyang maging
isang mahusay na Brahmin.

Ang matalik niyang kaibigang si Govinda, na (Makikinig ang klase.)


lubos na humahanga sa kaniya ay nakadama
na hindi magiging karaniwang Brahmin si
Siddartha. May kabatiran din sa Govinda na
kapuwa sila hindi magiging ordinaryong
Brahmin. Halos panginoon niya ang kaibigang
si Siddartha, kapara ng mataas na pagtingin ng
madla. Ang kabaligtaran nito, walang
ligayang nadarama si Siddartha sa kaniyang
sarili. Tila ba may hinahanap siya sa kaniyang
buhay. Sa kabila ng rikit ng kaniyang paligid,
kaginhawahan sa kaniyang pag-aaral at
pagsasaya sa tabi ng ilog, katuwaan sa pag-
aaral ng mga sinaunang teksto, tumibok nang
tumibok sa kaniyang loob ang paghahangad
na hagilapin ang kung ano man na
magpapaganap sa kaniya. Unti-unti niyang
nadama na hindi sapat ang pagmamahal ng
kaniyang mga magulang, maging ng kaniyang
kaibigang si Govinda upang mapunan ang tila
kulang sa kaniyang sarili.

Ano nga ba ang mga natutuhan niya sa (Makikinig ang klase.)


buhay? Ang mga guro’y puno ng karunungan
at naibigay na nila sa kaniya ang lahat ng
maaaring pinakaakmang katuruan.
Napakarami niyang mga tanong, at tila ba
hindi naman naiibsan ng mga pag-aalay ang
kaniyang kalungkutan. Nais niyang malaman,
matamasa ang atman, ang kaibuturan at
kaluluwa, ngunit parang napakailap ng mga
ito sa kaniya. Napakasaklap sapagkat hindi
niya ito matagpuan sa mga klase niya’t
pagdadalubhasa, sa kaniyang pagninilay, sa
pagbabasa. Hindi niya maunawaan ang
paglikha, ang paghinga at pag-aaruga, ang
takbo ng daigdig sa kamay ng mga diyos. Hindi
niya rin matukoy ang halaga ng lahat.
Hinahanap niya ang kaniyang atman, ang
kaniyang kaluluwa. Kahit ang binasa niyang
mula sa Upanishad na ang kaluluwa mo’y kaisa
ng daigdig ay walang kahulugan sa kaniya.
Mula sa kalungkutan higit niyang nadamang sa
gitna ng rangya at kariwasaan, sa
pagmamahal at pagkatubog sa karunungan,
naroroon siya sa isang uri ng pagkauhaw, ng
pagdurusa. Takang-taka siya sa mga
kasamahang kung maghapon ay nagtutungo
sa ilog upang maglinis ng kaluluwa. Naligalig
siyang maisip na kung tunay ngang kaisa ng
daigdig ang bawat kaluluwa, bakit kailangan
pa nitong malinis araw-araw? Napuno siya
hindi lamang ng mga tanong kundi ng ibayong
bagabag. Ito ay sa kabila ng pagtitiyak niya sa
sarili, gamit ang mga sagradong tekstong
binabasa niya magha-maghapon, na
nababatid na niyang lahat.

Isang araw, niyaya niya ang kaibigang si (Makikinig ang klase.)


Govinda na magnilay sa ilalim ng punong
Banyan. Naglayo sila nang may akmang
puwang para sa isa’t isa. Nang magsimula sila,
binigkas ni Siddartha ang katagang Om ay ang
arko, ang On ay ang pana. Ang Brahmin ang
asintahin. Ito ang kailangang tamaan. Natapos
ang pagninilay nila kinagabihan at tumayo na
si Govinda upang makapaglinis at makapag-
alay. Ilang ulit niyang tinawag si Siddartha
ngunit tila ba may iba itong kinalalagyan,
ibang daigdig. Upang hindi ito ginawin,
binalabalan niya ito. Kinabukasan, kinausap ni
Siddartha ang kaibigan upang sabihing
ninanasa niyang hagilapin ang kaniyang mga
paghahangad sa pamamagitan ng pagsunod
sa mga Samana.

Ngunit kailangan niyang hingin ang pagpayag (Makikinig ang klase.)


ng kaniyang ama. Ang Brahmin, nang
kaniyang kausapin ay nahintakutan sa
kaniyang narinig. Natakot siya sa maaaring
mangyaring pagdarahop sa kaniyang anak.
Sinikap niyang hikayatin ito na huwag ituloy
ang plano, na nababatid ang kahirapan ng
mga Samana, ang kanilang pamumuhay sa
kasukalan at kakulungan.

Inabangan ni Siddartha ang kaniyang ama


habang nagninilay. Nakatayo lamang ang
binata, nakahalukipkip. Matapos nang
matagal na paghihintay sa ama, nakaramdam
ang ama na naroon ngang nakatayo ang
minamahal sa kaniyang likuran.

Ano ang iyong ginagawa riyan Siddartha? (Makikinig ang klase.)

Nais ko po sanang hingin ang inyong (Makikinig ang klase.)


pagpayag sa aking balak. Mithi ko pong lisanin
ang kaharian upang maging ermitanyo.
Sasama po ako sa mga Samana.

At bakit mo naman naisip na papayag ako? (Makikinig ang klase.)


Napakahirap ng buhay ng mga Samana.
Mamamatay ka sa gutom.

Matapos na sambitin ito ng kaniyang ama ay (Makikinig ang klase.)


nanahimik ang matandang Brahmin. Nag-isip,
huminga ng malalim habang sa pagninilay ay
humahagilap ng mga pamamaraan upang
mahikayat ang anak na huwag ituloy ang
balak. Hindi siya makapaniwala na
mamumutawi ang mga salita mula sa mga labi
ng isang Brahmin.

Hindi ito nararapat sa mga tulad natin. Ang (Makikinig ang klase.)
mga kaisipan mong iyan ay hindi nababagay
sa ating may malalim na pag-unawa at pag-
aaral sa mga bagay. Mabuti pang ipagpatuloy
mo na ang iyong gawain at huwag na akong
abalahin kailanman hinggil sa kahangalang
ito.

Hindi natinag si Siddartha sa sinambit na ito ng (Makikinig ang klase.)


kaniyang ama. Nanatili siya sa kaniyang
kinatatayuan habang nakaupo’t nagninilay
ang kaniyang ama. Nang makitang naroroon
pa rin ang anak sa kaniyang pagtayo, hindi na
sana niya papansinin ang itinuturing na kapritso
ng anak. Ngunit nagwika muli ito:

Ama, payagan mo na ako. Kailangan kong (Makikinig ang klase.)


hanapin ang aking kaganapan.

Mapapagod ka lamang sa paghihintay ng (Makikinig ang klase.)


aking pagpayag, wika ng ama na magtutungo
na sa kaniyang silid upang mamahinga.

Maghihintay ako. (Makikinig ang klase.)


Ikapapagod mo ito, anak. (Makikinig ang klase.)

Maghihintay ako. (Makikinig ang klase.)

Gagabaan ka ng antok. (Makikinig ang klase.)

Hindi ako aantukin. (Makikinig ang klase.)

Nahindik ang ama sa kaniyang sasambitin, (Makikinig ang klase.)


kaya bumuntong-hininga muna siya.

Mamamatay ka sa iyong balak, Siddartha. (Makikinig ang klase.)

Alam kong mamamatay ako. Lahat ay (Makikinig ang klase.)


mamatay.

At mas pipiliin mo ang mamatay kaysa (Makikinig ang klase.)


sumunod sa iyong ama?

At dito minasdang mabuti ng ama ang (Makikinig ang klase.)


paninindigan ng anak. Sadyang napakatibay.
Kaya walang nagawa ang ama. Pinayagan
niya ito. Ngunit hinabilinan na kung hindi nito
makakaya ang pamumuhay bilang Samana,
makababalik ito agad-agad sa kanilang
tahanan.

At nagsimula na nga mga ilang araw matapos (Makikinig ang klase.)


ang pag-uusap, ang paglalakbay ni Siddartha.
Isinama ni Siddartha ang kaibigang si Govinda,
na agad na sumunod sa kaniyang paanyaya.

“Nagustuhan ni’yo ba ang kuwento, klas?”


“Opo.”
“Ano kayang aral ang maaari nating makuha
sa kuwentong napakinggan?”
“Matutong makuntento
po.”
Applied
“Mahusay! Isa sa mga aral na makukuha ay
knowledge of ang pagiging makuntento sa kung ano ang
content within mayroon ka. Ngayon, klas, kung kayo si
and across
curriculum
Siddartha, sapat na ba sa inyo ang mga bagay
teaching areas. na natatamasa niya? Kung hindi, bakit?”
“Kung ako si Siddartha,
Baitang 7, Ikaapat para po sa akin, sapat na
na Kuwarter:
Naibabahagi ang po ang mga bagay o
sariling damdamin karangyaang natatamasa
at saloobin sa
damdamin ng ko. Ang magkaroon ka ng
tauhan sa
napakinggang
kaibigan at magulang na
bahagi ng akda. mahal ka ay isang
F7PN-IVe-f-20
malaking bagay na.”
“Napakahusay! Ngayon, klas, ano-ano ang
mga tunggaliang napakinggan ninyo sa
akda?”
“Kawalan ng tiwala sa sarili.
Gaya ni Siddartha, kahit pa
itinakda na siyang Brahmin
ng ama, naroon pa rin ang
agam-agam niya sa sarili.
Ito po ay tunggaliang tao
laban sa sarili.”
“Napakahusay! Maraming salamat sa
pagbabahagi. Mayroon pa ba?”
“Pagiging hindi
makuntento po sa kung
anong mayroon ka. Ito po
ay kakikitaan sa senaryo
kung saan hindi batid ni
Siddartha ang
pagmamahal ng mga
taong nakapalibot sa
kaniya sa kabila ng
pagmamahal na ibinigay
sa kaniya. Ito po ay
tunggaliang tao laban sa
sarili.”
“Napakagaling! Maraming salamat sa
pagbabahagi. Mayroon pa ba?”
“Ang pagtutol po sa simula
ng Brahmin o ama ni
Siddartha na sumunod sa
Samana o mga mistikong
naglalagi sa kagubatan
upang maging ermitanyo.
Ito po ay nagpapakita ng
tunggaliang tao laban sa
tao.”
“Mahusay at naisip mo iyan! Maraming
salamat sa pagbabahagi.” (Magdaragdag ng
impormasiyon ang guro sa sagot ng klase.)

“Nauunawaan ba, klas?”


“Opo.”

“Mainam. Sa puntong ito, klas, may ipakikilala


akong panauhin. Ang panauhin natin ay
sumbungan ng taong bayan. Marami na
siyang naresolbang mga sigalot at tiyak akong
may matututuhan tayo sa kaniya. Siya ay
walang iba kundi si Idol Raffy Tulfo.” (Papasok
ang standee ni Idol.)
(Kunwaring kakausapin ng guro si Idol Raffy
Tulfo.)

Applied
“Ayon kay Idol, klas, sa anumang tunggalian o
knowledge of problema, laging isaalang-alang ang konsepto
content within ang Likas na Batas Moral, na itinuro rin sa atin
and across
curriculum ng ating mga guro. Ibig sabihin, sa anumang
teaching areas. desisyon o pagbuo ng isang hakbang,
matalino at mabuting desisyon ang kailangang
Baitang 9, Ikaapat
na Kuwarter:
mamukod-tangi sa lahat. Kung mayroong
Napatutunayan na matalino at mabuting desisyon, siyempre, may
ang konsiyensiyang
nahubog batay sa kabutihang panlahat.”
Likas na Batas Moral “Siyang tunay po. Kung
ay nagsisilbing
gabay sa tamang kaya’t laging gawin ang
pagpapasiya
pagkilos. EsP9MP-
at tama.”
Ic-2.2 “May mga tao na bang nagsilbing ‘Idol Raffy
Tulfo’ sa buhay ninyo?”
“Opo. Gaya po ng aking
magulang na laging
nariyan upang gabayan
ako. Pati na rin ang
kaibigan na handang
makinig at bigyan ako ng
payo.”
“Mahusay! Maraming salamat sa
pagbabahagi. Ay, klas, may tatlong panauhin
din tayong inimbitahan ni Idol. Mula sila sa iba’t
ibang palabas sa telebisyon. Ang una ay si...”

“Sino sa tingin ninyo ang unang panauhin


natin?”
“Si Rhodora po mula sa
Rhodora X.”
“Tama! Siya si Rhodora mula sa Rhodora X. Para
sa kaalaman ng lahat, si Rhodora ay isang
bidang may bipolar disorder. Ibig sabihin, may
pabago-bago siyang ugali. Maliban sa mabuti
niyang pag-uugali, may ugali rin siyang
masama. At sa ugaling iyon, siya ay si Roxanne
kung tawagin. Ngayon, klas, ano sa tingin ninyo
ang uri ng tunggaliang kinakaharap niya? May
nangyayari din bang ganito sa totoong
buhay?” “Tao laban sa sarili po.
Opo, may mga ganitong
senaryo na rin po sa
totoong buhay.”
(Magbabahagi ang klase
ng halimbawa.)

“Siyang tunay! Hindi mawawala ang ganitong


personalidad. Sumunod nating bisita ay sina…”

Established a
learner-centered
culture by using
teaching
strategies that
respond to their
linguistic, cultural,
and socio-
economic and
religious
backgrounds.

“Sino sa tingin ninyo ang ating mga bisita?”


“Sina Daniela Mondragon
at Romina Mondragon po
mula sa Kadenang Ginto.
Magkatunggali po sila
kung saan bida si Romina
at ang kontrabida naman
ay si Daniela.”
“Magaling! Ang huling bisita natin ay sina
Daniela Mondragon at Romina Mondragon
mula sa Kadenang Ginto. Tama, sila ay
magkatunggali. Anong uri ng tunggalian kaya
ang namamagitan sa kanilang dalawa?
Nangyayari din ba ito sa totoong buhay?”
“Tao laban sa tao po. Opo,
hindi po mawawala ang
ganitong tunggalian. Sa
pamilya Pilipino, madalas
po itong mangyari. May
mga pagkakaton po
talagang nagiging
‘Daniela’ ang isang
miyembro sapagkat hindi
marunong makuntento.”
“Siyang tunay, klas. Hindi mawawala ang mga
kagaya ni Daniela sa realidad ng buhay.
Ngayon, balikan natin ang kuwento ni
Siddartha. May mga kaugaliang Pilipino ba
tayong kakikitaan sa naturang akda? Ano-ano
ang mga iyon?”
(Sasagot ang klase.)

“Opo, gaya po ng
pagiging family-oriented
natin kung saan, ang
bawat desisyon natin sa
buhay, ikinokonsulta natin
sa ating mga magulang.
Kung ito ba ay tama o
mali.”
“Maraming salamat sa inyong mga tugon. Iba-
iba man ang inyong mga pananaw, batid
kong iisa lamang ang inyong gustong iparating
at iyong ay ang kabutihan. At dito nagtatapos
ang ating malayang talakayan. Klas, may
katanungan o paglilinaw ba kayo?”
(Itatanong ng klase ang
nais itanong.)
(Sasagutin ng guro ang katanungan ng klase.)

Applied a range
“Kung wala na kayong mga tanong, ngayon,
of teaching ako naman ang magtatanong…”
strategies to
develop critical
and creative 1. Batay sa mga aral, klas, na inyong
thinking, as well nabatid sa talakayan natin, paano
as other higher-
nga ba nakatutulong ang konsepto
order thinking
skills. ng Likas na Batas Moral kapag
mayroon tayong problema o
katunggali? Sa inyong karanasan,
mainam bang maging padalos-
dalos sa anumang desisyon natin?
(Sasagot ang klase.)

“Nakatutulong po ang
konsepto ng Likas na Batas
Moral nang sa gayon po ay
makaiwas tayo sa
anumang gulo. Kaya
naman, mainam na hindi
dapat tayo magpadalos-
dalos sa anumang
desisyon. Kritikal munang
isipin ang isang pasiya
kung ito ba ay tama o
mali.”
2. Bakit nga ba sinasabing, “Hindi lahat
ng nakikipagtunggali ay nananalo.
Hindi lahat ng nananalo ay
nakikipagtunggali.”?
“Kaugnay po sa paksa
natin, nais ipabatid ng
teksto o pahayag na
walang tayong makukuha
sa pakikipagtunggali. Kung
mayroon man, iyon ay ang
masakit na kasapitan. Ang
taong walang insekyuridad
sa sarili ay ang taong
marunong makuntento at
laging nananalo sa
buhay.”
“Maraming salamat sa tugon. Sa
pagkakataong ito ay magkakaroon ulit tayo ng
pangkatang gawain. Parehong pangkat pa
rin.”

Established a
E. Paglalapat
learner-centered Mga Gawaing Differentiated
culture by using
teaching
strategies that “Para sa gawain, inaanyayahan ko ang mga
respond to their lider ng bawat pangkat na pumunta sa harap
linguistic, cultural, at bumunot ng numero upang malaman natin
and socio-
economic and kung ano ang gagawin ninyo.”
religious (Bubunot ang bawat lider.)
backgrounds.
Pangkalahatang Panuto: Lumikha ng masining
na presentasiyon mula sa mga napanood na
ninyong programang pantelebisyon.

Gawain 1: Idaraan na lang sa Tula


Panuto: Gumawa ng tulang adaptasiyon mula
Adapted and sa programang pantelebisyon na ang tema ay
used culturally
appropriate
ukol sa katutubong kulay.
teaching
strategies to Gawain 2: Senaryo, Kamera...Aksiyon!
address the
needs of learners
Panuto: Bumuo ng isang tableau mula sa
from indigenous programang pantelebisyon na ang tema ay
groups. ukol sa mga kapatid na Muslim.

Gawain 3: Isayaw Mo Ako!


Panuto: Bumuo ang isang interpretatibong
sayaw mula sa programang pantelebisyon
na ang tema ay ukol sa pamilya.

“Sa pangkatang gawain natin ay bibigyang ko


kayo ng limang (5) minuto upang maghanda.
Para naman sa pamantayan sa
pagmamarka…”
Used strategies
for providing
timely, accurate,
and constructive
feedback to
improve learners’
performance.

“Maliwanag ba ang ating pamantayan?”


“Opo.”
“Kung gayon, maaari na kayong magsimula.”
(Magiging abala ang klase
sa paggawa ng awtput.)
(Pagkalipas ng limang (5) minuto…)

“Tapos na po ang ating limang (5) minutong


palugit, ipresenta na ang awtput ng bawat
pangkat.”
(Ipepresenta ng bawat
pangkat ang awtput.)
(Bibigyan ng guro ng marka ang awtput ng
bawat pangkat.)

“Kahanga-hanga! Lahat ng pangkat ay


nakakuha ng perpektong marka! Kakikitaan
talaga na kayo ay nakinig sa talakayan. Klas,
nang dahil diyan, bigyan ninyo ng mahusay
clap ang inyong mga sarili!”
“M-A-H-U-S-A-Y
M-A-H-U-S-A-Y
Mahusay! Mahusay!
Napakahusay!”
F. Pagtataya
“Klas, para naman sa inyong pagtataya,
kumuha ng isang (1) buong pirasong papel at
sagutan ang nasa harap sa loob ng limang (5)
minuto.”

I. Panuto: Isulat ang TAO kung ang uri


ng tunggaliang tinutukoy ay tao
laban sa tao. Isulat naman ang
SARILI kung tao laban sa sarili.

1. Suntukan
2. Sabunutan
3. Pagpili kung tama ba o mali
4. Pagkabaliw
5. Bipolar disorder

II. Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng


pahayag.

1. Siya ay isang marangyang binata na


anak ng isang Brahmin.
2. Ito ay isang instrumento sa madudulang
tagpo.
3. Itinuturing na ang pinakamahirap na
kalaban ng isang tao ay ang kaniyang
sarili.
4. Ang tunggaliang ito ay ang
pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan sa kapuwa niya tao.
5. Siya ang babaeng katunggali ni Romina
Mondragon.
(Magiging abala ang klase
sa pagsagot.)
(Pagkalipas ng limang (5) minuto…)

“Tapos na po ang ating limang (5) minutong


palugit, tapos o hindi tapos ay makipagpalit sa
katabi.”

“Simulan na natin ang pagwawasto.”


I.
1. TAO
2. TAO
3. SARILI
4. SARILI
5. SARILI
II.
1. Siddartha
2. Tunggalian
3. Tao laban sa sarili
4. Tao laban sa tao
5. Daniela Mondragon
Susi sa Pagwawasto
I.
1. TAO
2. TAO
3. SARILI
4. SARILI
5. SARILI
II.
1. Siddartha
2. Tunggalian
3. Tao laban sa sarili
4. Tao laban sa tao
5. Daniela Mondragon
“Kahanga-hanga! Lahat kayo ay nakakuha ng
perpektong puntos! Klas, nang dahil diyan,
bigyan ninyo ng mahusay clap ang inyong
mga sarili!”
“M-A-H-U-S-A-Y
M-A-H-U-S-A-Y
Mahusay! Mahusay!
Napakahusay!”
G. Takdang-aralin
Panuto: Magsaliksik ng limang (5) malalalim na
salita at tukuyin ang pinagmulan ng mga ito
(etimolohiya).

“Klas, maraming salamat sa inyong pakikiisa!


Nag-uumapaw ang ligaya at pagpapala sa
aking puso at nawa’y kayo rin—sa panibagong
kaalamang natamo. Hanggang dito na
lamang muna sa ngayon. Laging
pakatandaan ang kasabihang, ‘Mag-aral
nang maigi upang buhay ay bubuti.’ Kitakits
puhon. Paalam sa lahat!”

Inihanda ni:

MIKE JAMES PALAY


Practice Teacher

Iniwasto at ipinagtibay ni:

ALICE B. MAGLINTE, EdD


Cooperating Teacher

You might also like